CHAPTER 2

375 154 152
                                    

"Jennieca?? Yung superstar??!!" Gulat kong sabi at tumango lang siya. "Marunong ka mag tagalog?"

"Malamang Half Pinay ako tanga!" Sagot niya sabay tingin ng masama sa akin.

"Diba sa Hollywood ka? Haysh, Oo nga pala may post ka sa instagram na Kumusta ka Philippines, ang tanga ko." Napapakamot kong sabi.

"Mukha nga." Bulong niya pero narinig ko parin. "So would you like to die with me?" Tanong niya na nagpa-kaba sa akin.

"Uy Miss Superstar joke ko lang yun!Gusto ko pa talaga mabuhay."

"Magpatay patayan tanga!" Pasigaw niya.

"Panong magpatay patayan?" Pagtataka ko.

"Lalayo tayo at magdedeactivate ng social media account. Hindi tayo magpaparamdam sa mga magulang at kakilala natin ng isang araw. Doon nila aakalain na patay na tayo." Mabilis na pagkasabi niya pero malinaw. "So sasama ka ba sakin?" Sabay lahad ng kamay niya.

Hindi na ako nakaramdam ng kaba, parang mas natuwa pa ang puso ko. Feeling ko mas magiging safe at masaya ako pag sumama sa kanya. Bigla kong nakalimutan lahat ng responsibilidad ko. Parang naakit ako sa tingin at ngiti niya.

"Oo." Pagpayag ko sa kanya na biglang ngiti niya ng maliit lang. Aabutin ko na sana yung kamay niya pero binawi niya at nilagay sa bulsa niya.

"Alright!" Sabay labas ng cellphone niya at dinikit sa tenga niya. "Hey bitch! Go get the helicopter in 5 minutes or else you're fired!" Mataray niya na pagkasabi.

"Helicopter?" Pagtataka ko. Maya maya ay biglang bumungad nga ang helicopter sa harap namin. "Seryoso sayo ito?" Pagkamangha ko.

"Dami mong tanong, sumakay kana!" Sigaw niya dahil maingay yung helicopter.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa langit, kaya kung hindi ka sasakay mapupunta ka sa impyerno." Biglang sakay ko pagtapos niya sabihin yun. Nakakatakot kaya yung salitang Impyerno.

Pagtapos niyang sumakay ay umandar agad ang helicopter. Tinignan ko ang paligid ng Tagaytay na isa sa nagpamangha sa akin. Tinignan ko si Jennieca pero walang reaction yung mukha niya na nakatingin sakin.

"First time?" Tanong niya.

"Oo! Grabe ang yaman mo pala talaga."

"Of course." Sabay bigay niya ng maliit na ngiti.

Masaya kong tinignan ang mga tanawin na aming dinaanan pero mas napatulala ako kay Jennieca. Hindi ako makapaniwala na ang Celebrity crush ko ay katabi ko na ngayon! Mga ilang minuto ay huminto sa taas ng building ang helicopter at doon rin kame bumaba.

"Anong gagawin natin dito?" Pagtataka ko habang nasunod kay Miss Superstar.

"Mamimili. Dahil pupunta tayo sa malayong malayo." Sabay lapit niya sa mukha ko."At tayo lang ang nandoon."

Napatulala ulit ako noong lumapit siya sakin. Dati hinihintay ko lang ang mga post niya sa Instagram pero ngayon nakakausap ko na siya ng malapitan.

Pagpasok namin sa building ay doon ko lang nalaman na isang mall pala ito. Wala gaanong tao pero bukas lahat ng store.

"Pasukatin niyo lahat ng damit na yan sa kanya at pag nagkasya ibalot niyo na ng makaalis agad." Mabilis niyang sabi na nag si-sunuran agad ang mga saleslady.

Pinasukat sakin ng saleslady ang isang tuxedo na nagustuhan ko. Lumabas ako ng fitting room at pinakita yun kay Miss Superstar na nakaupo lang sa harap ko. "Miss Superstar! Pogi ko ba dito?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ang suot ko.

Mess With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon