PROLOGUE

116 14 5
                                    

PAGLABAS ko ng kotse, may nakita akong lalaki na familiar sa akin. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon o totoo.

"Hey, are you okay?" tanong ni Matthew na nasa gilid ko na pala. "Yup, I just saw familiar person." sagot ko sa kaniya at tumingin sa kaniya. "Familiar person? Who?" tanong niya sa akin at tumingin sa paligid.

"I saw Cedrick's figures but I'm not sure if it was him." sagot ko sa kaniya. "Guni-guni mo lang iyon. Kulang ka lang talaga sa tulog kaya dapat magpahinga ka na pag-uwi mo." sabi niya sa akin at tumangu tango ako.

"Guni-guni mo lang yun, Isabel. Wala siya rito. Hindi na siya babalik at magpapakita pa sa iyo." sabi ko sa aking sarili. "I can't pick you up later." sabi niya sa akin kaya tumingin ako ng deretso sa kaniya.

"Is that the woman the reason? The woman you helped in the mall last week." tanong ko sa kaniya dahil sinabi niya sa akin nung nakaraan na gusto niyang makilala iyon. Tumango naman si Matthew bilang sagot niya sa aking katanungan. "Alis na. Ayoko na maging third wheel pa sa inyo at baka magselos siya sa akin. Ayoko na ng gulo." sabi ko at tinulak siya ng mahina.

"Oo na basta kapag hindi ka nakahanap ng sasakyan mamaya tawagan mo nalang ako." paalala niya sa akin. "Sa sunday naman baka makuha ko na kotse ko kaya huwag mo na akong sunduin at ihatid. Focus ka kay ate ganda, okay?" sabi ko at binigyan ako ng thumbs up kaya natawa ako.

Umalis na siya at ako naman ay pumasok na sa SM. Tumingin tingin ako sa ibang shops rito hanggang sa makita ko na sila Janella. Pumasok kami sa isang restaurant na Eat All You Can at inihatid kami ng isang staff ng restaurant kung saan ang table namin. Maya-maya tumayo na sila Janella upang kumuha ng pagkain nila at sumunod din agad ako.

Nauna na sila Janella bumalik sa table namin at ako naman ay namimili pa ng kakainin ko. Nang matapos ako mamila at kumuha, bumalik na ako sa table namin. Bago ako makarating sa table namin, may nahagip akong tao na kinahinto ng aking paglakad.

Nang dahil sa nakita kong tao ay nagkaroon ako ng maraming tanong sa aking isipan. "Bakit siya pa ang nahagip ng mata ko sa daming lalaki sa paligid ko?" tanong ko. "Ang gwapo parin niya kahit mukhang siyang pagod. Kamusta na kaya siya?" tanong ko muli sa sarili ko.

"Single pa rin ba siya? Or may girlfriend na siya?" tanong ko muli. "Kahit ilang tanong pa ang itanong ko sa aking sarili, hindi ko pa rin malalaman ang mga tamang sagot para doon." sagot ko sa aking mga katanungan kaya naglakad na ako papunta kila Janella at umupo.

Tinignan ko ang aking dalawang kaibigan na nagsisimula na kumain at dahil doon binigyan ko na ng pansin ang aking pagkain. Ang nararamdaman kong pagod ay unti-unti na nawawala.

Ang tahimik na pwesto naming tatlo at ang maririnig lang ay ang mga nguya namin pero hindi rin nagtagal ang katahimikan sa pwesto namin dahil sa isang tanong na inaasahan ko na marinig.

"Isabel, nakikita mo ba ang nakikita ko?" tanong ni Janella sa akin ngunit hindi ko siya sinagot dahil aasarin na naman niya ako at ayaw kong pag-usapan namin ang tinutukoy niya. "Ang pogi niya pa rin hanggang ngayon." sabi ni Janella na habang ngumunguya at nakatingin sa pwesto ng tinutukoy niya.

Halatang pinaparinggan ako kaya tumingin ako kay Janella at tinignan siya ng masama kaya ngumiti siya sa akin. "Kahit mukhang siyang pagod, ang pogi niya pa rin talaga." sabi ni Olivia at lumingon sa akin.

Pinipigilan ko nalang ang sarili ko na magsalita dahil ayaw ko nga pag-usapan ang tinutukoy nila. "Isabel, bakit ang tahimik mo diyan? Hindi ka naman ganyan katahimik." sabi ni Janella na nakatingin sa akin. Kailangan kong magsalita dahil baka isipin nila na may gusto pa rin ako sa tinutukoy nila.

"May gusto pa rin ba ako?" tanong ko sa aking sarili. "Hello! Narito pa rin ba si Isabella Garcia?" baliw na tanong ni Janella at umaktong hinahanap ako. Tinignan ko siya ng masama at sumubo ng pagkain bago tumingin muli sa kanila.

"Tulala ka kasi diyan at hindi ka man lang sumasagot diyan na para bang hindi ka namin kinakausap." sabi ni Olivia sa akin na mukhang naiinis sa akin. "May iniisip kasi ako kaya tahimik ako at pagod ako." sagot ko sa kaniya.

Tinawanan nalang nila ako imbes na kulitin ako. Iniba namin ang aming topic at tinuon ng pansin ang nangyayari sa buhay ng bawat isa lalo na ngayon lang kami nagkasama dahil sa trabaho namin.

"Kumusta na pala ang pagiging soon to be married, ha?" tanong ni Olivia kaya tumigil sa pagkain si Janella. "Hindi naman siya sobrang hirap basta kung gusto mo talagang mangyari gagawa ka ng paraan para mangyari ang gusto mo." ngiting sabi ni Janella na halatang masaya talaga siya at kami naman ni Olivia ay tumango.

"Ikaw ba? Nalaman kong kulang nalang tumira ka na sa ospital." sabi ko kay Olivia kaya nag-iba ang kaniyang mukha. "Sino ba naman hindi mag-i-istay doon kung ikaw ang pinili na maging kapalit muna ng isang doctor na mag-li-leave muna dahil ikakasal daw. Ako ang napili kaya dagdag sa schedule ko 'yung schedule nung doctor." pagpapaliwanag niya sa amin. Ayun naman pala reason niya kung bakit hindi siya pwede.

"Ikaw naman na halos araw-araw may flight, ano na balak mo sa buhay mo?" tanong sa akin ni Janella. "Kain, trabaho, kain at tulog." sagot ko kaya tumawa sila. "Hindi ka naman pinopormahan ni Matthew, 'di ba?" tanong ni Janella sa akin at umiling ako. Pinag-usapan pa namin ang ibang bagay.

Tumingin muli ako sa pwesto ni Cedrick at nagulat ako dahil nakatingin din siya sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin. Nakita naman iyon nila Janella kaya tinawanan nalang nila ako imbes na tanungin pa ako at kulitin. Mabuti nalang tumahimik na sila hanggang sa matapos kaming tatlo kumain. Nag-ikot-ikot muna kami hanggang sa mapagod kami at maisipan na umuwi dahil si Olivia ay may pasok pa mamayang gabi.

Hanggang sa makauwi kami sa sariling bahay namin gumugulo pa rin sa aking isipan ang tanong na hindi ko magawanag sagutin kahit na napakasimple lang na tanong ito para sa akin.

"Gusto ko pa rin ba siya?" tanong ko sa isip ko.

Love me back, My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon