CHAPTER 7

176 87 27
                                    

Kanina pa ako naglalakakad sa harap ng pinto ng kwarto ni Jennieca.

"Ano ba sasabihin ko? Kumain kana mamimingwit lang akong isda??" Pag arte ko. "Haysh! Bahala na." Sabay paglapit ko sa pinto.

Kakatatok na sana ako sa pinto ng biglang bumukas ito at lumabas si Jennieca.

"Anong kailangan mo?" Mataray niyang tanong.

"S-sabihin ko lang sana n-na kumain kana, nagluto ako. Aalis nga pala ako, mangingisda kami ni Manong Gino. B-bye!" Sabay alis ko agad at lumabas ng bahay.

Nakapahampas ako sa ulo ko dahil sa nangyayare.

"Ano bang nangyayare sakin? Haysh dun pa ko nautal kung kailan kausap siya." Naiinis parin ako sa sarili ko hanggang makasakay sa ng bangka. Noong huminto na ang bangka ay tinuruan na ako ni Manong Gino mangisda.

"Dong, kamusta na pala kayo ni Ma'am Jennieca?" Tanong sa akin ni Manong habang namimingwit.

Kame? Pagtataka ko sa tanong ni Manong. "W-walang kami Manong Gino."

"Haha ibig kong sabihin kung nagkakausap na ba kayo ng maayos?" Natatawang sabi ni Manong.

"Haysh yun pala ibig mong sabihin Haha. Hindi parin kame nagkakausap ng maayos Manong."
Napapakamot ako sa sarili ko.

"Ha? Bakit naman? May problema parin ba si Ma'am?" Tanong ni Manong. Aba nahawaan ata si Manong ng mga kapitbahay niya sa pag chismis.

"Ah wala naman Manong. Parang ako nga yung may problema hehe."

"Oh ano naman iyon? Sabihin mo at tutulungan ka ulit namin."

"Actually Manong hindi ko alam. Simula noong gabi na kumain kami ng sabay parang naiilang na ako sa kanya. Tapos sa tuwing magkakausap kami nauutal na ako." Sabi ko. Napayuko ako dahil naalala ko yung kahihiyan ko kanina.

"Ay dong alam ko na, hindi yan problema. Inlababo kana Haha!" Sabay pagtawa niya ng malakas.

"Inlababo?" Pagtataka ko.

"Inlove kana o may gusto kana dong kay Ma'am Jennieca." Sabi ni Manong na ikinagulat ko.

Napatayo ako bigla. "Ay hindi ho Manong."

"Sus ganyan talaga nasa in denial stage ka pa na tinatawag nila hahah!" Natatawa sabi ni Manong.

"Kahit maganda yun Manong hindi ko magugustuhan yun dahil sa ugali niya." Pag dadahilan ko.

"Haha hindi ka pa ba nagkaka girlfriend Dong?" Naibang tanong ni Manong.

"H-hindi pa." Nahihiya kong sagot kay sa kanya.

"Ayun naman pala. Edi hindi ka pa naiinlove?" Tanong ulit ni Manong. Nakakarami na siya. Kung si Miss Superstar yung tinanong niya baka kanina pa siya nabatukan.

"H-hindi pa ho." Nahihiya ko ring sagot. NGSB kase ako eh.

"Ito sabihan kita tungkol sa pag-ibig." Sabay akbay sa akin ni Manong at tinuro ang puso ko. Anong ginagawa nito? Bakla ba to? "Yang puso nakakaramdam lang yan at hindi nakakapag-isip, itong utak naman nakakapag-isip lang pero hindi nakakaramdam."

"A-ano po?" Sabay napailing siya.

"Ang ibig kong sabihin hindi malalaman kung sino ang tinitibok puso mo. Ang isip mo lang makakapagsabi sayo pag naramdaman mo na yung saya sa puso mo. Dyan nag sisimula yung pag-ibig, una maguguluhan ka bakit ganito ang nararamdaman mo dahil bago pa lang sayo. Pangalawa maglalaban ang puso at isip mo dahil sa isip mo nga hindi mo siya gusto pero yung nararamdaman mo ay oo." Pagpapaliwanag niya.

Mess With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon