May isang tao talaga sa mundo
Na makapagbabago sa pananaw mo
Sa kung paano mo harapin ang bukas
At kung paano ang lahat ay ayaw mong mag wakas
Isang taong hindi mo aakalain
Na sa una ay hindi mo man lang napansin
Matagal ng humihingi ng atensyon
Na sa ibang tao mo naituon
Bulag sa mga bagay na huwad
Sa pag alam ng katotohanan ay tamad
Unti-onti ng tumutulo ang patak
Ang bagay na yun ay tuluyan ng nawasak
At sa kanyang pag bitaw
Ang siya namang iyong pagtanaw
Sa mga bagay na kanyang nagawa
Na noon ay hindi mo man lang nakita
Lumayo, umalis ng walang paalam
Tumalikod, naglakad at tuluyan kang iniwan
Sa paglipas ng araw aking nalaman
Ang iyong pagbabalik ang tanging asam
BINABASA MO ANG
Poems
PoesíaLive free. Read well. Smile and Frown. Do everything that makes you happy.
