8: Invite

314 22 0
                                    

"Hindi ka ba masyadong nahihirapan sa school?" Napatingin ako kay Kuya. "Hindi naman. Panigurado naman akong alam ng mga taga faculty ang kondisyon ko." Napatango-tango sya.

"Mabuti kung ganun. Eh yung mga kaibigan mo?" Tanong nya pa habang ini-stock sa loob ng ref ang dala nyang limang container ng fresh milk. "Ayun, mga wala sa ayos ang turnilyo sa utak." Bigla syang natawa sa binitawan kong salita.

Umayos sya ng tayo saka sinarado ang ref bago lumapit sakin at umupo sa long sofa. "Kinakamusta ka sakin ni Mama." Aniya. "Ano'ng sabi mo?" Salansa ko habang sumimsim ng fresh milk sa baso. Yung fresh milk na binigay ni Sarawat sakin kahapon.

"Sinabi kong you're doing good at school, kasi totoo naman eh." Tinaasan ko sya ng dalawang kilay dahilan upang mapakamot sya sa gilid ng leeg nya. "And she wants to see you," Bumuntong hininga ako kasabay ng pag bagsak ng balikat ko.

Napatitig ako sa gatas na nasa baso ko. "Gusto nya lang na sa hospital ulit ako tumira para ma-monitor ako ng mga doktor doon, diba?" I murmured quietly. "Tine—" sinalubong ko ang mga mata ni Kuya bago tipid na ngumiti. "Para saan pa? Kung wala naman silang mahanap na donor para sakin. Ayoko manatili ulit doon Kuya. I'm tired of being imprisoned there, Kuya. Babalik lang ako doon ulit sa oras na may mahanap na silang donor para sakin. Tho, I know it's impossible." Nilagok ko ang natitirang gatas sa baso ko bago tumayo.

Naglakad ako papunta sa sink pero bago yun narinig ko pa ang pag buntonghininga nya pero hindi ko na lang pinansin.

After all, alam nya ang paghihirap ko doon sa hospital. Kaya alam kong naiintindihan nya kung bakit ayaw kong manatili doon. 

-

Nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto ko nang biglang tumunog ang phone ko. Tinignan ko ang screen bago sumagot.

"Bakit?" I asked on the other line habang napatingin sa wall clock ng kwarto ko. "Alas diyes na ah? Napatawag ka Fong?" Tanong ko ulit. "Natutulog ka na ba Tine?" Tanong nya. "Patulog pa lang bakit?" May naririnig akong ibang boses sa kabilang linya. "Tumahimik ka nga muna Ohm!" Boses ni Phuak ang narinig ko. Teka, ano'ng meron? "Fong ano bang meron at napatawag ka?" Tanong ko ulit.

"Ano kasi... May Opening festival concert kasing gaganapin ngayon and since late kang pumasok baka lang naman gusto mong maka experience? Baka lang naman..." Napakurap-kurap ako.

Ewan ko lang pero parang may kung ano sa sarili ko na gustong sumama at gustong maka experience. Excited ako na parang ewan.

"Sasama ako. Saan gaganapin yan?"

Nakarinig ako ng 'ayos!' Sa kabilang linya dahilan upang mapangiti at mapabangon mula sa pag kakahiga at nag mamadaling mag bihis.

Nagsuot lang ako ng pantalon saka puting t-shirt panloob at sinapawan ko ng dark blue na jacket na may kakapalan at hoodie. 

Sinuot ko ang hood ng jacket ko bago kinuha ang susi ng condo ko at isinilid iyon sa bulsa ng pantalon ko saka tuluyang lumabas ng unit ko.

Tinawagan ko ulit sina Fong.

"Sa lobby na lang tayo mag kita." Sabi ko bago binaba ang tawag at sumakay sa elevator.

Masaya ang magiging gabi ko nito.

A/n: Gracias! :)

Heartbeat [2gether The Series FANFIC] [TAGALOG] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon