"Tapos ka na bang tumulala?" Lumingon ako sakanya habang bakas parin ang gulat sa mukha ko.
"A-ano?" Bangag na sagot ko dahilan upang makurot ako ni Kuya sa pisngi.
"Ihahatid na kita sa room nyo baka kasi maligaw ka pa sa lawak ng mga pasilyo rito,"
Wala sa sariling tumango-tango ako saka hinayaang hilahin ni Kuya ang braso ko.
"Matagal ka nang estudyante rito, Tine." Napatingin ako kay Kuya nung sabihin nya yun.
"What do you mean?" I asked habang naglalakad kami sa mga corridor para lang makita ang room ko. I actually took business ad. for college.
Lumingon sya sakin saka bahagyang ngumiti.
"...Na maraming gustong makita ka at maging kaibigan ka," aniya dahilan upang tipid akong ngumiti, I don't know what to say.
"After all, you're seemed just a ghost student here." I chuckled sa sinabi ni Kuya. Yeah right, a ghost student.
"We're here, brother. Ready to meet them?" I gulped as my heart beats faster, woah, am I excited or what?
"Yeah, I think so."
Kumatok si Kuya sa pintuan ng room ko at parang tinakasan ako ng lakas nung bumukas iyon at bumungad sakin ang isang may kaedarang babae na may soft features.
Maybe, she's nice?
"Why are you here, Mr. Teepakorn? You should be in your third year class. What brings you here?" Tumaas ang kilay nya nung bumaling sya sakin, bahagya pa syang nakatingala dahil mas matangkad ako sakanya, "And who is this?" masungit pang dagdag nya.
Nope. Maybe, she's not nice at all.
Nakita kong nagkakamot batok si Kuya bago ako nito ipinakilala.
"Miss, this is my brother, Tine. He's been a student here in our school ever since he was in elementary,"
Tatango-tango ang Lecturer bago ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. O...key? What was that?
"I see, the rumored ghost student is not a ghost student anymore. Well then, you can get inside now and introduce yourself, Tine. And as for you..." Hindi ko na narinig pa ang sinabi ng Lecturer kay Kuya dahil pumasok na'ko sa loob.
"Quite!" Napangiwi ako ng lihim dahil sa pag sigaw ng Lec na ngayon ay nasa gilid ko na.
Totoo nga ang kasabihang 'Don't judge a book by its cover' hay buhay.
Natahimik naman ang mga nabubulungan sa sigaw ng Lec namin.
"You may now introduce yourself..."
Tumikhim ako bago nagsimulang mag salita. You can do it, Tine!
"Hi, I'm Tine and I've been a student here ever since I was in elementary. Uhm, I hope to be in great terms with you all," I said, hiding my nervousness using my formal voice. Is my introduction right?
"Tine, you may have your sit at the back beside Fong." Tumango lang ako saka naglakad na patungo sa upuang sinabi ni Lec saka tahimik na umupo.
"Hi, Tine!" Lumingon ako sa taong katabi ko. He has this wide smile on his lips.
"Kilala mo 'ko?" I asked dahilan upang bahagya syang natawa.
"Syempre, di'ba nagpakilala ka?" Natikom ko ang bibig ko, shit! Lutang rin ako eh! Kakahiya!
"Ay, Oo nga pala." Umiwas ako ng tingin at tumitig na lang sa harapan.
"Joke lang, Tine. Kilala na kita simula pa noon, magkaklase tayo simula pa elem and I'm actually surprise to see you in person 'kala ko nga forever ka nang magiging 'ghost student' eh."natigilan ako bago bumaling ulit sakanya.
"Seryoso ka?"
Tumango-tango sya na parang bata bago bumungisngis saka inilahad ang isang kamay sakin dahilan upang mag taka ako.
"I'm Fong and I'm your friend Mr. Tine Teepakorn."
O...key? Paano nangyari 'to?
A/n: salamat sa pagsuporta... Love u all!
BINABASA MO ANG
Heartbeat [2gether The Series FANFIC] [TAGALOG] (COMPLETED)
Fanfiction"The heart of Sarawat is for you to take care with, and for me, for you to keep with... Tine," - Sarawat Started : January 10, 2021 Ended : March 28, 2021 - C O M P L E T E D - ✔