Natatawa sa isang katotohanang
Mas sumasakit pa ang iyong ulo dahil sa simpleng patak ng ulan
Kesa sa ilang bote ng alak na tinanggalan mo ng laman.
Mga bagay na hindi mo man lang pinag isipan
Nahulog sa isang taong ng ganun ganun na lang
Ni hindi mo nga alam ang patutnguhan
Ni wala ka ngang kasiguraduhan
Sa kung paano na ang langit ay makakatagpuan ng lupa
Kung paano na ang mga mata ay titigil na sa pagluha
Paano nga ba aabutin ang tala?
Mahal, naiintindihan mo ba?
Hindi ito isang laruan na pwedeng mong ipamigay kapag nagsawa na
Bibitawan kapag ayaw mo na.
At ipagpalit kapag nakahanap ka na ng iba.
Ito ay dapat bigyan ng halaga
Hindi man masuklian, huwag lang ipagsawalang bahala
Kasi kapag ang kwento ay tapos na
Hindi na pwedeng ulitin pa.

BINABASA MO ANG
Poems
PoetryLive free. Read well. Smile and Frown. Do everything that makes you happy.