KRISTOFF AND JENNIECA

114 36 11
                                    

Lumipas ang ilang buwan noong nag propose ako kay Jennieca sa Tagaytay. Malapit na dumating ang araw na pinakahihintay ko. Ang kasal na hinihiling namin ni Jennieca. Tatlong araw nung mapagdesisyon naming hindi magkasama muna ni Jennieca bago magkasal. Para may excitement daw ang kasal namin. Nasa Bayan siya ngayon at doon nag aayos kasama daw ang mga bibigating artista, hindi ko alam kung sino ang mga iyon.

Kasama ko sa pag aayos dito sa isla sila Manong Gino, mga kapitbahay namin at si Miss Brown kasama ang mga kaibigan niya pati yung anak ng isang company na nakipag partnership samin. Si Mr. Crouste Martinez. Tingin ko nga may namamagitan sa kanila ni Miss Laliza Brown e. Iba kasi ang mga tinginan.

Nandito na rin sila Mommy at Daddy at sila ang nag aalaga kay Trinnieca. Sila Miss Laliza Brown at Mr. Crouste Martinez naman ang nag aayos ng venue ng kasal namin. Super akong nagpapasalamat sa kanila dahil ang ganda tignan ng lugar kung saan kami ikakasal. Iniimagine ko kung paano ang mangyayare doon dahil bukas na ang kasal namin. Hindi na ako pinatulong ng mga kaibigan ni Miss Brown kaya hinanda ko lang ang sarili ko sa mga gagawin at sasabihin ko bukas.

Kinabukasan nagising ako ng may saktong tulog. Maaga pa naman pero naexcite ako kaya sinilip ko ulit ang venue. Mas gumanda ito kumpara kahapon.

Maya maya ay dumating na ang ibang bisita kaya nag gayak na ako. Pagkatapos ko mag ayos ay lumabas ako at binati ang mga bisita. Mga magaganda ito at gwapo na makikita mong artista talaga. Nagsi-datingan ang magagandang barko. Makikitang milyonaryo ang mga bisita namin dahil galing ba naman sa Hollywood at ang iba ay mga business partner ko.

Dumating na rin ang mga kaibigan ko na sila Ric at Jake kasama pa ang mga katrabaho namin. Malawak ang isla kaya kasya ang maraming bisita dito. Natuwa ako sa mga kaibigan ni Miss Brown at mga empleyado namin dahil hindi sila matapos sa pakikipag picture sa mga artista.

Maya maya may nakita akong lalaki malaki ang katawan. Nasa malayo ito at naglalakad papunta samin. Nung sinalubong ko ay nabigla ako sa nakikita ko at hindi makapaniwala.

"The Rock?" Sigaw ko. "Dwayne The Rock Johnson?" Pagklaro ko.

"Yeah! If you smell. What the rock si cooking!" Sigaw niya na namangha ako.

"Wow!!" Hindi parin ako makapaniwala. "Thank you for coming. I'm your die hard fan since you're in WWE." Masaya kong sabi habang nagba-bow sa kanya.

Grabe ang saya ko ngayon.

"I will congratulate you and Jennieca for your wedding, so congratulations!" Maangas niyang sabi.

Hindi mawala ang ngiti at tingin ko sa kanya. "Thank You so much!! It such a pleasure to be greet by one of the great Actor and Wrestler. Men I can't believe!" Sabi ko habang nakikipag kamay sa kanya.

"Oa mo." Bigla may nagsalita sa likod ko, si Miss Brown. "May naghahanap sayo, pumunta ka doon sa loob." Mataray niyang sabi.

"Okay." Sabay baling ko kay The Rock. "See you later Idol!"

"Sure." Sagot niya.

"This way Mr. Johnson." Sabay pag-asikaso sa kanya ni Miss Brown.

Pumunta na ako sa loob at nagulat ako ng makita ko ang naghahanap sakin na nakatalikod.

Si Harry.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

Humarap siya. "Hi. Congrats." Masaya niyang bati sakin.

"Thanks." Tipid kong sagot,

"So I'm right? You two are destined together. That's why I made I right decision." Pag e-English niya na kala mo kinagwapo niya.

Mess With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon