Nagising ako sa tubig na dumapo sa mukha ko. Gulat ako na nasa bangka ako ngayon kasama ni Toff at Manong Estor."Toff ano to??!! Ginulo mo ang tulog ko!!" Sabay pag bangon ko.
"Batugan ka eh!" Natatawa niyang sagot.
"Saan tayo pupunta???!"
"Sa malayo at maraming tao ang nandoon!" Pangaasar na sagot ni Toff.
"Inaasar mo ba ko?" Sabay harap ko sa kanya at tinitigan siya ng masama.
"Sumama ka na lang. Rami mong arte di kana artista." Sagot niya na mas lalo akong nairita.
"Aba!" Hahampasin ko sana siya nang may biglang humampas ulit na tubig sa mukha ko.
Pesteng alon to! Hindi tuloy ako nakasagot sa kanya!
"Manong Estor ayusin niyo naman yung pag maneho ng bangka!"
Sumama ang tingin ko sa araw dahil nakatutok sakin ngayon at mukhang iitim na naman ako dahil tubig pa ng dagat ang dumapo sa balat ko.
Bigla kaming nakarating ng bayan.
"Ano pang tinutunganga mo dyan?" Mataray na tanong ni Toff. "Bumaba ka dyan at sumunod ka sakin." Sabay bumaba siya ng bangka."Aba! Di ako susunod sayo babalik ako ng isla!" Sigaw ko kay Toff pero patuloy lang siya sa pag lakad palayo. "Manong!"
Biglang lapit agad ni Manong Estor. "Hatid mo ko sa isla. Iwan natin yun mag-isa!"
"Sorry po Ma'am Jennieca. Ako po kase yung magiging alalay ni Toff ngayon."
"Aba! So mas susundin mo siya kaysa sakin?" Naiirita kong tanong.
"Opo. Malaking tulong po kasi yung Superstore na ipinatayo ni Toff sa pamilya ko Ma'am." Napapayuko niyang sagot.
"Aba punyeta." Napapakamot na lang ako. "Manong Estor, nakakalimutan mo ata na reigning champion ako ng wrestling sa isla. Wag kang papakita saking mag isa ha!!!" Sigaw ko sa kanya at bumaba na ako sa bangka.
Bwiset ka Toff! Ang aga mong guluhin ang araw ko. Makakatikim ka sakin!
Hinabol ko siya pero malayo na ang distance niya sakin. Pilit kong binibilisan ang lakad ko dahil nag iinit ang dugo ko sa kanya pero nagulat na lang ako ng nasa airport pala kami.
"Anong gagawin namin dito?!"
Umakyat si Toff sa isang plane at ganun rin ang pag akyat ko para masundan siya. Kailangan ko talaga siya masapak!
"Good afternoon po Ma'am! Please come in!" Masayang bati ng flight attendant.
"Papasok talaga ako!"
"Ay Ma'am basa po kayo, Gusto niyo po muna mag palit?" Napatingin ako sa damit ko na basa nga. Dahil to sa bwiset na alon ng dagat. "May extra clothes pa naman po ako."
Tinignan ko si Toff na nakaupo na sa loob ng Plane at nakaway sakin na may malaking ngiti.
Inaasar talaga ako ng abnoy na to!
Sumunod ako sa flight attendant at tinuro niya yung comfort room. Agad ako na pumasok sa comfort room dahil sa inis ko.
"Ah! Kalma lang Jennieca magagantihan mo rin yan." Pagkalma ko sa sarili ko at agad na lumusong sa bath tab at nag sabon. Amoy ko parin kasi ang dagat sa katawan ko kaya naisipan ko maligo agad.
Habang nagkukuskos ng katawan ay may kumatok.
"Ma'am! Sorry po. Sando lang po ang dala ko ngayon." Sabay abot niya ng nag iisang sando,
BINABASA MO ANG
Mess With You
RomanceWattpad Romance PH's Kilig All Year 'Round || COMPLETE Toff having a tough life kahit nasa kanya na ang lahat. Matalino, masipag, mapagmahal sa magulang at may itsura. Magaling nga siya sa lahat pero hindi naman siya masaya sa buhay niya. Dahil sa p...