Mahal Kita

44 1 0
                                    

Dalawang salitang may siyam na letra
Salitang maaring sumira sa mundo nating dalawa
Pero ano nga ba ang kahulugan ng salitang namutawi ng labi
Na kalaunan ay nagiging dahilan ng paghikbi
Sa unang bigkas ay nakakagalak
Sobrang saya kahit walang halakhak
Kalaunan ay nakakasaya
Lalo na kapag kasama mo na siya
Pero paglaon ay para bang napapalitan
Unti unting hindi na maintindihan
Ano ba talaga ang kahulugan?
Bakit may mga taong nasasaktan?
Mahal kita ang salitang noon ay nais madinig
Ngayon ay parang kakaiba na sa pandinig
Nagsawa na sa salitang paulit ulit na sinasambit
Ayoko na sapagka't alam kong ako na lang ang nakakapit.

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon