CHAPTER 19

130 53 4
                                    

Hindi ko kaya mawala si Jennieca. Parang pinapatay na rin ako. Pumunta ako sa isla kung saan kami umakyat ng bundok. Umakyat ako sa tuktok at doon sumigaw.

"Paano mo ko nakayanang iwan??!" Sabay pagtulo ng luha ko. "Ikaw lang ang buhay ko ngayon! Wala na akong buhay na babalikan, lahat yun ginulo mo! Pati yung nananahimik kong puso, ngayon nagkakagulo dahil sayo!"

Mga ilang oras ang lumipas ay sumakit ng sumakit ang puso ko.
Wala akong mapuntahan kaya pumunta ako sa falls.

Falls ang naisipan ko puntahan dahil may makakasama ako doon. Si Kuya. Nakita ko si kuya noong lumangoy kami ni Jennieca noon sa falls. Yun ang dahilan kung bakit ako natakot nun.

"Kuya lumabas ka dyan!" Sigaw ko sa falls kung saan nakita ko si kuya noong tumalon kami ni Jennieca.

Lugmok na lugmok na ang puso ko. Gusto ko na lang tuluyang mamatay dahil sa sakit na ito. Hindi ko kaya mabuhay ng wala siya kahit ilang oras pa lang.

Nasa tuktok ako ng falls ngayon.
"Kuya magpakita ka naman sakin oh. Kailangan kita e. Kase sobrang sakit na yung taong mga mahal ko ay iniiwan ako, tulad mo."

Tumitig lang ako sa ibaba ng falls sabay tumalon.

Kahit nasa ilalim na ako ng tubig ay sumigaw ako.

"Kuya lumabas ka diyan!" Sabay langoy ko na hinahanap siya.

"Kuya kausapin mo naman ako! Bakit ganito yung buhay na binigay mo sakin simula nung nawala ka!" Pagmamakaawa ko habang naiyak.

Mga ilang oras ay naasa parin ako na magpakita si kuya. Siya talaga ang kailangan ko ngayon.

"Huy anong ginagawa mo dito?" Nabigla ako nang magpakita kita si kuya.

"Kuya paano ka nagpaki--"

Naputol ang sasabihin ko ng magsalita si kuya. "Ikaw ang tinatanong ko anong ginagawa mo dito??" Nakangiti niyang sabi.

"Sasama na ako sayo hindi ko na kaya ang buhay na binigay mo." Naiiyak kong sabi.

"Haha. Kaya nga binigay ko sayo dahil kaya mo eh!" Natatawa niyang sabi.

"Kuya naman nagbibiro pa kung kailan may problema ako."

"Umalis kana dito maraming naghihintay sayo sa totoong buhay."

"Sira na buhay ko Kuya. Ayaw na sakin nila Mommy at Daddy lahat galit na sakin at wala akong mapatunayan. Kaya gusto ko na sumama sayo sa langit para hindi ko na maranasan tong sakit. Ang sakit eh. Gusto ko sa langit para maranasan ko ulit yung saya tulad na binigay ni Jennieca." Sabi ko habang naiyak.

"Ganda kaya ng buhay mo. Mali lang sila ng tingin pero kung titignan mas maayos ang buhay mo kaysa sakin." Sabi niya. "Sa langit makakalimutan mo lahat. Hindi lang yung sakit pati ang masasaya mong alaala. Alam mo ba kung bakit tayo nasasaktan? Dahil napasobra yung pagmamahal na nakuha natin sa kanila." Pagpapaliwanag niya.

"Bakit parang pinapatay ako ng sakit na ito?" Hindi matapos ang pagtulo ng luha ko.

"Nasasaktan tayo minsan sa katotohanan at maling akala. Kailangan mo lang maliwanagan Toff. Mahal na mahal ka ng mga taong nasa paligid mo." Nawala yung sakit ng puso ko sa sinabi ni Kuya. "Maswerte ka nga may naging girlfriend ka pang artista eh. Haha."

"Haha ikaw talaga mapagbiro ka kahit patay kana!"

"Kailangan mo tanggapin Toff na yung sobrang kasiyahan ay mapapalitan rin ng kalungkutan. Yung kalungkutan na yun ay panandalian lang kaya kailangan mo tiisin. Alalahanin mo na lang ang masasaya niyong araw hanggang sa magkita muli kayo."

Mess With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon