NAGISING ako sa mga sunod-sunod na katok mula sa labas ng aking kwarto. "Isabel, kain na." boses ni Olivia. Bumangon na ako at nag-ayos ako ng sarili saglit bago lumabas ng kwarto. Paglabas ko ng kwarto, si Olivia ay nakatayo sa harap ko at nakayuko.
"Kakain na raw." simpleang sabi niya at alam kong may sasabihin siya ngunit naglakad na ako papunta sa kusina. Wala akong gana makipag-sagutan din sa kaniya dahil hindi pa rin maganda ang mood ko.
Nakaupo kami ngayon sa hapag kainan at sabay-sabay kaming kumakain ngunit tahimik at walang mga balak magsalita. Natapos kaming kumaina t ako ay deretsong pumunta sa sala upang manood ng movie. Romance ang napili ko ngayon panoorin at bahala sila kung gusto nilang manood.
After din nilang mag-ayos, umupo rin sila sa sala ngunit malayo sa akin. Nanonood lang ako ngunit ramdam ko ang mga tingin nila sa akin kaya tinignan ko sila at nakita kong umiwas tingin sila sa akin.
Sa kalagitanaan ng aking pinapanood, pumunta ako sa kusina upang kumuha ng maiinom. Hindi na ako nagulat nang sumunod sa akin ni Janella rito. "Isabella," tawag niya sa akin at tumingin ako ngunit hindi pa rin nagsasalita.
"Isabella," tawag niya sa akin muli. Narinig ko naman siya, eh. "Ano ba 'yun?" tanong ko sa kaniya at umatras siya dahil sa takot. Masyado yatang malakas ang aking boses kaya huminahon ako.
"Gusto ko lang mag-sorry sa ginawa ko kanina. Hindi ko naman sinasadyan 'yun sadyang nadala lang yata ako sa emosyon at hinayaan ko ang emosyon ko ang magkontrol sa aking mga sinasabi." sabi niya sa akin at nakikinig lamang ako.
"Pasensiya na rin kugn sumasabat ako sa usapan lalo na kugn hindi ako kinakausap. Tama nga sila, sabat ako ng sabat kahit na hindi naman nila ako kinakausap. Dapat nilulugar ko ang sarili ko sa tama." sabi niya muli.
"Sorry rin kung nasaktan kita sa mga sinabi ko kanina sadyang alam mo naman 'yung mga ayaw ko, 'di ba?" sabi ko sa kaniya at tumango siya. "Mas mukhang pinaniniwalaan mo siya kanina kaya lalo akong nainis kasi alam mo naman 'yung totoo, eh." sabi ko muli.
"Doon din ay mali ako kasi pinaniniwalaan ko agad 'yung sinasabi ng iba kesa makinig muna sa iba bago agad maniwala." sabi niya muli. "Sorry talaga, Isabella." sabi niya at tumango ako. "Sorry rin, ha?" sabi ko sa kaniya at yumakap sa kaniya.
"Bati na tayo?" tanong niya at tumango ako. "So, pwede natin tuloy plano ko?" tanong niya sa akin at nagtaka naman ako doon. "Anong plano?" tanong ko sa kaniya. "Night Trip tayo," sabi niya. "Tinatamad akong mag-drive, eh." sabi ko sa kaniya. "Sino bang may sabing ikaw ang mada-drive?" natatawa niyang tanong. "Ako magda-drive, be." sabi niya. "Sige ba," sabi ko sa kaniya.
"Anong mga dadalhin?" tanong ko sa kaniya. "Mga important things lang naman." sabi niya sa akin. "Sige, ayusin ko na gamit ko." sabi ko sa kaniya at pumunta na sa kwarto. Kinuha ang backpack ko at inilagay na ang mga gamit na need ko.
Nagdala rin ako ng isang unan at kumot na para kung matutulog ako kumpleto gamit ko. Hanggang sa natapos ko ang aking aayusin, lumabas na ako ng kwarto at ni-lock 'yun. Lumabas na ako ng bahay at pumunta sa garahe upang ilagay sa van ang aking gamit.
Nakita ko si Olivia na nandoon din kaya lumapit ako. "Anong mga dinala mo?" tanong niya sa akin. "Mga important things lang." simpleng sagot ko. "Akala ko papatagalin pa ninyo ni Janella 'yung tampuhan ninyo, eh." sabi niya sa akin habang inaayos niya ang pwestong kaniyang sasakupin mamaya.
"Hayaan mo na. Okay naman na sadyang nadala lang ng emosyon pareho kaya nagkagano'n." sabi ko sa kaniya at nginitian niya ako. "Nga pala mukhang nahulog mo 'to kanina." sabi niya at may kinuha siya sa kaniyang bulsa. Nakita ko ang aking bracelet na galing sa aking kapatid.
Bigla kong naalala si Cedrick. "Bakit ang lakas ng tama mo sa akin?" tanong ko sa aking isipan. Isinuot ni Olivia sa akin ang bracelet. "Nakita ko 'tong bracelet na 'to sa post ni Cedrick. Ikaw nga 'yun." sabi niya at pasimpleng ngumingiti. "Nagulat ako nung makita 'yun kasi hindi ko naman alam din na nag-picture siya that time." sabi ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Love me back, My Love
Romance‼️CURRENTLY EDITING‼️ Isabella Garcia is a woman on a mission. Determined to achieve her dreams and graduate from school, she has made her studies her top priority. After experiencing heartbreak in the past, Isabella has guarded her heart and decide...