13: The Search for 'VEGE'

273 18 0
                                    

"Ba't naka yuko ka, Tine?" Tanong ni Ohm habang nag lalakad kami sa hallway. "Takot ma-ambush ng fans ni Sarawat. HAHAHA! Mga kauri pa naman 'yun ni Diana. Mga Amazona." Tatawa-tawang gatong ni Phuak. "Wow, laking tulong ng pananakot mo, Phuak. Mahahampas kita eh," inambaan ko sya kaya dali-dali syang tumakbo sa likod ni Fong na tatawa-tawa lang.

"Useful naman diba?" Aba't ginatungan pa! Aangal na sana ako nung bigla kaming makarinig ng welga—este grupo ng mga babaeng malalaki ang mga bunganga habang may mga dalang banners.  "Nandyan na ang mga sundo ni kamatayan...kaya mag tago ka na habang maaga pa, Vege..." Pinanlisikan ko ng mata si Ohm bago hinampas ang braso nya. Tumawa lang ang loko. "Nang-asar ka pa. Kapag ako nabuko, ipapaputol ko 'yang—" bigla na lang nanlaki ang mga mata nya saka sinapo ang 'ano' nya sa baba. "—Dila mo!" Bulyaw ko, dahilan upang magtawanan ng sobrang lakas sila Fong at Phuak.

Mga hayop...ang naging mga kaibigan ko. Hay naman!

Nanlaki bigla ang mga mata ko nung bigla na lang may humawak sa braso ko saka ako pinaharap nito. "Sumama ka at makipag-isa sa paghahanap kay Vege! Aasahan naming dudulog ka sa pagpupulong na magaganap sa..." Sinabi nya kung saan ang pagme-meetingan saka ko natitigilan na kinuha ang fliers na iniaabot nya sakin. Kumalabog ang kagabi ko pa na nae-stress na puso. Susmarya.

Binigyan nya rin sina Fong bago umalis kasama ang mga kulto—este kasama niya.

"Sumama ka raw..." Ani ni Ohm. "Sa paghahanap..." Phuak, habang natatawa na silang tatlo sa ginagawa nila. "Sa sarili mo..." Binulong lang ni Fong yung mga sinabi nya. Kung nakakamatay ang titig malamang kanina pa sila bumulagta.

"Laking tulong nyo..." I said between gritted teeth na tinawanan lang nila. Pinagtitinginan na sila ng ibang estudyante na akala mo nawawalan ng bait. Makabag sana kayo... Tsk!

Nahahapo akong napa-upo sa isang bench na malapit saka pinakatitigan ang fliers na nasa kamay ko.

'The Search for VEGE! Sumama at makipag-isa sa paghahanap ng lalaking binansagan ni Sarawat na Vege. Kung isa ka sa naiintriga, dumulog sa ******** . Mag ka-isa tayo hanggang sa malaman natin ang totoo! Mga Amazonas!'

Napakurap ako kasabay ng pagkamaang ko matapos mabasa ang nakasulat. Tang-ina... "Magiging mitsa pa 'to ng buhay ko..." Wala sa sariling nasabi ko dahilan upang marinig ko ang bahagyang tawanan nila Fong. Nilukot ko ang fliers saka binato kay Phuak. "Welcome to Sarawat's Amazonas area, Mr. Tine Teepakorn a.k.a Vege ni Sarawat..." Sa tingin ko hindi lang ang ilong ko ang umuusok pati narin ang bunbunan ko! Tangina!

Masasapak talaga kita Sarawat pag nakita kita! Binigyan mo pa ako ng problema! Shit! Kalma lang heart. Kalma.

Huminga ako ng malalim. "Tigilan nyo na 'yan, baka ano pang mangyari kay Tine." Sita ni Fong na akala mo hindi kasali sa pang-aasar sakin kanina. Tumayo na'ko saka ikinalma muna ang sarili bago kami tumuloy sa klase.

-

"Oo...at alam nyo ba? Pina kanta pa sya kanina! Taragis! Pwede ng makabasag ng baso ang boses nya! Pinatigil tuloy sya ni Prof."

Nakalutang lang ang isip ko habang naglalakad kami sa hallway ngayon.

"Diba, si Sarawat yun?" Halos mabali ang leeg ko sa pagkakabaling kung saan nakatingin si Fong. "Di kaya ma-sprain leeg mo nyan Tine?" Natatawang aniya ni Ohm.

Ramdam ko ang pag s-shift ng mood ko. The calm before the storm ika nga. Malilintikan ka sakin Sarawat!

"Uy, saan ka pupunta? Tine!" Rinig ko pang sigaw nila Fong. Meron lang akong iihawin! Tang-inang 'yan!

Hinawakan ko si Sarawat sa wrist nya dahilan upang mapatingin sya sakin at nung nakita ako ay agad pumaskil ang isang ngiting pinanggigigilan ko sa mga oras na 'to!

"Mag-usap tayo." Poker face na sabi ko bago sya kinaladkad. Namalayan ko na lang na nakarating kami sa isang locker's area na kung saan walang tao.

Binitawan ko sya kasabay no'n ang pag talim ng tingin ko sakanya. "Bakit mo ginawa 'yun ha?! Bakit mo pinost na ako si Vege!" Bulyaw ko.

"Alam mo bang hinahunting na'ko ng fangirls mo?! Ha! Sarawat!?" Dagdag ko pa. "Hayaan mo sila." Ano daw? "Hibang ka ba?! Ano gusto mo, dumugin ako ng fans mo ha?!" Tinulak ko sya ng medyo may kalakasan dahilan upang mapasandal sya sa isang locker. Ni hindi man sya natitinag mula sa pagiging kalmado.

He looked at me with the same emotion he has everytime our eyes met. Ang pagiging ma-amo.

"Hindi. Hindi ko yun hahayaan dahil ang tanging gusto ko lang ay makilala nila ang taong nagpapatibok nitong puso ko...at ikaw iyon Tine..." Sinabi nya yun sa pinaka kalmadong paraan na tipong iyon ba ay normal. Na bibingi ata ako. Hindi sa paligid kundi sa tibok ng puso ko.

My heart beats faster than very usual. Parang nag-dodoble ang paningin ko at naninikip ang dibdib ko.

Sasagot na sana ako nung makahuma ako ng may marinig kaming parang nahulog na kung anong bagay.

"OH...MY...GOSH... IKAW SI VEGE?!!!"

Sabay kaming napatingin sa taong nag salita. Kumunot ang noo ko, napalunok naman si Sarawat bago nag salita.

"Green..."

Napamulala ako kasabay ng pag ulit ng sinabi ni Sarawat sa utak ko.

Green? Saan ko nga ulit narinig ang pangalan na yun?

^__^

@Bea926

Heartbeat [2gether The Series FANFIC] [TAGALOG] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon