CHAPTER 15

134 56 12
                                    

Mabilis na dumaan ang dalawang buwan noong new year. Nabuhay kami ni Jennieca nang pang probinsya. Ako ay nangingisda at siya naman ang nagawa sa gawaing bahay. Parang buhay mag asawa na nga e.

Ngayon ay Valentine's Day at nag iisip ako ng paraan para pasayahin pa siya lalo kahit parang nagawa ko na ang lahat.

Gusto ko iparamdam sa kanya na kung gaano ako kaswerte sa kanya. Gusto ko siyang paranas ng deserve niya. Tingin ko kase hindi ko pa nabibigay sa kanya lahat kahit marami na akong ginawa.

Kaya nakipag kuntsaba ulit ako kila Manong Gino.

JENNIECA'S POV

Mag gagabi na at hindi parin nadating si Kristoff. Natapos na ako maligo pero wala parin yung abnoy. Wag niyang sabihin na hanggang ngayon nangingisda parin siya dahil yayariin talaga siya sakin.

Naghintay pa ako ng ilang minuto pero nag aalala ako na baka may nangyare na sa kanya. Kanina pa ako nakatayo at lakad ng lakad sa sala. Bibihira siyang umuwi ng ganitong gabi na kaya kinakabahan ako.

Hindi ko na natiis mag hintay kaya lumabas na ako ng bahay.

Pero nagulat ako ng may makita akong nakahilera na mga kandila. Daan ng kandila papunta sa malayo. Mahaba ang daan na ito kaya naglakad na ako para makita kung ano ang dulo.

Habang naglalakad ay may papel sa daanan. Kinuha ko ito at binasa.

When I look at the stars I think of you. Because you are my Superstar.

Napangiti ako sa binasa ko pero tinapon ko lang ito at nagpatuloy sa paglalakad. May panibago na naman siyang ganap. Hindi siya nauubusan ng paraan para mapasaya ako.

May nakita ulit ako na papel sa sahig. Isang lyrics siya ng kanta. Million miles away. May naka highlight sa dulo ng kanta.

You're a superstar
A million miles away from me...

Natawa ako. Pinalitan pa yung lyrics ng abnoy.

Tulad ng ginawa ko kanina ay tinapon ko rin yung papel. Nakita ko na si Toff na nakatayo sa harap ng lamesa at may hawak na mga bulaklak.

Nagmadali ako mag lakad papunta sa kanya. Hindi ako makahintay kaya tumakbo na ako. Inabot niya yung flowers. Nung makarating ako sa kanya kinuha ko yung flowers at tinapon yun.

Bigla kong hinawakan yung mukha niya at hinalikan siya. Pagkatapos nun ay niyakap ko siya ng mahigpit ng mahigpit.

KRISTOFF'S POV

Ang sarap ng yakap niya ngayon. Namiss ko ito kahit ilang oras ko lang siyang hindi nakasama.

"Happy Valentine's Day, Pretty Baby." Masayang bati ko sa kanya.
"Bakit mo naman tinapon yung mga bigay ko sayo?" Natatawa kong tanong sa kanya.

"Para mayakap ka." Malambing niyang sabi ng titig na titig sa mata ko at kitang kita ko ang kislap ng mata niya ngayon. "Everyday you make me happy, I want to hug and kiss you." Malambing niyang sabi na ang sarap pakinggan.

Napangiti ako sa sinabi niya. Ganun na ganun rin ako sa kanya pero ayoko lang masapak dahil minsan wala siya sa mood.

"Hahahah!" Tawa ko habang pinupunasan ko ang luha sa mata ko.

"Bakit ka naiyak? Mukha kang timang!" Pag aalala niya.

"Nabasa mo ba yung lyrics ng kanta doon sa papel?" Tanong ko sa kanya at tumango siya. "Ang sabi dun I'd love to make you mine. 'Cause it's the only way to hold you, In my wild imagination." Tutok siya sa pakikinig sa akin habang yakap namin ang isa't isa. "Noong pinapanood lang kita noon sa cellphone o tv, iniisip ko paano kaya mag mahal ang isang superstar na ito? Iniimagine ko siguro dadalhin ka niya sa langit." Tumulo yung luha ko. "Hindi ko alam na mararanasan ko pala yun. Jennieca dinala mo nga ako sa langit."

Mess With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon