Chapter Three

6 1 0
                                    

Samantha Heartache POV;

"Hoy! Samantha! Ano itong nabalitaan ko?!"

Dire-diretso lang ang pasok ni Cai-Cai sa kwarto ko.

"Tsk. Ano ba 'yon? Nanunuod ako ang ingay mo." Binatukan niya ako at sinarado ang laptop ko.

"Waaaaaaah. Bakit ba?!" Binuksan ko ulit ang laptop at pinlay ang video.

"Magkasama daw kayo ni Death kahapon?!"

"Takte Cai-Cai. Pwede bang 'wag kang sumigaw?! Ang ingay-ingay mo!"

Pinaused ko muna ang pinapanuod ko at humarap sa kanya. Huhuhu. 'yung asawa kooo.

"So, bakit kayo magkasama?" Tanong niya na nakakunot ang noo.

"Tss. Wala."

"Samantha."

"Wala nga kase!" Nanuod na ulit ako at hindi nalang siya pinansin.

"Hah! Sige hah!" Tumayo siya at akmang aalis na nang batuhin ko siya ng unan.

"Tss. Ang tampuhin mo talagang leche ka!" Tumayo ako sinabutan siya ng mahina.

"Heh! Ewan ko sa'yo!" Tumalikod na ulit siya at naglakad.

"Bahala ka ja'n. Sasabihin ko na nga e." Pang-uuto ko.

Agad naman siyang bumaling sa'kin.

"Oh. Ano na?"

"Magkasama lang kami kahapon kasi..."

"Kasi?"

"Wala lang." Pang-aasar ko at tumawa.

"Sam!!!" Lumapit siya sa akin at sinabunutan ako.

"HAHAHHAHAH aray masakit! HAHAHAH!"

"Masakit pero tumatawa ka?"

"Pftt. HAHAHAH susumbong kita kay Ian." Sinamaan niya ako ng tingin at sumimangot.

"Nyenye. Ewan ko sa'yo." Umupo na siya sa kama.

Takot kay Ian. HAHAHAH

"Magkasama lang kami ni Kamatayan kahapon kasi bigla niya akong hinila."

"May nickname pa talaga ah?" Nakita ko ang nang-aasar niyang tingin.

"Tss. Kamatayan naman talaga siya ah?" Sabi ko at tumalon padapa sa kama. Hawak na niya ngayon ang laptop ko at kung ano-ano na naman ang kinukulikot.

"Lika dito, Sam!" Hinila niya ako paupo.

"Tignan mo 'yung post ni Death. HAHHAHAH." Pinakita niya sa'kin ang post.

Poteeeek!! Picture ko 'yon habang nakatingin ng masama kay Kamatayan.

"Bwiset! Ano na namang trip ng Kamatayan na 'yon?!"

"Tignan mo pa 'yung caption niya."

'My baby is mad at me. But she's still cute.'

"Takteeee. Akin na!" Kinuha ko ang laptop at minessaged si Kamatayan.

"Hoy! Kayo ba o ano?!" Tanong ni Cai-Cai habang nag-ta-type ako.

"Anong kami?! Walang kami at never mangyayari 'yon!" Sigaw ko.

Samatha Suarez:
Hoy pesteng Kamatayan! Burahin mo ang picture ko!!!

Death Xenn:
Oh. It's you.

Samantha Suarez:
It's you it's you mo mukha mo! Burahin mooooo!!!!

Death Xenn:
And why?

Samantha Suarez:
Anong why?! Ano sa tingin mo ang iisipin ng mga tao sa school?! AaaAaaaa. Burahin mooooo!!!

"Pftt. Ngayon ko lang na-realised na para kang childish sa kanya."

"Anong pinagsasabi mo, Cai-Cai?!"

Death Xenn:
So what?

"Argh! Bwiset! Leche!"

Samatha Suarez:
Kung ayaw mo edi 'wag! Bwiset!

Binlocked ko siya sa messenger.

"Pft. Hahaha. Samantha~ ang cute mo." Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Napabaling ang tingin ko sa laptop nang tumunog ito.

Death Xenn mentioned you in a post.

Pinindot ko 'yung notification at tinignan.

'My baby is mad at me again.Please tell her to unblock me'

500 reacts 350 comments

"Potek! Ano na naman ito?!"

Kinuha sa'kin ni Cai-Cai ang laptop at binasa ang mga comments.

Unblock mo na daw @Samantha Suarez!

Waaaah. Sana all baby ni Death!!

How to be you Samantha Suarez?!

Si Jason tapos ngayon si Death naman! How dare you?!

At marami pang comments na sinasabing ang landi ko daw at 'yung iba naman ay sinasabing unblock ko na daw.

"Tss. Argh! Mga bwiset! Lalo na 'yang Kamatayan na 'yan!" Pinagkukurot ko ang unan ko habang si Caida ay kinukulikot pa rin ang account ko.

"Na-unblocked ko na si Death... Nag-messaged!"

"Takte! Ba't in-unblocked mo?!" Kinuha ko sa kanya ang laptop.

Death Xenn:
Fine. I'll delete it but don't block me ever again.

Samantha Suarez:
-.-

"Sam, magkakajowa ka na ba?" Natatawang sabi ni Cai-Cai.

"Tigilan mo ako Cai-Cai."

Nireplyan ko ulit si Kamatayan na panay ang message sa'kin.

"Pero Sam, ingat ah? Alam mo namang sikat si Death. Ayaw ko lang mangyari ulit 'yung dati."

Napahinto ako dahil sa sinabi niya.

"Hindi ko hahayaang mangyari ulit 'yon." Sabi ko at sinara ang laptop.

I'm letting my guard down again.

Unexpectedly In Love With The Bad Boy [COMPLETED] Where stories live. Discover now