Sumuko ako hindi dahil ito ang ginusto ko
Pinakawalan kita kasi kailangan natin to
Hindi ako lumaban hindi dahil mahina ako
Nanahimik ako kasi alam kong di na ako ang dahilan ng pagngiti mo
Oo mahal siguro nga nagkamali ako
Hindi mabilang na pagkakamali na siyang ng pagbitaw mo
Naging dahilan sa para magkaroon ng bago
At tuluyang mawalan ng tayo
Gusto kong malaman kung masaya ka ba sa pinili mo?
Napapasaya ka ba niya ng higit sa nagawa ko?
Naibibigay niya ba lahat ng iyong gusto?
Naalalagaan ka ba niya ng husto?
Pero mas pipiliin na lang ang katahimikan
Mas mabuti pang hindi na lang malaman
Para hindi na lang din hindi masaktan
At magkaroon ng panibagong pagsisisihan
Mahal sa paglipas ng taon
Akin ng napag-isipan
Na baka tama ang hindi ko paglaban
Kasi hindi ko rin makikita na masaya ka ng ganyan
Ito na huling tulang isusulat
Titigilan na ang pag asam sa di dapat
Di ko man maitapon lahat
Sa sarili ko, ang alaala ay higit pa sa sapat
BINABASA MO ANG
Poems
PoetryLive free. Read well. Smile and Frown. Do everything that makes you happy.
