CHAPTER TEN

23 8 0
                                    

"ANONG nangyari kay Olivia?" tanong ko sa akin isip. Ang kaniyang mukha ay hindi mapinta. Nakasimangot at parang walang gana kumilos ngayong araw. Nilapitan ako ni Janella kanina paglabas ko ng kwarto at agad akong tinanong kung ano nga ang nangyari kay Olivia.

"Okay naman siya kagabi, ha." sabi ko kay Janella habang nakatingin pa rin kay Olivia na ngayon ay nanonood ng TV sa sala. "Kausapin mo kaya siya," sabi sa akin ni Janella. "Kagabi lang nag-uusap sila ni Gavin, bakit ngayon ganiyan?" tanong ko kay Janella. "Hindi ko rin alam, Isabel." sabi niya sa akin.

"Kaninang paggising ko iniisip ko agad kung may ginawa ba akong na magiging rason para mainis siya sa akin pero wala naman akong maalala." sabi ni Janella. "Baka nga may ginawa ka," sabi ko sa kaniya. "Wala nga," malakas na sabi sa akin ni Janella.

Kumakain kami ngayon ngunit hindi man lang nagsasalita si Olivia. Kapag tatanungin namin siya, tango at iling lang ang sagot sa amin. Kahit isang word lang, wala. Hanggang sa natapos namin ang pagkain, wala pa rin. Para bang wala siyang kasama sa bahay kaya hindi nakikipag-usap. "Ano bang problema niya?" tanong ko sa isip ko.

Pagtapos kong maghugas, dumiretso ako sa kwarto ni Olivia upang kausapin ito. Nakita ko siya na nasa kama at nagbabasa naman ngayon ng libro. "Olivia," tawag ko sa kaniya at tumingin siya sa pero hindi nagtagal binalik din niya ang atensiyon niya sa binabasa niya.

"May problema ba?" tanong ko sa kaniya at tumabi sa kaniya. Hindi niya ako pinansin kaya kinuha ko ang libro at sinarado. "Olivia," tawag ko sa kaniya. "Paano mo malalaman na mamahalin ka rin pabalik ng taong mahal mo?" bigla niyang tanong at yumuko siya. "Tawagin ko si Janella," sabi ko ngunit pinigilan niya ako at umiling siya. "Hindi ko nga rin alam, eh." sabi ko sa isip ko.

"Janella!" malakas na tawag ko kaya mabilis na pumasok si Janella at umupo sa kabilang side ni Olivia. "Anong problema?" tanong ni Janella. "Paano mo malalaman na mamahalin ka rin pabalik ng taong mahal mo?" tanong muli ni Olivia kaya tumingin sa akin si Janella. "Si Gavin ba?" tanong ni Janella at tumango si Olivia.

"May relasyon ba kayo?" muling tanong ni Janella. "Malamang wala, Janella." sagot ko agad. "Hindi naman magtatanong ng gano'n kung meron, 'di ba?" sabi ko at tumango si Janella. "May gusto si Gavin sa kaklase ko." sabi ni Olivia. "Huwag mo na ikwento." sabi ni Janella agad. "Focus ka muna sa schoolworks mo lalo na malapit na mag exam at huwag mong hahayaan na maging distraction mo si Gavin." payo ni Janella kay Olivia.

"Bakit ko 'to nararamdaman?" tanong ni Olivia. "Kasi may gusto ka sa kaniya," sagot ko sa kaniya. "Paano ba kalimutan muna siya kahit saglit lang?" tanong niya muli. "Gusto mo bang sumama sa akin?" tanong ko pabalik. "Saan?" sabay na tanong nilang dalawa. "Sa bahay," sagot ko.

"As in uuwi sa inyo?" tanong ni Janella at tumango ako. "Mas magandang sumama ka doon, Olivia." sabi ni Janella. "Kung sasama siya, sasama ka ba?" tanong ko kay Janella at mabilis itong umiling. "Ayoko, Isabel, alam mo 'yan." sagot sa akin ni Janella.

"Kailan mo ba sila iiwasan, ha? Ilang taon na ang nakalipas pero hindi mo pa rin inaalis ang sa puso mo 'yan." sabi ko sa kaniya at umiling siya. "Bakit ikaw? Paano mo nakakayanan 'yun?" tanong sa akin ni Janella. "Kinakaya ko, Janella, kahit mahirap." sagot ko sa kaniya. "Hindi ako sasama," sabi niya.

"Mag-ayos ka na, Olivia, para makaalis kayo ng maaga ni Isabel bukas." sabi ni Janella. "Paano ikaw?" tanong ko sa kaniya. "Pupunta ako ng school kasama si Vincent at kakain din kami sa labas." sabi niya sa akin. "Bahala ka sa buhay mo basta kapag kami nakauwi ng wala ka pa, lagot ka sa akin." sabi ko sa kaniya.

Love me back, My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon