CHAPTER 4

228 112 70
                                    

Nagising ako nang biglang may nakatok ng malakas sa pinto ko.

"Ano ba yun punyeta?!" Sigaw ko sabay bukas ko ng pinto na biglang bungad ni Toff.

"Hindi mo naman sinabe na nasa Surigao pala tayo???!!" Sigaw ni Toff.

"So what?" Pagtataray ko dahil yun lang pala itatanong.

"Pano na yung exam ko? Masisira buhay ko pag hindi ako nagtake nun." Napapakamot niya pang sabi.

"Exam lang pala. Che! Tabe!" Sabay taboy ko sa kanya para pumunta sa ref at humanap ng pagkain.

"Finals exam ko yun at importante yun para makagraduate ako!" Sigaw niya ulit na nairita na ako dahil sa ingay.

Humarap ako sa kanya. "Tinanong kita kahapon diba? Edi sana di ka pumayag! Arte mo punyeta!" Sinigawan ko rin siya.

"Sana nga hindi ako pumayag kase hindi ko alam na ganito pala kalayo at sabi mo isang araw lang!" Sabi niya at kita sa mukha niya ang galit niya ngayon.

"Patay kana diba? Walang namamatay na nabubuhay agad kung kailan nila gusto." Pagpapaliwanag ko sa tangang to.

"Ano yun? May problema ka lang maninira ka na ng buhay? Kahapon balak mo pa sirain yung kasal tapos ngayon yung pag aaral ko?!" Huminga pa siya ng malalim.

"Ganyan ka ba talaga? Lahat ng gusto mo kailangan masunod at wala kang pake sa magiging buhay ng tao." Nilagpasan ko lang siya.

Totoo naman yung sinabi niya. Lahat ng gusto ko kailangan nakukuha ko. Dahil doon lang sasaya ang buhay ko.

"Alam mo kung ako rin yung Ex mo,  hindi kita rin sasamahan. You know why? Cause you're a selfish!" Pahabol niya kaya humarap ulit ako sa kanya.

"I know. Kase doon lang ako sasaya." Sabay pag talikod ko ulit at lumabas ng bahay.

KRISTOFF'S POV

Nandito parin ako nakatambay kila Manong Gino. Ayoko muna makasama yung babae na yun. Hindi ko alam bakit ngayon ko lang naalala na may exam ako. Bakit ko ba nakalimutan yun at napapayag ako ng salbaheng babae na yun.
4th year na ko at finals exam ko ngayon para makagraduate na ako sa Accountancy.

Hindi ko alam na dadalhin ako ng babaeng yun sa malayong lugar at walang mabilis na sakayan pauwi ng cavite. Kailangan ko pa mag bangka ng ilang oras pa bayan at sumakay papuntang airport.

"Anong plano mo Dong?" Tanong ni Manong Gino.

"Hindi na ako aabot Manong." Matamlay kong sagot sabay hilamos ulit sa mukha ko.

"Hay siya. Mapagpapatuloy mo naman yan Dong." Sabay punta niya sa labas ng kubo. "Liam, tawagin mo na si Ma'am Jennieca ng makakain na." Utos ni Manong Gino sa iisa niyang anak.

LIAM'S POV

Pumunta ako sa dating bahay ni Tita Laliza at sa tapat nun ay nakita ko ang sobrang ganda na dalaga. Ito yung binato ni Aya ng bato diba? Ganda niya talaga sa malapitan.

"Hi, Ma'am Jennieca??" Hindi ako sigurado kung siya ang pinapatawag ni Itay. Ngumiti siya nung tumingin siya sakin. Nakakainlab.

"Hi Cutie! Ate Pretty na lang ang itawag mo sakin."

"Pinapatawag na kayo ni itay ng makakain na daw po kayo Ate Pretty."

"What's your name?" Nakangiti niyang sabi.

"Liam po, Ate Pretty."

"How old are you then?" Nakangiti niyang sabi.

"11 po Ate Pretty."

Mess With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon