"Samahan mo 'ko sa Music Club ha?" Sabi ni Sarawat habang naglalakad kami sa hallway. "Ano naman gagawin ko dun?" I asked. "Edi maging audience namin," Napailing na lang ako sa sinabi nya. "Okey." Sabi ko.
"Hi, Tine... " Napatingin ako sa taong nasa harapan namin. "Yorme, ikaw pala. Sa'n punta mo?" I asked, nawiwili talaga ako sa kilay nya na makapal. Naramdaman ko ang pag akbay ni Wat sakin dahilan upang mapatingin si Mil sakanya. "Ah, sa soccer field lang. May game kasi sa Wednesday." Aniya habang nakatitig ng masama kay Wat.
"Ah, ganun ba? Sino pala makakalaban niyo?" Tanong ko. "Grupo ni Sarawat." Napatango-tango ako, bakit parang galit ka kay Sarawat? "S-sige, Mil. Una na kami." Sabi ko saka hinatak si Sarawat na ayaw pang maalis ang nanghahamon nitong paningin kay Mil.
"Ano ba! Tutusukin ko yang mata mo eh!" I hissed dahilan upang mangunot ang noo nya at ngumuso na parang bata. "Wag kang ngumuso, hindi bagay sa'yo. Nagmumukha kang pato. Halika na nga!" Sabi ko. Nagpahatak naman ang kumag hanggang sa maka rating kami sa music room club.
-
"Break na muna guys. Nasa kabilang room ang cheerleading squad. Sarawat, diba may game kayo sa Wednesday?" Ani ng vocalist ng bandang Ssss. Napa tango naman si Wat habang nag a-adjust ng string sa gitara nya. "Sino nga ulit makakalaban nyo?" Tanong pa nito. "Ang Archi. Department." Sagot ni Wat.
Napatayo ako mula sa pagkakaupo dahilan upang mapatingin sila saakin. "Where are you going?" Wat asked at tatayo na sana nung sawayin ko sya. "Bibili lang ako ng snacks natin. Ano gusto nyo?" I asked everyone in the room. "Bakit ikaw ang bibili?" Sabat ni Sarawat. "Bakit naman hindi ako? I mean, among you guys here ako lang ang walang ginagawa." Sabi ko.
"Meron kaya." Nakunot ang noo ko sa sinabi ni Wat. "Ano?" And he smirked. "Ang titigan ako. Ano pa nga ba?" Naghanap ako ng pwedeng ibato sakanya pero wala akong makita kaya napailing na lang ako habang nanganganchaw ang mga kabanda nya samin. "Wag kang mahangin ha? Baka isali kita sa lobong lumilipad sa mga birthday parties." Sabi ko na ikinatawa nya. Hay naku.
"Bubble tea na lang sakin, Vege. Chips na lang para sa mga 'to." Sabi ni Sarawat na ikina tawa ng mga kabanda nya saka nag thumbs up sakin.
Tumalikod na'ko at nag lakad papalabas ng Music room.
-
Dala-dala ko sa isang kamay ang plastic na may chips habang sa isang kamay naman ay yung bubble tea ni Wat.
Maglalakad na sana ako pabalik sa Music room nung may taong bumangga sakin ng bahagya dahilan upang mapaatras ako. Good thing may takip ang lalagyan ng bubble tea kundi free shower ako dito.
"Oh my gosh! I'm sorry!" Sabi ng babaeng bumangga sakin na may hawak na papel. "Okey lang, miss." I said at mag lalakad na sana ng biglang may pumigil sakin sa pamamagitan ng pag hila nito sa manggas sa likod ko. "Teka lang..." The girl with a brown hair said.
"Bakit miss?" I asked. She bit her lower lip. "Ahm, Ako nga pala si Pam and I'm kinda lost, could you please help me find the Music room in here?" Napatingin sya sa mga dala ko. "Ah! Kahit ituro mo na lang kung saan, mukhang may pupuntahan ka pa ata. Pasensya na," Napatingin naman ako sa dala ko bago muling tumingin sakanya at ngumiti. "Doon rin ang punta ko, sabay na lang tayo." Nakangiting sabi ko dahilan upang mapangiti sya.
Naglakad na kami ng sabay. "May kakilala ka ba doon, Pam?" I asked habang naglalakad kami. She looked at me at mas lumapad pa ang ngiti nya. "Yep!" Sabi nya sabay tango. "Ano'ng pangalan nya? Baka kilala ko?" I suggested. "Sarawat... Sarawat is his name. Kilala mo sya?" She said while smiling widely.
Habang unti-unti namang naglalaho ang ngiti sa labi ko nung marinig ang pangalan ni Wat. Umiwas ako ng tingin at saka bahagyang tumango. "Wow! Excited na akong makita sya!" She said happily.
While I was in deep thoughts. I don't want to over think things pero hindi ko mapigilan lalo na't may kakaibang saya sa mukha nya habang binabanggit ang pangalan ni Wat.
Hindi ko mapigilang matanong si Sarawat sa utak ko.
Sino si Pam sa buhay mo?
-
@Bea926 :)
BINABASA MO ANG
Heartbeat [2gether The Series FANFIC] [TAGALOG] (COMPLETED)
Fanfiction"The heart of Sarawat is for you to take care with, and for me, for you to keep with... Tine," - Sarawat Started : January 10, 2021 Ended : March 28, 2021 - C O M P L E T E D - ✔