Mananatili sa iyo
Kahit di alam kung mahal mo
Hindi maghahangad ng todo
Alam ko ang limitasyon ko
Iintindihin ka
Kahit nasasaktan na
Sa mali man o tama
Paniniwalaan ka
Nahihirapan man
Ay hindi kita iiwan
Hindi man maipagsigawan
Hindi rin siguro kayang bitawan
Manatili ay kahangalan
Hindi ganito ang pagmamahalan
Marami ring akong dahilan
Kaya di kayang sugatan
At sa magmuling pagtulo ng luha sa mata
Hindi ko rin masasabi sayo ng direkta
Tila ba kulang ang salita
Na aking kayang ipakita
Hindi na lang siguro susugal
Baka di rin naman tatagal
Ng habang buhay ang pagmamahal
Kahit yun pa ang dasal
BINABASA MO ANG
Poems
PoésieLive free. Read well. Smile and Frown. Do everything that makes you happy.
