Naging malamig ang araw namin dahil sa nangyari kanina. Nahiya na rin ako kay Jennieca dahil sa ginawa at mga nasabi ko sa kanya.
Kinabukasan ay sinamahan ko siya na pumunta ng bayan para kausapin ang Ex boyfriend niya.
Hindi ko alam bakit ko sinabi sa kanya yun na pinapayagan ko siya makipagkita doon Ex niya. Kahit natatakot ako na baka maagaw siya. Pero nakita kong gusto niya kaya pinayagan ko na.
Tinitignan ko siya ngayon at mukhang talaga excited siya.
"Andito na siya sa bayan, magkita daw kami sa isang restaurant na malapit dito." Sabi niya sakin ng nakangiti.
"Tara! Puntahan na natin." Pilit kong pagpapakita sa kanya na masaya ko.
Pumunta kami sa restaurant na sinasabi ng Ex niya. Nakita agad namin ang ex niya na nakatayo sa harap ng restaurant.
Maganda manamit at mukhang proffesional tignan. Alam ko na kung bakit nagustuhan ni Jennieca ang lalaking ito. Sa physical niyang katangian mukhang nasa kanya na lahat. Mukha siyang mayaman, may magandang trabaho at maayos ang buhay.
Mas lamang nga ang lalaking ito kaysa sa akin na wala pang napapatunayan.
"Harry!" Malakas na tawag ni Jennieca na nagpamukhang excited.
"Jennieca!" Sabay pakipagbeso nito kay Jennieca. Napatingin na lang ako sa kanila. "How are you??" Masaya nitong pagkamusta.
"I'm fine!" Masaya ring sagot ni Jennieca. Napatingin sa akin si Harry at Jennieca kaya nailang na ako.
"Anyway this is Kristoff." Pag papakilala niya sa akin kaya nakipagkamay ako sa Ex niya.
Ganun rin ang pag tanggap ng Ex niya. "I'm Harry." Pagpapakilala niya. "Let's eat?" Pagyaya niya na pumasok sa loob ng restaurant.
"Ay hindi okay lang." Pag tanggi ko. "Kayo na lang ni Jennieca para makapag usap kayo ng maayos."
"Are you sure?" Tanong niya.
"Of course." Mabilis kong sagot.
"Okay. Then..." Sabay turo niya sa loob kaya tumango na ako at pumasok na siya.
Bigla akong hinawakan ni Jennieca sa kamay. "Baby." Tawag niya. "Saglit lang kami ah."
"No, take your time. Pag usapan niyo lahat, maghihintay lang ako dito." Sabay ngiti ko sa kanya at kumaway na siya para pumasok.
Naupo sila sa tabi ng pader na malapit sa bintana. Doon ako naupo sa likod ng pader kaya hindi ko sila nakikita pero baka maranig ko sila.
"I got the news about your contract. So babalik kana sa Hollywood?" Noong narinig ko yun ay lumapit pa lalo ako sa pader.
Bigla nanikip ang puso ko sa una kong narinig.
"I don't know." Sagot ni Jennieca. "Kamusta ka nga pala?"
"Obviously, not okay. You know me." Sabay tawa ni Harry.
"Bakit kayo naghiwalay?" Mabilis na tanong ni Jennieca.
"Well, the truth is... Ako ang nakipag hiwalay."
"W-why?" Parang nagugulat na tanong ni Jennieca. Tumahimik saglit na parang hindi nakasagot si Harry.
"I realized that... I still love you." Sagot ni Harry na nagpabigla sa akin.
Wala ulit akong narinig parang tingin ko nabigla si Jennieca. Pero lumapit ako sa pader at hinihintay ko ang magiging sagot ni Jennieca.
BINABASA MO ANG
Mess With You
RomansaWattpad Romance PH's Kilig All Year 'Round || COMPLETE Toff having a tough life kahit nasa kanya na ang lahat. Matalino, masipag, mapagmahal sa magulang at may itsura. Magaling nga siya sa lahat pero hindi naman siya masaya sa buhay niya. Dahil sa p...