"Good morning!"
Nagising ako nang nasa harap ko si Toff kaya bigla akong tumalikod. Kinapa ko ang mata at bibig ko.
"Wala kang muta. Panis na laway lang." Sinamaan ko siya ng tingin. "Joke lang." Sabay nag peace siya.
May naamoy ako. "Ano yung niluto mo?" Tanong ko habang sinisinghot yung masarap na amoy.
"Adobo." Sabay ngiti niya. "Sabi ko nga ba gutom ka agad eh. Tara na sabay hila niya sakin."
"Teka lang magto-toothbrush ako!" Pagpigil ko sa kanya.
"Wag na, mabango na naman ang hininga mo." Napatingin ako sa sinabe niya at nginitian niya ko ng malaki.
"Ikaw ha!" Sabay hampas ko sa kanya. Tumakbo siya pero hinahabol ko parin. "Anong ginawa mo sakin ha?!" Sabi ko habang tinutusok tagiliran niya.
"Wala! Tinitigan lang kita. Naamoy ko yung hininga mo dahil huminga ka sa harap ko." Pagdadahilan niya.
"Siguraduhin mo yan! Lagot ka sakin!"
Tumawa siya. "Kumain kana. Mamaya na laban mo. Ready kana ba?" Tanong niya.
Sus wrestling lang yun. Hindi niya alam magaling ako sa martial arts.
KRISTOFF'S POV
Pagkatapos namin kumain ay naghanda na si Jennieca dahil hapon rin agad gaganapin ang laban niya.
"Ano yan bakit naka make-up ka pa?" Sita ko sa mukha ni Jennieca pero maganda siya ngayon. Naka sando lang siya na kita ang tiyan tapos nakatirintas pa buhok na parang ufc ang gagawin.
"Ano namang masama dun?" Mataray niyang tanong.
"Ang sabihin mo lang magpapaganda ka sa mga lalaki dun."
Sinamaan niya ako ng tingin. "Gusto mo pag praktisan kita? Sakto excited na ako." Galit niyang sabi sakin.
"Joke lang! Hindi to mabiro."
Maya maya ay pumunta na kame sa lugar kung saan gaganapin ang laban. Nakahanda na talaga ang ring na paglalabanan nila. Marami ring tao ang manonood kaya napakapit agad si Jennieca sa akin.
"Wag kang matakot. Andito ako, ako si The Rock diba?" Ngumisi siya ng natawa ng onti.
Maya maya ay magsisimula na ang laban pumasok na si Jennieca sa Wrestling ring. Ako naman ay nakaupo kasama sila Manong Gino at mga bata na may dalang papel ng may nakasulat na Go Miss Superstar. Maraming nakasuporta kay Miss Superstar syempre lahat kame isama mo pa yung mga nagkakagusto sa kanya na lalaki sa gilid namin.
Naging tutok na kami noong magsisimula na ang laban. "Kinakabahan ako baka mapilayan si Jennie ko." Sabay napatingin sa akin sila Manong Gino. Kahit ako nabigla rin sa sinabi ko. "I mean Jennie-ca." Sabay balik sila sa panonood.
Nagulat ako nung sinipa ni Jennieca yung kalaban niya at binuhat niya ito at binalibag. Pumito ang referee at yun ang senyas niya para sabihin na panalo si Jennieca.
"Wooh! Jennie ko yan" Sigaw ko na napatingin ulit sila sakin ."Jennieca yan!"
May nakalaban ulit siya na isa at madali niya lang rin tinapos. Dumating yung laban nila Matot na nagpakaba sa akin. Dahil dambuhala nga ang laki ni Matot at galit pa siya kay Jennieca.
Lumapit ako kay Jennieca at hinawakan ko ang mukha niya.
"Kaya mo yan ha." Sabay ayos ko sa buhok niya at pagpunas sa mga pawis niya. "Gawin mo yung mga tinuro kong moves sayo. Hindi mo mabubuhat yan haha." Pagtawa ko pero sa loob kinakabahan ako para sa kanya.
"Mas kinakabahan ka pa sakin alam mo yun?" Sabay alis niya at pagpasok ulit sa ring.
Halata ba yung pagka-kabado ko? Pano niya kaya napansin yun?
"Galingan mo, ayaw kitang masaktan." Sigaw ko na napalingon siya at ngumiti siya sakin.
Nagsimula na ang laban at bigla siyang niyakap ni Matot patalikod kaya nahirapan siya. Hanggang ngayon niyayakap parin siya at nakadapa na sila ngayon sa buhangin.
"Hoy Matot! Bantot ng galaw mo!" Sigaw ni Manong Gino kaya nagsitawanan mga tao.
Tumagal ang laban nila sa ganun na yakap ni Matot at nasasakal si Jennieca. Hindi ko matiis panoorin na masaktan si Jennieca.
Hirap parin si Jennieca makalaban kaya sumigaw na ako ng "Matot Bantot!" Bilang ang asar kay Matot.
Nagulat ako ng nagsi-sigawan rin ang karamihan ng ganun.
"Matot! Bantot!"
"Matot! Bantot!"Napatigil si Matot sa kakasakal kay Jennieca at napayuko siya na parang nababaliw at nagwawala.
Maya maya bigla siyang in-spear ni Jennieca kaya napatumba siya.
Sumigaw ako ng "Superstar!" Biglang nagsi-sigawan rin ng ganon ang mga tao."Superstar! Superstar!"
"Superstar! Superstar!"
Sinigawan ko si Jennieca. "Gawin mo na yung finisher!"
Nag you can't see me siya kay Matot na nakahiga pa rin sa buhangin. Pumunta sa dulo ng bilog si Jennieca at napadyak na hinihintay si Matot na bumangon."Superstar! Superstar!" Sigaw parin ng karamihan. "Superstar! Superstar!"
Bumangon na si Matot kaya tumigil na sa pag padyak si Jennieca at hinintay niya na lumapit. Sinipa niya ito sa tiyan at binuhat niya ito sa balikat na ikinagulat ko.
Paano niya nakaya yun? Sabay binalibag niya ito at pumito na ang referee.
"Wooh! Jennie ko yan! Jennie ko yan!" Sigaw ko sabay takbo papasok sa wrestling ring.
Masayang tumakbo si Jennieca na sasalubong sakin na kitang kita ang ngiti niya pati ang ma-pink niyang gilagid.
Bigla niya na lang akong niyakap.
Iba yung naramdaman ko sa yakap niya ngayon. Siguro dahil masaya siya ngayon at iba ang higpit ng yakap niya. Niyakap ko rin siya ng mahigpit at binuhat ko siya.
Umikot ako habang yakap siya na parang kami lang ang tao ngayon sa isla.
BINABASA MO ANG
Mess With You
Любовные романыWattpad Romance PH's Kilig All Year 'Round || COMPLETE Toff having a tough life kahit nasa kanya na ang lahat. Matalino, masipag, mapagmahal sa magulang at may itsura. Magaling nga siya sa lahat pero hindi naman siya masaya sa buhay niya. Dahil sa p...