CHAPTER 9

175 89 39
                                    

Kinabukasan nagising ako at nagugutom ako agad. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Toff na nakaupo sa kainan. Nakangiti na naman ang loko.

Siguro iniisip niya parin yung babaeng panget na nasa panaginip niya. Lagot sa sakin kung sino man yung babaeng yun! Wala na ibang mas gaganda sa akin! Kahit si Ariana Grande nga hindi ako matalo sa mga awards tapos may mas gaganda pa sa akin na nakangiti lang.

Wag mong papakita sa akin yung babae na yun kung hindi lulunudin ko yun sa dagat. Ay hindi parang mas maganda sa toilet. Oo sa toilet na lang.

"Good Morning!" Masaya niyang bati na parang hindi ko siya binugbog kahapon.

"Morning." Tipid kong sagot.

"Nagluto ako, Kain kana." Natuwa ako sa sinabi niya pero hindi ko pinapakita.

"Ayoko sawa na ako sa luto mo." Pagkukunwari ko.

"Tinapa na may kamatis ito at may bagoong." Parang nagutom ako lalo sa sinabi niya. Pero hindi ko parin pinansin. "May sinangag na kanin pa." Lalong nagpagutom sa akin dahil yun ang paborito ko. Sinangag.

"Ayoko, tapon mo na lang yan!" Pagtataray ko.

"Sigurado ka? Okay." Sabay kuha niya ng mga pagkain na ikinagulat ko.

Baliw ba siya itatapon niya talaga?
Pagkakuha niya sa mga pagkain ay pumunta siya sa likod, bandang kitchen kaya mukhang itatapon niya nga dahil may basurahan doon.

Bumalik siya ng nakangiti at pumunta sa harapan ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin dahil parang inaasar niya ako ngayon.

"Anong gusto mong iluto ko sayo? Ayaw mo nun diba? Tinabi ko muna sa kusina para mamaya na lang natin kainin o ibigay na lang." Sabi niya na biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Sinamahan niya pa ng malalim na tingin niya at may malaking ngiti.
Iniwasan ko lang siya ng tingin at hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

"Alam kong gutom kana. Wag ka nang mapride kainin mo na yun para may lakas ka sa practice natin mamaya dahil gagantihan kita."

"Wow nagsalita yung isang sapak lang nakatulog agad."

"Kinorner mo ko. Basta bilisan mo dyan at magbihis ka tapos pumunta ka kila Manong Gino." Sabay talikod niya at lumabas ng bahay.

"Aba linya ko yan ah!" Sigaw ko na hindi ko alam kung narinig niya.

Napangiti ako ng malaman kong makakain ko na yung mga luto niya.

"Yiee ang sarap sarap ng pagkain!" Sabay kain ko sa lahat ng pagkain na nasa lamesa.

Pagkatapos ko kumain ay nagbihis na ako. Nakatapat ako sa salamin ngayon at kakatapos ko lang mag eye liner. Hawak ko ngayon ang lipstick at dahan dahan kong pinapahid sa labi ko. Aba dapat maganda ako dahil magkakadikitan na naman kami.
Ipapamukha ko sa kanya na mas maganda ako sa babaeng nasa panaginip niya! Punyeta.

"Dahil lang nakangiti nagustuhan na niya?! Baka pag nakita niya ko ngumiti halikan niya ko agad!"

"Ganto kaya magandang ngiti?" Kausap ko sarili ko habang nakatingin sa salamin.

^__-

"Ay hindi masyado pacute. Eh ganto kaya?"

^____^

"Masyadong malaki. Bwiset wag na nga lang." Sabi ko habang dismayado na nakatingin sa salamin.

Simula pagkabata ko hindi ako sanay na nangiti. Nangiti lang ako pag kailangan sa movie at makikipagplastikan.

Mess With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon