Hindi ko maintindihan kung bakit ako dumating sa puntong ito
Na makikihati sa iba para lang sa isang tao
Hindi ko maintindihan kung anong meron sayo
At nagawa mong guluhin ang tahimik kong mundo
Hindi ako sanay na mayroong iba
Nabuhay ako sa paraang kapag akin ka, Akin ka
Pero ngayon ako itong nakikihati sa kanya
Para lang makasama at makapiling ka
Mali man sa mga mata ng iba
Pero anong magagawa ko, gusto kita
Alam kong sa buhay mo kami ay dalawa
Kaya mas pinili kong maging pangalawa
Hindi lingid sa kaalaman na mas mahal mo siya
Habang ako ay pampalipas oras mo lang talaga
Walang karapatang magselos ng basta basta
Hindi pwedeng humingi ng atensyon kapag sa kanya ka
Ngunit mas pinili kong manatili sayong tabi
Pinilit itago ang mga hikbi
Ang mga luhang tumutulo saking pisngi
Hindi mo yan makikita kahit kaunti
Hihintayin na maging tama ang mali
Makukuntento sayong mga ngiti
Maghihintay sa panibagong sandali
Hanggang sa matikman muli ang iyong mga labi
Iiwasang hindi masaktan
Pipiliting huwag mahulog ng lubusan
Hindi ipapakita ang matang luhaan
Pakiusap huwag mo lang ako iiwan
Kahit ako ay pangalawa lang...
BINABASA MO ANG
Poems
PuisiLive free. Read well. Smile and Frown. Do everything that makes you happy.
