"Sigurado ka bang kaya mong mag-isa sa condo?"
Tanong ni Kuya habang nagdadala nang tray ng pagkain ko. Ngumiti naman ako saka tiniklop ang librong binabasa ko at isinantabi sa kama.
"Oo naman Kuya."
Napabuntong hininga sya kasabay ng pag lapag nya ng tray sa harapan ko. "Wala na bang iba, bukod sa mga damong-damo na 'to Kuya?" Nguminiwi ako bago walang magawang sumubo ng mga gulay.
"The doctor said bawal ka raw sa mga maaalat at oily na mga pagkain, Tine. Pero kung gusto mo, may oats doon sa baba kung gusto mo lang naman. Alam mo namang maraming bawal sa'yo diba?" Lumunok ako at saka tumango ng hindi tumitingin sakanya.
Napaangat ako ng tingin sakanya ng maramdaman ang kamay nya sa ulo ko. Sumalubong sakin ang maamo nyang ngiti dahilan upang mamintana ang mga luha sa mata ko.
Ang mga ngiting nag sasabi saking kakayanin ko ang pagsubok na 'to. Na kakayanin ko ang sakit ko. Na mabubuhay pa 'ko ng matagal.
"You'll be okey, Tine. Makakahanap rin tayo ng donor mo, malalampasan mo 'to. 'Wag ka ng umiyak." I wiped of my tears habang pinapat nya ang ulo ko ng magaan. "Kumain ka na at iinom ka pa ng gamot. Pagkatapos matulog ka na." Aniya bago tumayo at nag lakad papalabas ng kwarto ko.
~ Fast forward ~
"Ipangako mo saking mag iingat ka dito ha? Dahil kapag may mangyari sa'yo pareho tayong lagot kay mama. Kukunin nya ang mga cards ko at ipapatira ka nya ulit sa hospital, pareho naman nating ayaw yun mangyari diba?" Ngumiwi ako bago tumango saka nya tinapik ang balikat ko.
"Saan ba ang unit ng mga kaibigan mo?" Kapagkuway tanong nya habang hila-hila ang dalawang maleta ko sa dalawang kamay. Umupo muna ako sa arm rest ng single sofa. "Nasa third floor pa ang unit nilang tatlo, Kuya." Napatango-tango sya. "Dadalhin ko lang 'to sa kwarto mo ha? Dyan ka na lang muna, medyo puyat ka sa pag iimpake kagabi eh, it's not good for you." Tipid lang akong ngumiti saka sya tumalikod at pumunta sa kwarto ko.
Umayos ako ng upo sa single sofa at saka ipinag pahinga ang batok ko sa sandalan bago tumingala sa kisame at pipikit na sana nung may marinig akong ingay.
Napabaling ang ulo ko sa direksyon ng nakabukas kong pintuan para lang mapatitig sa bahagyang nakabukas na pintuan ng katapat kong unit. Kaya pala ako nakarinig ng ingay dahil sa parang may tumutugtog na kung anong instrumento sa katapat na unit ko.
"Tine? Ano yung maingay? Parang may tumutugtog?" Napabaling ang tingin ko kay Kuya na naka tayo na sa labas ng kwarto ko habang hawak-hawak pa ang doorknob. "Ah, yun ba? Sa katapat na unit ko, bahagya kasing naka bukas ang pintuan eh. Wag mo na lang pansinin." Kibit balikat ko bago ulit tumingala saka pumikit.
Narinig ko naman ang mga yabag ni Kuya bago ko narinig ang pag sarado ng pintuan ko. "'Yan, magpahinga ka na. Buti na lang hindi na umabot dito ang tunog ng electric guitar." Sabi ni Kuya na hindi ko na pinansin.
Agad kasi akong dinuyan ng antok at madali lang rin nakatulog. I'm exhausted and sleepy at the same time.
A/n: Salamat :)
BINABASA MO ANG
Heartbeat [2gether The Series FANFIC] [TAGALOG] (COMPLETED)
Fanfiction"The heart of Sarawat is for you to take care with, and for me, for you to keep with... Tine," - Sarawat Started : January 10, 2021 Ended : March 28, 2021 - C O M P L E T E D - ✔