Mabilis lang ang naging byahe dahil walang traffic sa pagbalik namin. Four na ng hapon kami nakarating sa bahay at wala pa si Janella. "Nag-chat ba si Janella sa iyo?" tanong ko kay Olivia at umiling siya. "Oo kanina nung paalis na raw siya ng bahay at nung sinundo na siya ni Vincent." sagot niya sa akin. "Bakit ako hindi man lang nakakatanggap ng mga messages niya?" pagtataka kong tanong. "What if tignan mo kaya ang cellphone mo?" tanong niya pabalik.
Nakita ko na may 4 messages akong natanggap na galing sa kaniya. "Naka-dnd ako," sagot ko kay Olivia. "Sabihin mo sa kaniya, mag-chat siya kung anong oras siya uuwi." habol ko at pumasok na sa kwarto upang magpahinga. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako at nagising ako ay nakita kong madilim na ang labas.
Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Olivia na kumakain. "Kumain ka na rito. Ang hirap mo pa ring gisingin hanggang ngayon." sabi niya sa akin. Umupo ako sa tabi niya para kumain. "Nasaan na si Janella? Aba'y anong oras na." sabi ko at tumawa ito. "Kanina pa ako hindi nirereplyan at baka busy sa date niya." sagot sa akin. "Chat mo nga na umuwi na. Alam niyang nagsasarado ang main gate ng subdivision." sabi ko sa kaniya at tumango ito saka kinuha ang cellphone para i-message si Janella.
Mag-9 na ng gabi ngunit wala pa si Janella kaya tinawagan na ito ni Olivia. "Nasaan ka na raw?" tanong ni Olivia. "Aba'y huwag ka na raw umuwi." sagot ni Olivia. "Umuwi ka na kung gusto mo may mauwian pa." sabi muli ni Olivia at pinatay ang tawag. "Pauwi na raw sila. Na-traffic lang daw." sabi ni Olivia sa akin. Lumipas ang ilang minuto at narinig na naming nagbukas ang gate ng bahay. Pumasok si Janella at biglang pabirong sinabunutan ni Olivia ito.
"Aba'y anong oras na, 'te? Wala ka na yatang balak umuwi." sabi ni Olivia at tawa naman ng tawa si Janella. "Kumain po kami at na-traffic sa kalsada kaya't napagabi po ang uwi." sagot ni Janella. After ng harutan nila, nagkwento naman si Janella kung anong nangyari sa araw niya.
"So, kumusta ang pagdalaw?" tanong ni Janella sa amin. "Okay naman at nagpunta pala kami sa inyo." sagot ko sa kaniya. "Oh, anong ganap sa kanila?" tanong niya sa amin. "Hinanap ka nila at tinatanong kung kailan ka dadalaw." sabi ko. "Huwag na silang umasa babalik pa ako sa kanila." natatawang sagot niya. "Sige na at matutulog na kao dahil pagod ako." paalam niya sa amin kaya pumasok na rin ako sa aking kwarto.
Maya-maya pumasok sa kwarto ko si Janella na akala ko ay matutulog na. "Nakita ko pala 'yung kabit ng ex mo kanina sa library. Maarte at OA pa rin talaga pero hindi ko nakita si Matthew na kasama niya." sabi niya sa akin at bumalik na sa kaniyang kwarto. Hinayaan ko nalang ang sinabi ni Janella at natulog nalang.
***
Ngayon ay nasa library kami nila Janella at nagre-review. Inaya niya rrin sila Alton na sumama sa amin kaya nandito na rin sila maliban kay Alton at Olivia.
"Ang pangit ng nakikita ko ngayon." sabi ni Janella. "Huh? Anong sinasabi mo diyan?" tanong ni Vincent sa kaniya. "Ang bruhang kabit at ang ex ay nandito, Isabella." sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. "Manahimik ka nga diyan at magbasa ka nalang." saway ko sa kaniya.
"Alam mo ba nung breaktime ay sinaway sila ng isang prof dahil ang ingay sa hallway. Nakasalubong kasi nila 'yung prof tapos parang hindi man lang nahiya si Alexandra." sabi ni Janella kaya napatingin si Cedrick na katabi ko kay Janella. "Alexandra?" tanong niya. "Oo, bakit?" tanong pabalik ni Janella. "Wala," simpleng sagot niya at binalik ang atensyon sa librong binabasa.
Tumunog bigla ang cellphone ni Janella kaya nanlaki ang mata ko dahil ang lakas ng tunog. "Silent mo naman 'yung cellphone mo dahil nasa library ka, 'di ba?" sabi ni Alexandra. "Distraction din 'yan sa mga student na nag-aaral dito." sabi niya pa. "Hindi ko alam na hindi pala naka-silent. Pasensiya na." sabi ni Janella.
Akala ko titigil na ngunit may kuda pa rin pala. "Ang cute naman ng ringtone parang pangbata siya." natatawang sabi ni Alexandra kaya tumingin ako kay Janella at umiling ako. "Naka-silent naman na ang cellphone kaya manahimik ka na." sabi ko sa kaniya at tumingin sa akin si Matthew.
BINABASA MO ANG
Love me back, My Love
Romance‼️CURRENTLY EDITING‼️ Isabella Garcia is a woman on a mission. Determined to achieve her dreams and graduate from school, she has made her studies her top priority. After experiencing heartbreak in the past, Isabella has guarded her heart and decide...