CHAPTER EIGHTEEN

17 6 0
                                    

"BILISAN mo kumilos, Isabella Garcia." sabi ni Kuya dahil kakagising ko lang. "Bakit kasi late mo na ako ginising?" tanong ko sa kaniya. "Ilang beses kitang ginising." sabi niya sa akin. "Bakit hindi ka pa nag-aayos?" tanong ko. "Si Cedrick daw susundo ngayon sa iyo kaya kao nalang mamayang uwian mo pero hindi ko pa sure 'yun basta hintayin mo ang message ko." sabi niya sa akin.

"Paano mo nalaman na si Cedrick ang susundo sa akin?" tanong ko sa kaniya. "Nag-message siya sa akin at nagpaalam na pwede ba raw niyaw ikaw sunduin kaya pumayag ako." sabi ni Kuya sa akin. "Close kayo?" biro ko sa kaniya at tumango siya. "Huwag kang feelingero." sabi ko sa kaniya.

"Alam mo ba na naninibago ako doon sa lalaking 'yun." sabi ni Kuya at sinundan ako hanggang sa kwarto dahil maglalagay ako ng make-up. "Bakit naman?" tanong ko sa kaniya. "Hindi ko kasi naranasan sa ex mo 'yang paalam-paalam, eh." sabi niya sa akin. "Ayan ka na naman." sabi ko sa kaniya at tinawanan niya lang ako. "Lumayas ka na nga rito." biro ko at tinawanan lang niya ako lalo.

Natapos ako mag-ayos ng sarili, narinig kong sumigaw na naman ang baliw kong kuya. "Isabella, nandito na ang sundo mo." sigaw ni Kuya kaya lalo akong nagmadali. "Nakakahiya kaya," sabi ko sa isip ko. "Wait lang," sigaw ko. Kinuha ko na ang aking sapatos at bago ako lumabas ng kwarto sinigurado ko muna 'yung mga saksakan kung nakabunot at pinatay ang mga ilaw pagtapos. Paglabas ko ng kwarto, nandoon na nga si Cedrick at nakaupo sa sala na tumitingin sa paligid. Hindi ko muna tinuon ng pansin si Cedrick at pumunta ako sa kusina para lagyan ang tumbler ko.

"Ayan ang napapala ng mga taong tulog ng tulog tapos ang tagal pa bumangon." parinig ni Kuya sa akin kaya nainis ako dahil nandito si Cedrick tapos sasabihin niya 'yun. "Nakakainis ka talaga. Tabi nga diyan." bulong ko kay Kuya dahil paharang harang sa dadaanan. "Pagpasensiyahan mo na 'yang si Isabella." sabi ni Kuya kay Cedrick. "Okay lang po." sabi ni Cedrick.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin kung okay na ba ako. "Mababasag ang salamin, Isabella." pang-aasar sa akin ni Kuya at tumawa pa si Cedrick. Tumigil lang si Cedrick nung tumingin ako sa kaniya. "Okay kana?" tanong ni Cedrick sa akin at tumango ako. "Isabella." tawag sa akin ni Kuya kaya ;umapit ako para magpaalam na at yumakap. "Mag-iingat kayong dalawa." sabi sa akin ni Kuya. "Yes po at ingat ka rin sa pagda-drive." paalala ko rin kay Kuya kaya tumayo na rin si Cedrick.

"Cedrick." tawag ni Kuya kaya tumingin si Cedrick kay Kuya. "Ingatan mo si Isabella." sabi ni Kuya at nakangiti ito. "Opo!" masiglang sagot ni Cedrick kaya palihim akong ngumiti. "Mag-ingat sa pagda-drive." paalala muli ni Kuya. "Sige po, mauuna na po kami." paalam ni Cedrick at kumaway ako bago kami lumabas ng condo.

Hanggang sa makarating kami sa parking lot at ngayon ay sumusunod ako sa kaniya kasi siya ang may alam kung saan nakapark ang kotse niya. Nung huminto si Cedrick doon na rin ako huminto at pinagbuksan niya ako ng pinto. "Huwag kang mag-alala at iingatan kita." sabi sa akin ni Cedrick. Mabilis lang kami nakarating sa school at nandoon muli kami sa coffee shop.

"Hello, madam Isabella?" bati sa akin nung nasa likod ni Cedrick. Nakita kong nasa likod ni Cedrick ay sila Alton kasama sila Janella at Olivia. Bigla yumakap ang dalawa sa akin kaya parang akong nasasakal. "Easy lang kayo, mukhang nasasakal na si Isabella." saway ni Cedrick at tinapik pa yung dalawa para patigilin. "So, ano ito? May pahatid-hatid na." sabi ni Janella at tumingin sa akin tila'y naghihintay ng sagot ko.

"Issue ka na naman. Sinundo niya ako kasi hindi ako maihahatid ni Kuya." pagpapaliwanag ko sa kaniya. "Kaya pala ang aga ni Cedrick gumising kasi may susunduin pala." sabi ni Alton kila Vincent at doon na nagsimula ang asaran nila kay Cedrick.

"Tara na nga at baka ma-late pa tayo kapag nagtagal pa ang mga asaran ninyo." sabi ni Olivia dahil totoo naman. Sayang pagmamadali kong kumilos. "Wait! Wait lang!" pigil sa amin ni Janella. "Bakit? Mala-late na tayo, Janella." sabi ko at hinatak sila. "Na-adjust yung time natin. 8:00 na ang pasok natin this week hanggang matapos ang year." sabi ni Janella kaya huminto ako. "Huh? Bakit?" tanong ko sa kaniya. "Walang pinapapasok sa gate kasi raw new schedule na raw ang binaba sa website." sabi ni Gavin.

Love me back, My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon