17: Pag-aalala

271 20 1
                                    

Sarawat

Pinahid ko ang dugo na nasa gilid ng labi ko. Buti na lang talaga marunong akong makipag basag ulo at buti na lang rin dumating sina Fong, kaibigan ni Tine.

Napamewang ako bago napasapo sa sintido ko. Tumakbo na rin papalayo ang limang gago.

"Ayos ka lang?" Napatingin ako kay Fong na nasa harapan ko na kasama nya si Phuak na may dala pang tubo. "Oo, salamat." Ani ko. Napatango si Fong bago napatingin kay Phuak saka ito binatukan.

"Bitawan mo nga 'yan! Baka ipanggamit ko yan pang hampas sa inyo ni Ohm," singhal nya dahilan para agad na maitapon ni Phuak ang tubo sa gilid. "Bakit ako na naman!" Angal ni Phuak. "Kinabahan si Tine sabi ni Ohm." Baling ni Fong sakin. Hindi pinansin ang angal ni Phuak.

"Shit!" I hissed bago napatakbo sa direksyon ng tumilapon kong telepono. I reached for it. Basag ang screen. Napailing na lang ako. "Papunta na daw sila dito." Tango lang ang naisagot ko.

Mga tarantadong yun, hindi ko naman kasalanan kung hiniwalayan sila ng mga girlfriend nila dahil lang sakin. Psh!

"They're here." Napatingin ako sa direksyon na tinitignan nila Fong. Palihim akong ngumiwi nung makita ang talim ng tingin sakin ni Tine. Nang aasar na binalingan ako ng tingin ng mga kaibigan nya. Hays.

Napipilan ako nung hatakin ako ni Tine nung makalapit sya saka ako kinaladkad papasok sa kotse ko. Pina-upo nya ako sa shotgun seat. "Susi." Aniya sa matabang na tono. Napakamot ako sa gilid ng leeg ko kasabay ng pag-abot ko sakanya ng susi.

"Salamat sa inyo guys. Mauna na kami. May aalagaan pa ako." Sabi nya kina Fong na naging dahilan ng pag bilis ng tibok ng puso ko.

May aalagaan pa ako...

Nagpapa-ulit-ulit iyon sa tenga ko.

Tine ano ba talaga itong ginagawa mo sakin?

-

Nakarating kami sa unit ko na walang kibuan.

Pumasok kami sa loob, kinakaladkad nya parin ako. I sighed sa higpit ng pagkakahawak nya sa wrist ko.

Pabagsak nya akong pinaupo sa sofa kaya napatingala ako sakanya. I can't see any emotions on his face.

"Tine..." I tried reaching his hand but he just shrugged it off. "Nasa'n ang med kit mo?" He asked instead. I sighed before answering him. "Nasa banyo." Sagot ko. Pinanuod ko lang sya na mag tungo sa banyo at bumalik sa harapan ko na may dala-dalang med kit.

Humila sya ng isang silya saka walang kibong umupo doon bago binuksan ang med kit. Kumuha sya ng bulak, alcohol saka betadine.

Ngumiwi ako nung dumampi ang bulak sa gilid ng labi ko at humapdi iyon dahil sa alcohol. Nagkatinginan kami bago sya umusod palapit na naging dahilan para matigilan ako. Hinihipan nya ang gilid ng labi ko at sobrang lapit ng mukha nya sakin.

Hindi ko maiwasang mapatitig sakanya para lang mapakurap dahil sa luhang nag sisimulang pumatak sa mga mata nya. And just by seeing his tears makes my heart clenched.

Napakagat ako sa labi ko nung isinandal nya sa balikat ko ang noo nya habang naka upo parin sya sa upuang hinila nya kanina. Napapikit ako nung marinig ko ang kakaunting hikbi nya.

"Tine..." I said but he cut me off. "Akala ko mas matatakot akong maiwan ka, pero niloloko ko lang pala ang sarili ko..." He said dahilan upang mapakunot noo ako. Hinawakan ko sya sa balikat at inilayo sakin upang makita ko ang mukha nya. "Anong ibig mong sabihin?" I asked. Confused at the same time. He smiled weakly. "Na mas takot pala akong mawala ka, Wat." I gulped.

Namaang ako at hindi ako makahagilap ng sasabihin dahilan upang marinig ko ang bahagya nyang pagtawa. Ganun ko ba sya pinakaba para masabi nya ang mga salitang iyon?

My heart is beating crazily right now. What the fuck?! What are you doing to me Tine? You're making me fall again and again.

"Marunong ka bang mag gitara?" I suddenly asked out of the blue. Sya naman ang natigilan at napatitig sakin. "Hindi masyado." Aniya habang pinunasan ang luha. Napatingin ako sa gitara ko na naka display sa isang tabi. Tumayo ako at kinuha iyon saka bumalik sa tabi nya at inilahad ang gitara. His eyes were asking pero kinuha nya rin naman sa kamay ko at inilapag sa mga hita nya.

Umupo ako sa sofa kung saan ako umupo kanina at hinintay na tumugtog sya. Nang bigla nalang pumasok sa isipan ko ang sinabi nya kanina.

Akala ko mas matatakot akong maiwan ka...

Anong ibig nyang sabihin doon? May balak ba syang iwan ako?

I was taken aback of my senses when I heard a strumming sound coming from my guitar. Nabaling ang atensyon ko kay Tine nung mag simulang pumuna sa pandinig ko ang tunog ng kanta.

And just like that, alam ko sa sarili kong may mas ilalalim pa itong nararamdaman ko para sakanya.

Tine...

Heartbeat [2gether The Series FANFIC] [TAGALOG] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon