NARITO kami ngayon sa SM North Edsa at dumeretso kami sa National Book Store para bumili ng mga gamit namin tulad ng napag-usapan naming tatlo. Hindi kami sama-sama dahil sa iba't iba kaming section at ngayon naman ay tapos na akong kunin ang mga kailangan ko. Hihintayin ko nalang sila Janella matapos para sabay-sabay naming bayaran ang mga binili namin.
Pumunta muna ako sa book section especially sa section ng mga romance books na Tagalog or English ang language. Tumingin ako at nang makita ko ang gusto kong bilhin na book kinuha ko agad at nilagay ko sa cart na dala ko. Tatong romance book ang kinuha ko at kumuha rin ako ng mga school books na related sa course na kinuha ko.
Nang matapos ako, hinanap ko na sila Janella kahit malaki itong lugar na ito. Napahinto ako nang makita ko ang mga pamilyar na tao sa akin. "Sila Gavin," sabi ko sa isip ko nang mamukhaan ko sila.
Hindi nila ako napansin kaya pinagpatuloy ko ang paglalakad na para bang wala akong nakita. Nang malagpasan ko silang apat, inaasahan ko na hindi nila ako makikita o makikilala pero bigla akong tinawag.
"Isabella?" tanong ni Vincent parang naninigurado siya kung ako ngayon. Lumingon ako at nag-wave. "Hello, Vincent." bati ko sa kaniya at ngumiti ito ng malaki. Tinignan ko sila Alton na busy pa rin sa pag-testing ng mga ballpen. "Mag-isa ka lang?" tanong niya sa akin at umiling ako.
"Bro, tignan mo yung it-" naputol ang sasabihin ni Alton nang makita ako. "Madam Isabella," tawag sa akin ni Alton kaya pati sila Cedrick ay tumingin sa akin. "Ikaw lang mag-isa?" tanong sa akin ni Alton at umiling ako. "Magkasama kami nila Janella ngayon kaso humiwalay ako sa kanila nung naghahanap ako ng gamit." sabi ko sa kanila.
"Para sa school?" tanong ni Cedrick at tumango ako. "Bumibili rin kami ngayon." masiglang sabi ni Alton at tumangu tango ako. "Sama ka sa amin? Tulungan namin ikaw hanapin sila." aya sa akin ni Alton. Sasagot na sana ako pero may narinig akong boses na tumawag sa akin na kinabilis ng tibok ng puso ko.
After two years, I once again heard that voice, which I had not heard in a very long time. I don't want to hear that voice again. Because of what he did to me, I despise the owner of that voice.
"Isabel," tawag niya sa akin. Unti-unti akong lumingon sa kaniya at tumingin sa kaniya. "Since you're not a part of my life, you don't have the right to call me Isabel." sabi ko sa kaniya at mukha siyang nagulat sa sinabi ko.
"I was a part of your life." pagmamalaki niya sa akin. "The word was is in the past tense." sabi ko sa kaniya. "I'll call you Isabel or any other name I want." sabi niya sa akin. "I despise hearing that from you, so don't call me Isabel." sabi ko sa kaniya at natawa siya doon.
"Isabel," tawag sa akin ni Janella na hinawakan ako palayo kay Matthew. "Oh, you're with your fake friends." natatawang sabi ni Matthew. "What do you want, Matthew?" tanong ni Janella kay Matthew.
"After all these years, you still can't move on." sabi ni Janella. "Why me? Your friend could be unable to move on. I saw you in the bar, by the way." pagkukwento ni Matthew. "Are you still drinking because of me?" tanong niya. "No," sagot ko sa kaniya.
"What do you want, Matthew? Oh, don't assume anything since my friend has already moved on from you." tanong ni Janella. "Who are you to talk to me like that? Are you her parents?" galit na tanong ni Matthew. Ayaw ni Matthew na pinapakialaman ang nararamdaman niya.
"And who are you to talk Janella like that, huh?" tanong ni Vincent. "Hayaan mo siya, Vincent." bulong ko dahil pinagtitinginan na kaming lahat ng mga tao rito. "Is this your girlfriend, bro? You are just wasting your time." sabi ni Matthew kay Vincent. Aamba na si Vincent pero pinigilan agad namin siya.
Lumapit ako kay Matthew kahit ayaw ko man pero kailangan kong gawin para hindi na lumaki pa ang gulo. "Stop it, Matthew. Just go to your girl. Don't make a mess here. It's embarrassing, please." sabi ko sa kaniya. "As long as your friends doesn't step in, everything will be okay." sabi niya sa akin.
"What do you want?" tanong ko sa kaniya. "You," mabilis na sagot niya kaya hinatak ako ni Janella at inilayo kay Matthew kaya muntik na ako kay Cedrick matumba mabuti nalang nasalo niya agad ako. "Are you okay?" nag-aalala na tanong ni Cedrick at tumango ako. Lalapit muli ako kay Janella kaso hinawakan ni Cedrick ang kamay ko. "Baka tuluyan ka na saktan. Huwag ka muna lumapit." sabi niya sa akin.
"Sira ulo ka ba?" tanong ni Janella kay Matthew. "Patapusin ninyo muna kasi ako. Gusto ko siyang maka-usap na siya lang." pagpapaliwanag niya.
Hindi ako umalis sa tabi ni Cedrick at hinatak naman ni Vincent si Janella paatras at wala si Gavin ngunit hindi namin napansin na umalis pala siya. "Umalis ka na, please." pakiusap ko sa kaniya. "Kahit saglit lang na oras. May kailangan lang ako sabihin." sabi niya at umiling ako. "Umalis ka na." sabi ko sa kaniya at bumugtong hininga siya bago tignan ako saka tumalikod.
"Isabella, okay ka lang? Pasensiya na kung naihatak kita ng malakas." sabi ni Janella. "Sana hinayaan mo akong kausapin yung tao." sabi ko sa kaniya. "Paano kita hahayaan?" tanong niya sa akin. "Kaya ko naman ang sarili ko, Janella. Sa susunod, hayaan mo muna akong kausapin siya bago mo gawin ang gusto mo." sabi ko sa kaniya at tumango siya.
"I'm sorry." sabi ko sa kaniya. "Okay lang, sorry rin." sabi niya at ngumiti ako. "Anong nangyari?" sabi ni Olivia na nararating lang kasama si Gavin. "Matthew," sagot ko na kinagulat niya.
"Anong nangyari sayo? May ginawa ba siya sayo? Sinaktan ka ba niya?" sunod-sunod na tanong niya at umiling ako. "Okay lang ako, Olivia. Huwag kang mag-alala." kalmadong sagot ko sa kaniya. "Hindi pa ba tapos ang palabas? Nagugutom na ako. Maawa kayo sa akin." sabi ni Matthew na kinatawa naming lahat.
Naglakad na kami papuntang counter at tinulungan kami nila Alton. "Salamat, Cedrick." sabi ko kay Cedrick na nasa tabi ko. "Wala 'to. Magaan lang naman ito." sabi niya sa akin. "I mean, 'yung kanina na ginawa mo. Salamat sa ginawa mo." sabi ko. "Ayaw lang kitang masaktan lalo na kapag si Matthew pa." sabi niya.
"Kilala mo si-" naputol ang tanong ko dahil tinawag ako kasi ako na pala ang next. Pagkatapos naming bayaran lahat, pumunta kami sa isang mamahalin na restaurant at libre na daw ni Alton 'yun dahil maganda daw ang palabas na napanood niya kanina. Tinutukoy niya ang nangyari sa amin ni Matthew kaya binatukan siya ni Cedrick.
Ang salo-salo na kainan namin na dapat tahimik ay sobrang ingay dahil kila Janella. Napapansin ko na panay ang tingin sa akin ni Cedrick na nasa harap ko parang bawat galaw ko ay tinitignan niya.
Pagkatapos naming kumain, inihatid kami nila Gavin sa bahay dahil wala kaming dala na kotse dahil tinatamad raw si Janella mag-drive kaya nag-commute nalang kaming tatlo papunta sa SM. Ang byahe namin ay naging tahimik dahil tulog ang apat at si Alton lang ang gising dahil naglalaro. Si Cedrick ang nag-da-drive at ako naman ang nasa tabi niya. Tumatawa kami parehas kapag nagkakatinginan kami sakto sa isa't isa at si Alton naman ay walang pakialam.
Hanggang sa makauwi kami, nagpaalam lang kami sa isa't isa at bumaba na. Pumasok na agad kami ng bahay dahil gabi na rin. Dumeretso agad ako sa kwarto para maglinis at magpalit ng damit. Hindi na kami kakain nito panigurado dahil busog kaming tatlo. Pagkatapos kong maglinis ng katawan, pinuntahan ko si Janella sa loob ng kwarto niya.
"Janella," tawag ko at kumatok sa pinto ng kwarto niya. "Pasok," sabi niya kaya sumilip lang ako dahil hindi ko naman kailangan pang pumasok. "Matutulog na ako. Kung kakain kayo, huwag na ninyo ako gising kasi sobrang pagod ako." sabi ko at tumango siya. "Sige, good night." sabi niya. "Thank you and good night." sabi ko at sinarado muli ang pinto niya.
"Olivia," tawag ko at kumatok rin sa pinto ng kwarto niya. "Why? Wait lang nagbibihis ako." sabi niya kaya naghintay ako saglit. Maya-maya binuksan na niya ang pinto. "Why? May problema ba?" tanong niya at umiling ako. "Matutulog na ako. Kung kakain kayo, huwag na ninyo ako gising kasi sobrang pagod ako." sabi ko at tumango siya. "Ah, okay. Good night at rest well." sabi niya. "Ikaw rin. Thank you and good night." sabi ko at bumalik na sa kwarto.
Nahiga na ako at nag-isip bago matulog. Hindi ko alam pero si Cedrick ang unang pumasok sa isip ko at ang sinabi niya rin.
"Huwag mong hayaan mahulog ka sa isang salita dahil hindi ka sigurado kung totoo iyon o isa lamang patibong na maaring maging rason para masaktan ka muli." sabi ko sa isip ko.
BINABASA MO ANG
Love me back, My Love
Romance‼️CURRENTLY EDITING‼️ Isabella Garcia is a woman on a mission. Determined to achieve her dreams and graduate from school, she has made her studies her top priority. After experiencing heartbreak in the past, Isabella has guarded her heart and decide...