1: Tine

1.3K 31 2
                                    

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana nung marinig kong may nag bukas ng pintuan sa kwarto ko.

Bumaling ako doon at bumungad sakin ang mukha ni kuya.

"Kuya..." Tumingin sya sakin saka bahagyang ngumiti habang may dala-dalang tray ng pagkain saka gamot.

"Kumain ka na, Tine. Hindi ka pwedeng malipasan ng gutom at ma-delay sa pag-inom ng gamot." Naupo sya sa gilid ng kama ko habang ang paningin ko ay dumako sa tray na tanging makikita mo lang ay mga dahon-dahon.

"I know that look, Tine... Pero kailangan mo talaga itong kainin," tipid akong ngumiwi kahit ang totoo ay gusto kong ngumiwi.

I really hate green-grasses! Amp!

"As if may choice ako Kuya..." Natawa sya nung kunin ko ang plato saka hindi maipinta ang mukha ng sumubo. Ginulo nya ang buhok ko bago umayos ng upo.

"After finishing your food—"

"Drink your meds. Yeah, yeah, yeah. I know. Sa paulit-ulit mong binabalik-balik ang mga katagang 'yan sa tingin mo 'di ko pa memoryado?" Tanong kong sarkastiko saka sumubo ulit.

Lihim akong ngumiwi nung malasahan ko ulit ang half-cooked na gulay sa loob ng bibig ko.

Ugh! Why do I have to suffer like this?! This is so unfair!

"Masarap ba, kapatid?" Nakangising ani ni Kuya dahilan upang samaan ko sya ng tingin.

"Ano sa tingin mo Kuya? Tutal ikaw naman ang vegetarian sa'ting dalawa."

He laughed! Humalukipkip sya habang itinataas ang isang kilay nya sakin.

"Really? Ako? Vegetarian?" He said while grinning from ear to ear. Umiwas ako ng tingin at bumaling na lang sa labas ng bintana ulit.

"I want to have a normal life, like how normal people do," bumaling ako kay Kuya na ngayon ay kakikitaan ng awa sa mga mata nya, gone with the teasing remarks. "Kailan kaya ako magkakaroon ng ganoon, Kuya?" I asked and a small weak smile plastered on my lips as I averted my gaze outside the glass window once again.

Kahit hindi ko man lingunin alam Kong naaawa sakin si Kuya, and I don't want to see that dahil kota na'ko sa mga tingin na 'yon simula pa noon.

Siguro kailangan ko lang talagang tanggapin na hindi ako magkakaroon ng normal na buhay gaya ng iba.

A/n: kinakabahan ako, sana nagustuhan nyo...

Heartbeat [2gether The Series FANFIC] [TAGALOG] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon