10: Sa'yo

300 24 2
                                    

"Nawala lang kami saglit, may nabingwit ka na ah..." Napatingin ako sa likod at nakita sila Fong.

"Sira." Ani ko bago napailing. "Sa'n na mga date nyo? May nakita kayo?" Tanong ko bago napatingin kay Pear ng kalabitin nya ako sa braso.

"Bakit?" Ngiti ko. She smiled back before glancing at my back kung nasaan sila Fong.

"Mga kaibigan mo?" Tanong nya na nakangiti lang ng magaan. Napatingin naman ako kela Fong na ngingisi-ngisi lang.

"Ah, Oo. Si Fong, Phuak at Ohm nga pala." Pakilala ko sa tatlo. "Guys, si Pear." Ngumiti lang silang tatlo saka binati ng magandang gabi si Pear na binati naman sila  pabalik.

"ARE YOU GUYS READY?!"

Nabalik ang tingin namin sa mini stage nung marinig ang pag sasalita ng host at ang pag iingay ng mga tao sa paligid.

"MUKHANG BUHAY NA BUHAY TAYO AH?! WELL, HINDI KO NA PATATAGALIN PA! PLEASE WELCOME ON STAGE, THE SSSS BAND! GIVE THEM AROUND OF APPLAUSE!"

Hindi ko alam kung dala lang ba ng excitement ang kaba sa dibdib ko o ano. Basta ang alam ko lang gusto kong marinig ang itutugtog ng bandang yun.

Bahagya pa akong natawa nang maalala ko ang pangalan ng banda. Seryoso talaga? Napailing pa 'ko ng bahagya sa naisip.

"Oh my gosh! Tine! Nandito si Sarawat! Ahhh! Ano kayang kakantahin nila?" Parang nabingi ako sa sigaw ng mga tao kahit na hinahanda pa ng banda ang instruments nila. Hindi ko masyadong narinig ang sinasabi ni Pear.

"Ano? May sinasabi ka ba Pear?" Tanong ko na bahagyang pasigaw dahil sa sigawan ng mga taong nasa paligid namin. Tumingin sakin si Pear at mag sasalita na sana sya nung biglang may pamilyar na boses ang pumailanlang sa mikropono.

Nawala ang atensyon ni Pear sakin, ganun rin ako.

"Magandang gabi sa inyo na nandirito ngayon! Magigitara nga lang sana ako pero wala kasi ang vocalist namin kaya ako ulit ang kakanta sa pagkakataong ito..." Sarawat said with his monotone voice. Natigilan ako nung magtagpo ang mga mata naming dalawa. "Sana magustuhan nyo..." Aniyang nakatingin sakin.

Ako ang unang nag iwas dahil sa hindi ko matagalan ang titig nyang tipong papatay ng tao. Langya! Wala naman akong kasalanan ah?! Ba't ang sama nya makatingin sakin?

Wala sa sariling dumako ang paningin ko sa braso ni Pear na nakapulupot sa kanang braso ko habang nasa stage lang ang paningin nya.

Napatingin ako sa pwesto ni Sarawat na nakatungo na sa gitara nya pero klarong-klaro ang pag kunot ng noo nya. Nakagat ko ng lihim ang pang-ibabang labi ko bago napahawak sa batok ko at napabuga ng hangin.

Kaya ba ang talim ng tingin nya sakin dahil sa pagkakahawak ni Pear sa braso ko? Teka! Hala! Baka may gusto rin sya kay Pear! Patay na!

Napalunok ako nung magtagpo ulit ang tingin naming dalawa kaya wala sa sariling binawi ko ang braso ko sa pagkakapulupot ni Pear doon at saka namulsa sa pantalong suot.

Narinig ko naman ang bahagyang tawanan ng tatlong kaibigan ko sa likod na di ko na lang pinansin.

Nagulat ako nung makita ang pag silay ng isang pahapyaw na ngiti sa labi ni Sarawat na agad ring nawala nung tumapat na sya sa mikropono at nag simulang kantahin ang pang unang linya ng kantang pamilyar sakin.

[Now playing : Sa'yo by Silent Sanctuary]

Minsan Oo, mnsan hindi

Minsan tama, minsan mali

Heartbeat [2gether The Series FANFIC] [TAGALOG] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon