Noong nabalitaan ko na umalis na si Toff at umuwi ng Cavite, bumalik ako sa dati kong ugali. Umuwi parin ako sa isla at doon tumira. Ngayon magdadalawang buwan na akong sinasamahan ni Harry dito. Pinayagan ko siyang sumama para may utusan.Bumalik yung dating ako, manggagamit ng tao pag may kailangan lang tulad ng ginawa ko kay Toff. Wala na ulit akong pake sa feelings ng tao at ayaw ko ng maingay.
Mas lumala pa nga ako ngayon dahil hindi na ako madala ni Harry sa mga ngiti niya. Hindi naman siya kasing kulit ni Toff na hindi ako titigilan hanggang hindi nangiti. Mali na hinahanap ko sa kanya si Toff pero wala ako magawa dahil yun ang gusto ko.
Biglang may kumatok sa pinto ko.
Matamlay kong binuksan iyon at nakita ko si Harry. Buhat niya ang bag niya kasama ang maleta niya. Halatang aalis na siya. Magdadalawang buwan ko ba namang hindi pinapansin e.
"Hi Jennieca!" Pagbati niya. "It's time for me to go home, go home to my real world." Ngumiti siya sakin pagtapos sabihin yun. "Naintindihan ko na ang love ay nasa puso talaga, kahit anong pagbabago ko sa isip mo na sana ako na lang. Kung siya ang mahal mo wala ring mangyayari." Ngiti lang siya ng ngiti.
Dumeretso siya ng tingin sakin at hinawakan ako sa braso. "Kaya hintayin mo na lang siya. Babalik yan dahil sa pagmamahal mo." Napaiyak ako sa sinabi niya. Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang luha ko. "Alagaan mo ang sarili mo ha."
Niyakap ko siya dahil sa sinabi niya. "Thank you Harry." Naiiyak kong sabi.
Humiwalay siya ng yakap at ngumiti sa akin. Pagkatapos nun ay umalis na siya sa isla ng ganun lang.
Ngayong umalis na siya ito na talaga yung hamon na aayusin ko ang sarili ko mag isa. Kailangan ko sumaya mag isa at maramdaman ang ganda ng buhay.
Ang nangyayare ay puro tulog ako dahil nahihilo ako kadalasan at minsan nababahuan na ako sa labas kaya sa loob lang ako lagi natambay.
KRISTOFF'S POV
Simula noong nagkapandemic, tinanggap ko na hindi ko na talaga siya mapupuntahan. Siguro nakatadhana na paghiwalayin kame ngayon. Hanggang pag alala na lang ako sa kanya at pinapabaliw ako ngayon dahil sa pagkamiss ko sa kanya. Mahal na mahal ko talaga siya.
Sa loob ng dalawang buwan ay nabaliw ako sa kanya. Araw araw hinihintay ko mag reactivate ang account niya, lagi ko pang pinapanood ang mga video niya at tinitignan ang picture naming dalawa.
Isang araw pumasok si Mommy sa kwarto ko. Nilapitan niya ako at hinawakan ang kamay ko.
"Anak, anong gusto mong gawin? Magta-trabaho ka ba o mag-aaral ulit? Susuportahan ka namin." Sabay bigay niya ng ngiti.
"Sira na buhay ko kahit ano pang gawin ko." Mahina kong sabi.
"Hindi, hindi pa sira ang buhay mo Anak. Hindi mo ba narinig ang sinabi sayo ni Jennieca habang tulog ka?" Sabi ni Mommy na napalingon ako.
"Ano yung sinabi niya?"
"Pinalabas niya kami nun pero narinig parin namin siya." Napabangon ako nun sa kama at naupo. "Alam mo ba ang sabi niya? Ang sabi niya ay lalayo na talaga siya pero ang paglayo na yun para ayusin niyo ang sarili niyo ng kayo lang mag isa. Ayusin mo daw ang buhay mo na sinira niya." Sabi ni Mommy na napatawa ako ng onti dahil sa huli niyang sinabi.
Naalala ko si Jennieca. Namiss ko ang salita niya kahit parang galit kung magsalita minsan.
Biglang may inabot si Mommy na envelope. Tinignan ko ito at nagulat ako ng may maraming pera.
BINABASA MO ANG
Mess With You
RomanceWattpad Romance PH's Kilig All Year 'Round || COMPLETE Toff having a tough life kahit nasa kanya na ang lahat. Matalino, masipag, mapagmahal sa magulang at may itsura. Magaling nga siya sa lahat pero hindi naman siya masaya sa buhay niya. Dahil sa p...