ARAW ngayon ng paglilinis kaya magiging busy kaming tatlo rito sa bahay lalo na maraming lilinis at ibig sabihin ay buong bahay ang lilinisin namin kahit labas ng bahay ay lilinisin din namin. Ayun talaga ang routine namin sa tuwing darating ang Sunday.
Narito ako ngayon sa aking kwarto dahil tinatanggal ko ang mga punda ng mga unan ko, kurtina, kumot at ang mga maruming damit ko upang malabhan na. Habang naglilinis kami ay laging may kasamang malakas na music para lalo kaming ganahan maglinis. Sila Janella at Olivia ay may mga sariling gawain.
Maya-maya ay natapos ko na rin ang ginagawa ko sa aking kwarto at ngayon ay hinahatak ko ang dlawang basket na punong puno ng maruming gamit. Dadalhin ko 'to sa likod ng bahay dahil nandoon ang labahan namin. Ang plano namin ay ise-set na namin ang labahin para habang naglilinis kami ay nalalabhan na ang damit namin dahil automatic naman na ang washing machine namin.
Pagkatapos namin asikasuhin ang labahin, ang kwarto namin muli ang ang aming inasikaso. Kailangan naming maging mabilis ang ilos dahil late na kaming nagsimula dahil ang tagal magising ni Janella.
Halos sabay-sabay naming natapos linisin ang aming kwarto kaya isinunod na namin ang kitchen at living room lalo na paniguradong madaming itatapon doon. Mas alam ko ang kusina namin kaya alam ko ang mga dapat tanggalin at linisin.
"Olivia, pakuha nga ako ng basahang bilog at sponge sa stock area natin. Salamat!" sigaw ko at maya-maya aybumalik agad si Olivia na dala-dala ang pinakuha ko. "Ito na, senyora. May uutos ka pa ba?" tanong niya sa akin at umiling ako. "Thank you, yaya." biro ko at tinarayan lang ako pero alam naman naming nagbibiruan lang kami.
Hanggang sa matapos ko ang kusina ay tinulungan ko na sila sa sala. "If keri pa mamaya, groceries na tayo." sabi ko sa kanila habang tinatanggal ang mga kurtina. "Pwede naman pero ikaw nalang." sabi ni Janella kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"What if ikaw ang paglinisin ko ng mga natitira?" biro ko. "Huwag po, ate, mapapagod ako. Baka hindi ko makausap si Vincent." sagot niya sa akin. "Anong connect ni Vincent sa topic?" sabat ni Olivia. "Patay kang bata ka." natatawa kong sabi kay Janella.
"Bakit parang hindi ka ba gano'n?" patol ni Janella. "At least ako hindi ko sinasama sa topic." sabi naman ni Olivia. Nagsisimula na naman ang World War III sa aming bahay. "Oh, so?" sabi naman ni Janella. "Walang label." sabi ni Olivia kaya natawa ako.
"Payag ka na ginaganyan ka ni Olivia, Janella?" sabi ko kay Janella. "At least alam kong may chance pero kayo ba?" banat naman ni Janella kaya natawa si Olivia. "Hindi mo sure." natatawang sagot ni Olivia kaya pareho kami ni Janella na nagulat.
"Hindi mo chinichika sa amin, ha. Ganiyan ka na pala, Olivia, kinakalimutan mo na kami ni Isabel." sabi ni Janella. "Well may kaunting alam ako about sa kanila hindi tulad mo na walang alam." sabi ko kaya nagkunwari na umiiyak si Janella kaya tinawanan namin ni Olivia ito. Kawawa na naman siya.
"Pero hindi naman ako papayag na ako lang kinakawawa rito. Parang 'yung isa nakamove-on na." biglang sabi ni Janella at nakatingin siya sa akin. "For your information, nakamove-on na ako." sabi ko sa kaniya. "Joke lang naman, eh. Alam ko namang nakamove-on ka na.
"Hindi natin matatapos ang ginagawa natin kung puro tayo asaran." saway ni Olivia sa amin kaya tumahimik na kami ni Janella.
***
AFTER TWO HOURS
"Anong gusto ninyo kainin? Nagugutom na me, eh." sabi ko sa kanila na ngayon ay nagpapahinga. "Jollibee," sagot ni Janella. "Mcdonalds," sagot naman ni Olivia.
"Ito na naman tayong tatlo." sabi ko sa kanila dahil alam kong magtatalo na naman sila. "Chowking nalang para hindi na kayo magtalo." sabi ko sa kanila. "Nagtanong ka pa kung ikaw rin naman pala ang magde-decide." sabi sa akin ni Janella.
BINABASA MO ANG
Love me back, My Love
Romance‼️CURRENTLY EDITING‼️ Isabella Garcia is a woman on a mission. Determined to achieve her dreams and graduate from school, she has made her studies her top priority. After experiencing heartbreak in the past, Isabella has guarded her heart and decide...