15: Friends Talk

270 20 1
                                    

Ewan ko ba kung papaano ako naka survive sa mag damag na klase nang hindi maka pag concentrate sa sinasabi ng Prof namin.

"Uy, kanina ka pa hangin dyan. Ano bang nangyari?" Tanong ni Fong habang nakatambay kami sa isa sa mga benches. "Ang tanong, may nangyari ba?" Sinamaan ko ng tingin si Ohm na agad nag peace sign nung makitang may hawak-hawak akong isang makapal na libro. "Wag ka kasing sumingit kung ayaw mong ma-facebooked. Baka walang maiwang ngipin pag hinampas ka ni Tine." Natatawang biro ni Phuak kay Ohm.

"Tumigil nga kayo. Ano bang bumabagabag sa'yo ha, Tine?" Tanong ni Fong sakin. Tumahimik naman ang dalawa saka nakinig. Tumitig ako isa-isa sakanila bago napabuga ng hangin. "May problema nga." Ani ni Ohm.

Nadukmo ko ang mukha ko sa dalawang palad ko bago itinago doon ang mukha ko saka nag salita.

"May boyfriend na 'ko." Mabilis na sabi ko bago sila sinilip na tatlo sa pagitan ng mga daliri ko. "Ah, boyfriend lang—Tang-inang... SINO?!" Agad kong tinakpan ang mga bibig nila Phuak at Ohm. Si Fong naman ay hindi na kailangan dahil parang ang mga mata nya na ang nag susumigaw ng sino. Nakawaang pare-pareho ang mga bibig nila nung pakawalan ko sina Phuak at Ohm.

Napakamot ako sa likod ng tenga ko. "Si Sarawat ba ang boyfriend mo?" Tumango ako. Nag sibagsakan na parang mga bola ang ulo nila Phuak at Ohm sa table na nakapagitan samin. Ngumiwi ako. "Kailan pa?" Nakangiting tanong ni Fong sakin. Hinampas nya ang dalawa kaya napaayos ito ng upo sa tabi nya. "Kanina lang?" Nag aalinlangang sagot ko. "Bakit 'di ka ata sigurado?" Tanong ni Ohm. "Eh, hindi ko nga rin alam eh. Na bigla nga kami pareho ni Green." Sagot ko.

"GREEN?!" Silang tatlo.

"Oo, si crayola. Narinig nya kami eh." Kibitbalikat ko. Nag tinginan silang pareho. "Buti wala pang sumusugod ngayon sa'yo dito?" Sumikdo ang kaba sa sistema ko. Nakita ata yun ni Fong kaya nahampas si Ohm sa balikat. "Namo ka. Wag mo ngang pinapakaba si Tine. Baka tayo pa sugurin ng Kuya nya!" Bulyaw ni Fong.

"Eh, ayos lang ba sa'yo yun?" Tanong ni Phuak. "Ewan ko." I answered honestly. "Natatakot ka ba Tine? Bawal ba sa'yo ang mag ka jowa?" Natawa ako sa term ni Phuak. "Hindi naman." Umiling pa ako. "Oh, 'yun naman pala. Eh bakit sambakol mukha mo?" Dagdag ni Ohm. "Natatakot lang siguro ako madumog ng mga fans ni Wat." Ani ko.

"Uyyyyy, may tawagan sila—Aray!" Napahawak si Ohm sa ulo nya kung saan sya binatukan ni Fong. "Namo ka! Ano'ng tawagan sinasabi mo dyan?! Wat galing sa Sarawat! Ilayo mo nga ako dito Phuak, masasakal ko 'to eh!" Ngumuso si Ohm, habang parang hihikain na sa kakatawa si Phuak sa tabi ni Fong. Bale napapagitnaan ni Phuak at Ohm si Fong na hindi na maipinta ang mukha.

"Bakit ba ang harsh mo sakin?!" Angil ni Ohm. "Magiging harash talaga ako pag hindi ka pa tumigil!" Untag ni Fong. "Tatanda ka talagang binata nyan Fong." Natawa ako nung sa isang iglap nag tatatakbo na yung dalawa papalayo sa mesa namin. Napailing-iling si Fong. "Tatanda ako sa kunsumisyon sa dalawang isip batang yun. Why oh why..." Napatingin sya sakin bigla. "Wag mo ng gatungan, baka may lumipad na mesa." Tumawa tuloy ako na ikinasimangot nya.

"Pero mag sabi ka nga sakin ng totoo. Ano ba talaga ang bumabagabag sa'yo?" Napatitig ako sa kawalan.

"Natatakot ako..." Sabi ko, kasi yun ang totoo. "Natatakot saan? Na iwan ka nya? Mukhang blurred atang mangyari yun." He stated. Sinalubong ko ang mga mata nya.

"Natatakot ako na maiwan sya, Fong." Napakurap si Fong sa sinabi ko. "Gusto mo rin ba sya Tine?" Tanong nya nung makabawi. I smiled. "Matatakot ba ako ng ganito kung hindi? Saka magagalit ka ba pag sinabi kong Oo?" I asked. "Bakit naman ako magagalit kung iyon naman ang makakapag pasaya sa kaibigan ko?" He tapped my shoulder. "Do what makes you happy, Tine. Because you deserve it." He smiled genuinely.

"Kaya gusto kitang kasama eh, may kabuluhan kang kausap." Natawa sya. "Eh yung dalawa?" Ininguso ni Fong ang dalawang nag hahabulan kahit pinag bubulungan na. Napailing ako. "Kaabnuyan nakukuha ko sakanila, kaya wag na lang." Natawa si Fong bago nailing.

Habang nilukob na naman ako ng iisipin ko.
Paano ba mag-isip yung tipong 'di na aapektuhan ang gana mo sa mga bagay-bagay? Hayss!

-

A/n: Salamat po sa pag babasa :)  @Bea926

Heartbeat [2gether The Series FANFIC] [TAGALOG] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon