Baka kaya namimilit, nangungulit, nang iinis, nang-gagalit
Kasi may isang pakiramdam na di mo mawari
Dalawang salita pilit kinukubli
Inililihim pagkat ayaw ang lahat ay magbago
Gusto kita. Dalawang kataga. Gusto kita
Ngunit nangingiming sabihin, sambitin ang mga salitang yan na animo'y ang puso ay sinisilaban kapag lumalapit, ngumingiti, at tumatawa ka na.
Hindi ko alam paano maipaparamdam ang dalawang salitang nakatago. Naghuhumilagpos sa aking puso.
Gusto kita hindi dahil binibigyan mo ko ng ngiti sa umaga
Gusto kita hindi dahil lagi mo kong napapatawa
Gusto kita kahit na ba ganyan ka rin sa iba
Gusto kita kahit na ang atensyon mo ay sa kanya naman pala
Pero sino nga ba ako? Isang simpleng tao na nagtatago rin katulad ng dalawang salitang gusto kong sambitin sa harap mo.
Gusto kita-------------------
No, scratch that. I think I'm starting to love you now. Libra.
![](https://img.wattpad.com/cover/95087338-288-k899586.jpg)
BINABASA MO ANG
Poems
شِعرLive free. Read well. Smile and Frown. Do everything that makes you happy.