CHAPTER SEVENTEEN

15 6 0
                                    

"ISABELLA," tawag sa akin galing sa labas at boses 'yun ni Kuya. "Isabella, gising na." sabi muli nito at inalakasan ang katok sa aking pinto. "Gising na," sigaw ko upang tumigil ito. Bumangon na ako at pumunta agad sa bathroom upang maghilamos at mag-toothbrush.

Pagtapos kong maghilamos at mag-toothbrush, lumabas na ako ng kwarto at nakita ko si Kuya na naghahain. "Nagluto ang tamad," sabi ko sa kaniya dahil ang taong ito ay hindi talaga nagluluto. "Nandito ka, eh." sabi niya sa akin. "Kumain na tayo," sabi niya sa akin kaya umupo na rin ako. "Bakit ang sungit-sungit mo sa ibang tao pero kapag sa akin, ang bait-bait mo?" tanong ko rito. "Iba ka sa kanila. Hindi ko naman sila sobrang kilala at nakikilala ko lang sila dahil sa mga case nila. Ikaw naman ay kapatid kita at nakita mo kung ano ba talaga ako." sagot niya sa akin.

"Pwedeng magbago ang isang ugali rin ng tao dahil sa kapaligiran niya." sabi niya sa akin at tumango tango ako. "Pero suplado ka sa kanila raw," sabi ko sa kaniya. "Hindi ako suplado, Isabella." sabi niya sa akin. "Kaya kumain ka nalang at baka maging suplado ako sa iyo." sabi niya pa kaya kumain nalang ako.

Sa gitna ng aming pagkain, biglang nagtanong si Kuya sa akin. "Nung pumunta ka sa bahay, binanggit ba ako ni Papa?" tanong niya sa akin at umiling ako. "Anong sabi niya sa iyo?" tanong niya muli. "Si Mama lang ang nakausap ko ng maayos doon dahil si Papa gano'n pa rin ang ugali. Dapat tatawagan kita nung araw na 'yun." sabi ko sa kaniya. "Bakit mo ako tatawagan?" tanong niya sa akin. "Doon sana ikaw kakain sa bahay dahil wala naman si Papa pero nang tatawagan na kita, bigla siyang dumating." sagot ko sa kaniya. "Mabuti naman," sabi niya.

"Ayokong makita ko kayo na nag-aaway at ayoko rin makita ni Olivia dahil kasama ko siyanang magpunta doon." sabi ko. "Hindi ko nakita na may kasama kang nagpunta doon." pagtataka niya. "Nung nagpunta ako sa iyo, nasa kotse lang siya at naghihintay doon." sabi ko sa kaniya. Pagtapos naming kumain, naghugas ako ng pinggan at naghanda na para sa pagpasok ko. Naghanda na rin si Kuya dahil ihahatid niya muna raw ako bago siya pumasok. Maya-maya, inaantay ko nalang ngayon si Kuya matapos dahil nililigpit niay ang mga papeles niya.

Ngayon, papunta na kami sa parking lot dahil nandoon ang mga kotse ng mga nakatira sa condominimum. Hanggang sa umalis na kami, nakatingin lang ako sa bintana at umidlip din dahil medyo traffic papunta doon.

Nakarating din kami sa aming destinasyon, ibinaba lang ako ni Kuya sa coffee shop na pinag-aantayan namin magkakaibigan. "Thank you, kuya." pasasalamat ko. "I-message mo ako kapag uuwi ka na para masundo kita." paalala niya muli sa akin. "Hindi ba magiging sagabal 'yon sa trabaho mo? Kaya ko namang umuwi at pwede rin sumabay ako sa mga kaibigan ko." sabi ko sa kaniya. "I-message mo pa rin ako kahit hindi ka magpasundo sa akin. Nakatira ka sa bahay ko at bilang kuya mo ay priority ko rin ang kaligtasan mo kaya huwag ka na makulit pa." sabi niya sa akin. "Sige na, mag-iingat ka." sabi niya muli. "Sige, ingat sa pag-da-drive." paalam ko at lumabas na ako sa kotse. Nasa labas ako ng coffee shop ngunit hindi pa umaalis si Kuya kaya pumasok na ako. Nang makapasok ako sa coffe shop, doon lamang umalis si Kuya. Nag-message ako kila Janella ngunit hindi pa rin sila nagre-reply. Naghintay ako ng ilang minuto at dumating na nga pero hindi sila Janella.

"Good Morning! Paalis pa lang sila Janella sa bahay ninyo. Nalaman ko iyon dahil pumunta doon sila Gavin para sunduin sila." sabi niya sa akin. "Good Morning. Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko sa kaniya. "Nag-message sila sa akin na naghihintay ka rito." sagot niya sa akin. "Anong oras na tapos paalis pa lang sila?" sabi ko sa kaniya.

"Iintayin mo pa ba sila?" tanong ko sa kaniya. "Ikaw ba?" tanong niya sa akin. "Hindi naman nagre-reply sa akin sila Janella. Pa-message sila Gavin kung nasaan na sila, please." sabi ko sa kaniya. "Traffic daw," sagot niya sa akin. "Tara na," aya ko sa kaniya. Nagulat ako nang hawakan niya ang aking kamay kaya bumilis bigla ang tibok ng aking puso.

Tumawid kami sa footbridge para makarating sa school. Nag-message muli ako kila Janella na nauna na kami ni Cedrick at sinabihan ako ng 'landi well' kaya natawa ako na naging rason para tignan ako ni Cedrick. "Why?" tanong niya sa akin. "Sila Janella," sabi ko nalang at hindi na muli siya nagtanong.

Nakapasok na kami sa school at dahil magkalayo kami ng building ni Cedrick. Kailangan na namin maghiwalay pa kaya nagpaalam na kami sa isa't isa. "Sige, see you later." paalam niya. "Sige na," sabi ko at naglakad ako kaunti at lumingon ulit ako sa kaniya at nakita kong hindi pa siya umaalis. "Lakad ka na," sabi ko sa kaniya. "Mauna ka na at tinitignan kita." sabi niya sa akin kaya nginitian ko siya. "Sige na nga," sabi ko at naglakad na papalayo sa kaniya.

Nakarating na kao sa room ko at nag-ayos saglit. Pagtingin ko sa pinto, bumungad si Janella na sa akin agad dumiretso. "Late na ba ako?" tanong niya at umiling ako. "Anong ginawa ninyo habang wala kami?" tanogn niay sa akin at tumabi sa akin. "What do you mean?" tanong ko sa kaniya. "Kayo ni Cedrick," sabi niya sa akin. "Wala naman," sagot ko sa kaniya.

Nagpatuloy ang araw namin at napag-usapan na kapag breaktime namin, magkikita kita kami ngunit hindi nangyari. Sila Janella, Alton at Gavin ay hindi nakapunta dahil may ginagawa pa sila. Si Olivia, dumaan lang saglit sa akin at umalis din dahil pinapabalik agad sila. Si Alton naman ay nakita ko na kumakain sa room nila. At si Cedrick naman ay katabi ko ngayon na kumakain at nagmamadali rin.

"Sana hindi ka nalang nagpunta dito kung nagmamadali." sabi ko sa kaniya. "Wala kang kasama kaya nagpunta na ako rito." sabi niya sa akin habang ngumunguya. "Huwag kang magsalita habang ngumunguya." sabi ko sa kaniya at tumango ito. Ako naman ay pinagpatuloy ang pagkain ng chocolate rolls na binili ko sa kabilang cafeteria dahil wala rito sa cafeteria namin. Hanggang sa matapos si Cedrick, inaantay nalang niya ako matapos kumain.

"Isabella," tawga niya sa kain kaya tumingin ako sa kaniya. "May kasabay ka bang umuwi?" tanong nito sa akin at umiling ako. "Susunduin ako ni Kuya." sagot ko sa kaniya. "Bakit?" tanong ko. Bigla tumunog ang bell kung kaya't nagmamadali na kaming mag-ayos dahil sign na ito na kailangan na bumalik sa room.

"Sabay tayo mamaya umuwi. I mean, lumabas ng school." sabi niya sa akin. "Kung ako ang mauuna sa atin, hihintayin kita sa waiting shed." sabi niay muli. "Sige, see you later." sabi ko at tumakbo na papuntang assgined room.

Nakita ko pa si Alexandra ngunit hindi ko nalang pinansin. Hanggang sa matapos ang klase, nagmadali na ako mag-ayos. Hindi ko nakita sa paglabas ko ng building si Janella dahil nauna na ito dahil sumasakit daw ang puson ni Olivia. Naglakad ako palabas ng school at nakita ko si Cedrick na nakatayo sa may waiting shed at nang makita ako nito, tumayo at lumapit sa akin.

"Nasaan ang kuya mo?" tanong niya sa akin. "Hinihintay ko pa ang message niya pero nag-message na ako sa kaniya." sabi ko at akala ko uuwi na ito. "Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko sa kaniya at umiling ito. "Hihintayin muna kita umuwi bago ako umuwi." sabi niya at tumingin sa orasan niya. "Need mo bang umuwi ng maaga? Pwede ka namang umuwi na baka malapit na rin si Kuya." sabi ko sa kaniya. "Ayokong umuwi nang hindi kita makikita na susunduin ka ng kuya mo." sabi niya sa akin kaya nanahimik na ako.

Nang makita ko ang kotse ni Kuya na huminto sa harap ko, lumabas ito sa kotse. Nakipagkamayan pa kay Cedrick. "Mauuna na kami, Cedrick. Salamat sa pagbabantay mo kay Isabella hangga't wala pa ako." pasasalamat niya kay Cedrick. "Wala po 'yun," sabi ni Cedrick. "Gusto mo bang sumabay na sa amin?" tanong ni Kuya at umiling agad si Cedrick. "Thank you po pero dala ko rin po 'yung kotse ko po." sabi ni Cedrick. "Ah, sige. Ingat sa pagda-drive. Mauuna na kami. Tara na, Isabel." sabi ni Kuya kaya nagpaalam na ako kay Cedrick.

"Thank you, Cedrick." pasasalamat ko at ngumiti ito sa akin. Nakita kong inantay ni Cedrick umalis ang kotse namin bago ito maglakad papalayo. "Good 'yun para sa iyo." sabi ni Kuay kaya tumingin ako rito. "Ano na naman 'yun?" tanong ko sa kaniya. "Wala," sabi niya. "Huwag ka lang maging manhid." sabi niya kaya napatahimik ako.

"Hindi naman ako manhid sadyang inaantay ko lang siyaumamin."sabi ko sa aking isip.

Love me back, My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon