Mensahe

16 1 0
                                    

Mahal
Marahil ay hindi mo na malaman
O sadyang nagbubulag-bulagan
Sa mga pangyayaring di mo inaasahan
Pero nakakapanghinayang
Ang mga bagay na maiiwasan
Sana natin Mahal

Nasa pagitan ako ng pagsuko at pagtitiis
Nais, matigil ang paghihinapis
Na hindi maalis
Sapagkat ang dating tayo
Ay unti unti na ring lumilihis

Nais mo pa ba?
Na manatili saking tabi
Mayapos mahawakan at makasama sa gabi?
Huwag ng mag atubili
Bumalik, yumakap; sakin ay umuwi
Pawiin, tanggalin at alisin lahat ng pighati

Pero kung sakaling matapos ang tulang ito
At makita mo ang sarili mong lumalakad palayo
Bigyan mo ng huling pagkakataon yaring puso
Na maramdaman ang yakap at halik mo

Sana mahal
Sa susunod na mamahalin mo
Ibigay mo ang lahat ng iyo
Lahat ng hindi mo sakin pinatamo
Mahanap sana ang tamang tao
Na handang intindihan ka hanggang dulo

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon