NAKABUO na naman ako ng memories kasama sila Janella at may kasama pang iba. Nalaman ko rin kung paano pumunta kaya naiisip ko na pwede na akong pumunta doon anytime. Lalo rin napalalim namin ang aming pagkakaibigan.
Napapansin ko na rin ang halos araw-araw na pagbisita nila Gavin dito sa bahay ngunit hinahayaan ko na lamag dahil wala rin naman silang ginagawang mali. Okay naman sa akin 'yun lalo na kung nagpapasaya ang bagay na 'yun sa kanila.
Ngayon ko lang nakuha ang printer na dahil pinaayos namin. "May picture kayo ni Cedrick?" tanong ni Janella habang inaayos ang papaprint niya. "Meron 'yan panigurado. Sila ba naman ang magkasama buong araw." sabi ni Olivia. "Si Isabella ka na ba?" tanong ni Janella kay Olivia. "Oo, meron kaming picture." sagot ko para tumigil na sila. "Ako nalang magpi-print nung akin." sabi ko dahil may sarili rin akong printer.
Bago ako pumasok sa kwarto ko, narinig ko pa sila Janella na nagtatalo na naman. "Ikaw, may ipapaprint ka ba?" tanong ni Janella. "Siyempre, picture ninyo ni Gavin." sabi ni Janella. "Bakit ka pa nagtanong? Kung alam mo na rin pala ang sagot." sabi ni Olivia. "Ikaw nga parang walang picture kasama kami Isabel, eh." sabi ni Olivia.
"Ako nalang magpi-print nung kay Olivia dahil busy ka naman sa inyo ni Vincent." sabi ko kay Janella at sinarado muli ang pinto. "Epal ka talaga, Isabel. Huwag kang hihiling ng kahit ano sa akin, ha." sigaw ni Janella. "Wala naman akong kailangang ihiling sa iyo." sigaw ko pabalik.
Sinimulan ko ang pag-print dahil ang printer ko polaroid size ang papel kaya easy na sa akin. Ise-set ko lang naman sa mga pictures then autmatic magpi-print na siya. Tinitignan ko ang mga pictures habang nagpi-print.
Nakita ko ang isang picture na kaming seven na kumakain sa isang restaurant. Ang view namin is ang intramuros dahil nasa rooftop kami ng restaurant nakapwesto. Ang sunod namang picture ay kaming dalawa ni Cedrick at ang background namin ay ang view ng intramuros at nasa restaurant pa rin kami that time. May isang picture pa na nakapukaw ng atensiyon ko. Ang picture namin ni Cedrick na nakaupo sa fountain.
Ilalagay ko lahat ng picture sa album ko. Pinapatuyo ko lang ang ibang pictures bago 'to ilagay dahil baka mamaya ay kumalat. Napatigil ako sa ginagawa ko dahil may nag-message sa akin.
@davis_oliver
Hey? Still, wake up?
"Hindi pa siya natutulog, ha." sabi ko sa isip ko at nireplyan na si Cedrick.
@garcisabel_
Yes, why?
@davis_oliver
What are you doing?
@garcisabel_
Printing, why?
@davis_oliver
Sent a photo.
Nagulat ako dahil nag-send siya ng picture ko na naglalakad na nakatalikod at sobrang ayos ng pagkahua niya ng litrato sa akin.
@garcisabel_
Ang ganda naman niyan.
@davis_oliver
Siyempre gwapo ang nag-picture.
@garcisabel_
Ang kapal, ah. 'Yung picture yung tinutukoy ko hindi yung photographer.
@davis_oliver
Pero aminin mo na gwapo 'yung kumuha ng picture mo.
@garcisabel_
Kinuhaan mo ako ng picture kasi gandang ganda ka sa akin na naman.
BINABASA MO ANG
Love me back, My Love
Romance‼️CURRENTLY EDITING‼️ Isabella Garcia is a woman on a mission. Determined to achieve her dreams and graduate from school, she has made her studies her top priority. After experiencing heartbreak in the past, Isabella has guarded her heart and decide...