PUTING KAHON

23 1 0
                                    

Napunta ako asa isang dimemsyon kung saan pwede kong baguhin lahat
Mga bagay na nangyari sa nakaraan na hindi naman dapat
Nakikita ko ang aking sarili sa isang eksena kung saan nandun ka
Nagkaroon ng konting pagtataka kung bakit ako ay naroon na
Sa aking ala ala ay tila ba nagkakaroon ng problema
Ano bang nangyayari?
Saan ba ako naroroon ?
Tumingin sa kaliwat kanan.
Pamilyar na lugar aking nasisilayan.
Dito ka nawala diba?
Sa lugar na ito mo huling inilabas ay iyong hininga.
Naguguluhan ako. Nakikita ko si kamatayan sa likod mo.
Sinusundan nito ang iyong anino.
Naghihintay sa iyong susunod na paghinto.
Sinubukan ko siyang pigilan.
Humarang sa kanyang  harapan.
At sinabing,"Ako nalang."
Ngunit ako'y kanyang nilampasan.
At ang sumunod na eksena at hindi ko mapaniwalaan
Napunta sa lugar kung saan ang mga tao ay kadalasang nakaputi.
Napagmasdan ang ating inang puno ng pighati
Ako ay lumapit sayo sinubukan na gisingin ang iyong kamalayan
Ako ay nalilito, bakit ba nagkakaganito.
Bakit ako naririto sa lugar kung saan wala naman ako
Nakita ang mga taong huling kasama mo
At unti unting tumulo ang mga luha sa aking mga mata
Gustong isigaw ang lahat ng sakit at nakita ang isang bagay na pwede maging dahilan para makasama ka.
At inilagay ito sa aking pulso, pumikit at nagpaalam na.
natigil sa aking paghinga
Na siyang naging pag gising ng aking diwa
At ang unang pinuntahan ang taong iyong iniwan
Ang batang natanggalan ng karapatan
Na lumaki sa tabi ng kanyang amang tuluyan ng lumisan.
Hanggang ngayon ay iniisip pa rin. Hinahanap ang dimensiyon kung saan pwede kong baguhin ang nakaraan.
Para lumaki na ang batang iyo na may amang magigisnan.
Iniisip na kahit ako na lang ang nasa iyong posisyon.
Na nakabaon sa anim na talampakan na lupa at nakapaloob sa kulay puting kahon.

________________________________________
This is for my brother. If ever I can change what happen. I will be glad to be in your shoes rather than losing you.

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon