NGAYON ay 3rd year na kami kaya lumipat na si Olivia ng university kasi nahihirapan daw siya at lilipat na siya ng condo dahil may nahanap siyang malapit sa university na lilipatan niya. Si Janella naman ay mananatili pa rin sa bahay dahil nag-iipon pa siya pambili ng sarili niyang titirhan. May part time job na rin si Janella at ayaw niay pa ring tanggapin ang binibigay sa kaniya ng parents niya.
Maaga kaming umalis sa mga tirahan namin dahil baka traffic ngayon dahil linggo at walang pasok. Nag-message kasi sa amin si Olivia nung isang araw na nagpapatulong siya mag-ayos sa condo niya at hindi naman masyadong malaki 'yun.
Nang makarating ako sa condo ni Olivia, nagsisimula na silang maglipat. Nandito na rin sila Gavin pero wala si Alton dahil umuwi raw sa bahay nila. "Pwede na makitulog dito." sabi ni Janella na nag-aayos ng sofa na buhay kanina nila Gavin. "Marami ka bang gamit na binili para dito?" tanong ko dahil alam ko na kapag si Olivia ay nagkaroon ng sariling tahanan ang gusto niya ay siya ang magdedesisyon kung ano ang mga design at gamit sa loob ng bahay niya.
"Kaunti lang naman dahil kinuha ko na 'yung mga gamit ko sa bahay natin." sabi ni Olivia. Gano'n ang nagign desisyon namin sa bahay at sa mga gamit. Kapag umalis na si Janella, ibebenta na namin ang mga gamit o tatangayin namin. "Malungkot na ang bahay natin." sabi ni Janella. "Pwede ka naman mag-stay rito o tanggapin mo na kasi para makapaglipat ka na rin." sabi ni Olivia. "No way," sabi ni Janella. Si Kuya na ang bahala talaga sa bahay namin.
"Buhatin mo kaya ako lang yata nagbubuhat." sigaw ni Gavin habang dala ang isang box at ang laman ng box ay refrigerator. "Akala mo naman kasi magaan dito sa part na binubuhat ko." sabi naman ni Vincent. "Ang ingay ninyong dalawa. Bubuhatin ninyo nalang magsisigawan pa kayo." saway ni Cedrick sa dalawa. "Ikaw kaya magbuhat!" sabi ni Gavin. "Ayoko nga." sabi naman ni Cedrick habang dala-dala ang table ni Olivia. Natawa nalang kaming tatlo kasi natapos ang araw puro sila bangayan tatlo.
"Wala bang meryenda diyan?" parinig ni Vincent. "Order nalang tayo." suggestion ni Janella. "Kayo ang magbayad." sabi ni Olivia kaya natawa ako. "Sabi ko nga, huwag na nga." sabi ni Vincent at binuhat ang ibang box na nasa labas. "Joke lang naman. Ti-treat ko kayo dahil tinulungan ninyo ko." sabi ni Olivia kaya tuwang tuwa na naman si Vincent.
Gano'n nga ang nangyari sa amin. Habang inaantay namin ang pagkain, nagbubuhat pa rin ang mga lalaki at kaming mga babae ang nag-aayos. Nang makapasok kaming tatlo nila Janella sa kwarto ni Olivia, umupo kami sa lapag. "May gusto na sa iyo si Cedrick." sabi ni Janella kaya tumingin sa akin. "Huwag kang manhid." sabi naman ni Olivia. "Kumilos na hangga't maaga baka magsisi sa huli." sabi pa ni Janella. "Paano kikilos kung ayaw pa niyang umamin?" tanong ko sa kanila kaya tumawa silang dalawa.
Nang dumating ang aming order, binigay na sa amin ni Olivia yung kakainin namin. "Bakit walang kanin 'yung akin?" tanong ko sa kanila kaya tumigil sila. "Wala nang laman ang plastic." sabi ni Olivia at ibibigay niay sana 'yung sa kaniya kaso pinigilan ko ito. "Okay na ito sa akin." sabi ko sa kaniya. "Sure ka ba?" tanong niya at tumango ako.
Nagsimula na kami kumain pero nagulat ako nang lagyan ni Cedrick ng kanin ang aking pgkain. Nakita kong kinalahati niya ang kanin niya para mayroon ako. "Bakit?" tanong ko sa kaniya at kahitsila Janella ay napatingin sa amin. "Kumain ka nalang diyan." sabi niya sa akin saka ginulo ang buhok ko nagsimula na ang asaran. "Salamat," pasasalamat ko at ngumiti sa akin saka ipinagpatuloy ang kaniyang pagkain.
Nananahimik saglit kami ngunit nabuhayan dahil sa tanong ni Janella kay Olivia. "Sigurado ka na ba talaga, Olivia?" tanong ni Janella kaya napatingin kami kay Olivia. "Yes, kasi hindi ko ma-adjust kapag nandoon ako at parang hindi priority ng school natin ang course ko." sagot niya kay Janella at tumango nalang ito. "Huwag mo lang kalimutan kami." bulong ni Gavin kaya natawa kami at binatukan ito ni Vincent.
"Pre, hulog na hulog ka na 'yan." asar ni Vincent saka binatukan pabalik ni Gavin ito. "Pwede ka namang dumalaw dito." sabi ni Olivia kaya ngiting wagi si Gavin. "Umayos ka diyan. Nagmumukhang mahina ang lalaki pagdating sa mga sinasabi ng babae. Baka pati ako madamay sa pagiging soft mo diyan." saway ni Vincent kay Gavin kaya tumawa kami.
"Hindi ka pa ba hulog kay Janella?" tanong ko kay Vincent. "Tapusin nalang natin 'to para matuloy na natin ang dapat gawin natin." awat sa amin ni Janella. "Huwag KJ lalong napaghahalataan." sabi ni Olivia at nag-apir kami ni Olivia. "Ngayon naman kayo ang nagtutulungan." sabi ni Janella at umaktong parang nagtatampo kaya tawa kami ng tawang anim.
"Ikaw nga, naguguluhan dahil matagal umamin sa iyo." sabi ni Janella sa akin kaya nilakihan ko ang aking mata. "Matagal ka pala umamin, pre." sabi ni Vincnet kay Cedrick akay natahimik si Cedrick. "Tumigil nga kayo." sabi ko sa kanila. "Kailan ba kasi aamin? Ga-graduate na tayo akay kilos na." parinig ni Janella kaya tawang tawa na naman sila Vincent dahil alam nilang si Cedrick ang tinutukoy. "Kumain nalang tayo dahil hindi tayo matatapos sa ginagawa natin." sabi ko at tumigil naman na kami pero ilang minuto lang lumipas nagsalita na naman si Janella hanggang sa matapos kami nagkukulitan pa rin.
Hanggang sa matapos namin ang pag-aayos at paglilipat. Napagdesisyunan na nilang umuwi. Gusto ni Janella na doon muna kaming dalawa matulog kasi malapit na naman pasok at magkakahiwalay naman kami kaya pumayag na rin naman kami. Si Cedrick ang unang lumabas at sila Gavin naman ay nasa loob pa kaya sinundan ko muna si Cedrick at para rin makapagpaalam na ako sa kaniya.
"Hindi mo na hihintayin sila Gavin?" tanong ko sa kaniya at umiling ito. Pumunta ito sa lugar kung saan nakaparada ang kotse niya. "Okay ka lang ba?" tanong ko sa kaniya at tumango lang siya. "Bakit hindi ka nagsasalita diyan?" tanong ko at kinuha ang cellphone.
"Gusto kita." biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya at tumingin rin siya sa akin. Hindi ko alam kungilang minuto kami nagtitigan at ako ang pumutol ng pagtititigin namin. Hinawakanko ang aking dibdib dahil biglang bumilis ang tibok nito kaya napatingin ako salapag dahil hindi na rin ako makatingin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Love me back, My Love
Romantizm‼️CURRENTLY EDITING‼️ Isabella Garcia is a woman on a mission. Determined to achieve her dreams and graduate from school, she has made her studies her top priority. After experiencing heartbreak in the past, Isabella has guarded her heart and decide...