DALAWANG linggo na nakalipas pagkatapos ng nangyari sa National Book Store at hindi ko na muling nakita si Cedrick pagkatapos. Sa tuwing dadalaw sila Vincent rito, hindi siya kasama at hindi ko rin naman tinatanong kila Vincent kung bakit hindi si Cedrick kasama."Bakit ko ba siya hinahanap?" tanong ko sa sarili ko. "Hindi naman din ako hinanap nung tao." sabi ko sa sarili ko.
Ngayon, narito kami sa MCDO dahil inaya nila Gavin sila Janella lumabas. Ayaw ko sana sumama sa kanila kaso pinipilit ako nila Janella na sumama dahil mag-isa na naman ako rito sa bahay at walang kasama. Sa huli, sumama rin ako dahil hindi raw sila aalis kapag hindi ako kasama.
"Hay, salamat. Hindi ako third wheel." sabi ko at katabi ko si Alton na kasama rin. "Bakit naman?" tanong niya sa akin. "Narito ka, eh. Kaya hindi ako third wheel." sabi ko sa kaniya. Sinama nila si Alton kasi gusto raw kumain sa labas kaya 'yun.
Napapansin ko na panay ang tingin sa akin ni Olivia. Ang mga tingin na animo'y nagtatanong. "Ano ba yan! Wala yung isa kaya malungkot itong kaibigan ko." sabi ni Olivia na tinutukoy na malungkot raw ako. "Baliw ka ba?" tanong ko sa kaniya at tinawanan lang ako.
"Nasaan nga ba si Cedrick?" tanong ni Janella kila Gavin pero wala man lang kusang sumagot kaya lalo akong natahimik. "Bakit ka ba wala dito?" tanong ko na nasa isip. "Bakit hindi mo tanong, Isabella? Tutal baka namiss ka na rin niya." sabi ni Alton habang nakatingin sa akin. "Eh di wow." sabi ko nalang.
"Hindi ko namiss 'yun kaya manahimik ka diyan." saway ko kay Alton. "Sure ka diyan sa sagot mo?" tanong ni Janella at nakataas pa ang isang kilay. "Ang alam ko kasi bago tayo pumunta dito tinanong mo pa kung kasama si Cedrick tapos nung nalaman mong hindi kasama bigla kang nagsabi na ayaw mo na sumama." kwento ni Olivia tapos ngumingiti pa.
Natahimik tuloy ako dahil sa sinabi ni Olivia at tumawa sila Alton. "Ano pang saysay ng pagtatanong ni Isabella kung nasa likod na niya pala niya ang hinahanap niya." sabi ni Gavin kaya lumingon ako sa likod ko. Nakatayo siya sa likod ko at tumatawa pa.
"I'm sorry if late akong pumunta dahil hindi pa naliligo nung inaaya nila ako, eh." paliwanag niya pero ang tingin ay nasa akin. Umupo siya sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. Kaya pala sinabi ni Gavin na table for eight imbes na table for six kasi pupunta si Cedrick.
Nagulat ako nang tumayo silang lahat at nagpaalam na oorder raw sila. "Kailangan ba talagang lahat kayo mag-o-order?" tanong ko sa kanila ngunit hindi nila pinansin ang tanong ko at iniwan kami ni Cedrick dito sa table. Kinuha ko sa bag ko ang libro na binili para may magawa ako habang hinihintay ko sila Janella. Alam ko naman na hindi magsasalita ang kasama ko rito.
"Did you miss me?" niglang tanong niya kaya lumingon ako sa kaniya. "Hindi," mabilis na sagot ko at binalik ang atensiyon sa libro. "I miss you." sabi niya kaya lumingon muli ako sa kaniya. "Miss mo mukha mo." sabi ko sa kaniya at tumawa siya.
"Na-miss ko makita ang mukha mong nag-ba-blush dahil sa akin." sabi niya pa ulit. "Hindi ako makabisita sa inyo kasi tinatamad akong lumabas." paliwanag niya. "Okay," sagot ko at nagbasa muli. "Days feel like years when you are not with me." sabi ko pero nakatingin pa rin sa libro.
"Ano raw?" tanong niya muli. "Wala, sa libro 'yun." sabi ko habang nakakaramdam ako ng kaba. "Maling-mali 'yun, Isabel." sabi ko sa isip ko. Nagulat ako dahil biglang may nagsalita sa speaker. "Our next song will be 'Dito Ka Lang Sa Tabi' by Yeng Constantino." sabi ng nasa speaker kaya tumahimik ako.
"Wag kang malayo, tara na dito," kanta sa speaker at ako naman ay sinusubukan i-focus ang sarili sa binabasa. "Dito ka lang sa tabi," kanta sa speaker at panay ang inhale at exhale ko habang nakatingin sa libro.
Lumingon ako kay Cedrick at nakita ko siyang nakatingin rin sa akin. Mukhang nagpaparinig yung kanta. "Wag kang malayo, tambay na dito" kanta ng speaker.
BINABASA MO ANG
Love me back, My Love
Romance‼️CURRENTLY EDITING‼️ Isabella Garcia is a woman on a mission. Determined to achieve her dreams and graduate from school, she has made her studies her top priority. After experiencing heartbreak in the past, Isabella has guarded her heart and decide...