Ikaw mag isip ng titulo.

62 3 0
                                        

Nag iisip at naguguluhan
Hindi malaman kung pasasaan
Mga bagay na akala'y nandiyan
Nanatili lang ng panandalian
Nakatingin sa kalangitan
Hinahanap ang kasagutan
Sa pagharap sa salamin aking nalaman
Nalulunod na pala ako sa katangahan
Hinahabol ka kahit san magpunta
Humihingi ng kapatawaran, pagbigyan mo na
At sa iyong pag iling ay siyang pag bagsak
Ng mga luha ko sa pisngi na pinipigilan kong pumatak
Sa aking isip tumatatak
Ang mga salitang sa puso ko wumasak
Ang tanging tanong ay,'bakit?'
Walang sagot na kapalit.
Damdamin ay binabalutan ng sakit.
Sarili ay binuburo sa pait.

----------
12:51 :)

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon