I slowly opened my eyes at isang pamilyar na puting ceiling ang bumungad sakin. I can smell the chemicals and I hate it. Isa lang ang ibig sabihin nito, nasa hospital ako.
"Tine..." Lumingon ako at nakita si Fong kasama si Phuak at Ohm. Lumapit si Fong sakin. "Kamusta ang pakiramdam mo?" He asked. Napatingin ako sa dextrose pababa sa IV ko. "I hate here..." Sabi ko habang nasa ibang direksyon ang aking paningin.
Narinig ko ang pag buntong hininga ni Fong at ang pag bukas ng pintuan dito sa kwarto ko.
"Doon po muna kami sa labas. Phuak, Ohm, hali na kayo." Hindi ko pinansin ang pag alis nila Fong dahil wala ako sa mood para pansinin ang nasa paligid ko ngayon. "Tine..." Gaya ngayon, alam kong pagagalitan ako ni Kuya.
"Why didn't you tell me?" Aniya, alam ko ang tinutukoy. I sighed. Bumaling ang paningin ko sakanya at nakita ko doon ang lungkot at...awa. "Tell you what?" Maang ko as I smiled weakly at him. Tumingala sya at pinahiran ang luhang tumatakas sakanyang mata. "Bakit hindi mo sinabi saking...hindi na...na pala umeepekto ang gamot sa'yo?" My tear dropped at the side of my eye saka napapikit at natawa ng mahina.
"And then what? Bakit may donor na ba ako kuya? Kasi alam kong sa oras na mangyari ito, babalik ulit ako sa dati. Ang mabilanggo dito." Lumapit sya sakin nung makita nya akong kasalukuyang nag hahabol ng hininga. I heard him muttered curses as he panickly called the doctors and nurses.
Unti-unti na namang nanlalabo ang paningin ko at kinakain ulit ako ng dilim as my heart beating faster and painfully on my chest. Bago ako mawalan ng malay narinig ko pa ang Kuya at mga kaibigan ko na sinasabihan ang doctor at nurses na tulungan ako.
-
Fong's POV
Nakasandal ang likod ng ulo ko sa dingding dito sa kwarto ni Tine. He... He almost slipped away pero salamat sa Diyos at na-revive ulit sya at naging stable kahit papaano.
Napatingin ako kay Phuak na matamang nag hihilik at nakadantay pa ang dalawang paa sa hita ko, kung nasa normal na sitwasyon siguro kami ngayon malamang sa malamang hininulog ko na sya sa sahig at dalawa sila doon ni Ohm na mag sasama. I sighed.
Nangunot ang noo ko nung maramdaman ang pag ba-vibrate ng cellphone ko na nasa bulsa ng pantalon ko. I got it out from my pocket at napabuntong hininga ng makita ko kung sino.
Napatingin ako sa direksyon ni Tine at napaayos ng upo ng makita ko syang nakadilat na at naka pako lamang ang tingin sa ceiling. It's been three days na sinugod sya dito ni Mil at three days narin na walang balita sakanya si Sarawat.
Kahit na gusto na naming sabihin kung ano ang kalagayan ni Tine sakanya ngunit hindi namin magawa dahil na rin sa pakiusap ng Kuya ni Tine samin.
"Fong, Phuak at Ohm..." Napatayo kaming tatlo nung tawagin ni Type ang pangalan namin. "Bakit po?" I asked. He sighed.
"Alam kong kaibigan din kayo ni Sarawat... Pero sana 'wag nyo na munang sabihin sakanya ang kalagayan ni Tine sa ngayon... Hayaan na muna nating makapag isip-isip ang kapatid ko ganun din si Sarawat. I know I'm not in the right position to tell this but being Tine's brother I want them to have the space for the meantime. Don't get me wrong here, hindi ako tutol sa pag sinta nilang dalawa... I just want them to breath first. I hope you understand..." Mahabang litanya nya na kahit papaano'y nakapag pangiti samin.
"Sige po, Kuya." Aniya naming tatlo dahilan upang sa unang pag kakataon makita namin syang ngumiti, kahit na bakas sa mukha nya ang pagod.
"F-fong..." Nabalik ako sa reyalidad nung tawagin ni Tine ang pangalan ko. I turned off my phone at isinilid iyon sa bulsa ko bago tumayo para lang matigilan. Napatingin ako kay Phuak na ang dalawang paa ay naka sayad na sa sahig dahil sa biglaang pag tayo ko pero agad rin akong sumimangot nung hindi parin sya natibag at nag hihilik parin sa tabi. Gagong 'to, tulog mantika talaga.
Lumapit na ako kay Tine na bahagyang nakangiti kahit na ang putla-putla na at bitak-bitak ang labi nagagawa paring ngumiti. Bilib talaga ako sa lalakeng 'to.
-
Tine's POV
Nakasandal ang likod ko ngayon sa kama habang may nakasuportang dalawang unan sa likod ko. As my hand holding a pen and a paper on my lap.
"Ano'ng gagawin mo diyan?" Napapangiting tumingin ako kay Fong na tinaasan ako ng isang kilay. "Gagawa ako ng kanta... Ang kanta para sakanya." I said and he chuckled bago humikab.
"You should sleep, Fong. Alas tres na ng madaling araw... You should rest, salamat sa inyo at binantayan nyo 'ko." I said. "It's nothing, Tine. Sige, pagkatapos mong mag-ala song writer mag pahinga ka na ulit. Iidlip muna ako." Ngumiti ako at tumango.
Makalipas ang isa't kalahating oras ay nakangiting binitawan ko ang ballpen at saka ko tinignan ang kantang isinulat ko. Inilapit ko yun sa kung saan banda ang puso ko at saka humiga ng maayos at pumikit. As my consciousness slowly surrendering into the spell of sleepiness.
At kahit pa ang mundo ay mag-iba , ako'y laging nandirito
'Di man ako para sa'yo, puso'y di magbabago
Walang iba, walang iba, wala ng hahanapin pa
Pag-ibig ko'y sa'yo, sa'yo hanggang sa huli...
Mahal kita... Sarawat, hanggang sa huli...
-
Hiii poooo sa inyo na nag babasa po nito :) Ahm, ang ilang lyrics po nang kanta 'kuno' na ginawa ni Tine ay hiniram ko lamang po sa SB19, hehehe! Isa po ito sa kantang napusuan ko kaya nilagay ko rin sya dito so ayun. HAHAHA!
Anyways, salamat po sa pag babasa at pag susuporta :) 💜 Mwah!
P.S: Hindi ko po mapigilang hindi mag UD HAHAHA! Enjoy po! 💜
BINABASA MO ANG
Heartbeat [2gether The Series FANFIC] [TAGALOG] (COMPLETED)
Fanfiction"The heart of Sarawat is for you to take care with, and for me, for you to keep with... Tine," - Sarawat Started : January 10, 2021 Ended : March 28, 2021 - C O M P L E T E D - ✔