Copyright © 2020 by MS_FUJOSHISAN
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Disclaimer
I do not own any pictures, videos, song lyrics that may included in this book.Hope you enjoy reading!
×××
"GOOD JOB, NATHAN! Nakita kong marami ka na palang mga followers na nag-subscribe sa website mo," masayang sigaw ni Boss nang makaupo na 'ko sa harap ng office desk niya.
"Mukhang deserve ko naman po yata," pabirong sagot ko na ikinatawa namin pareho.
"Of course. Sa dami ng mga followers mo sa mga ginagawa mong news articles, siguradong napaka-interesante talaga ng mga gawa mo--- making your public readers curious and agree--- kaya lagi silang bumabalik para magbasa. At saka alam naman natin na ang mga ginagawa mong mga lathalain ay maipa-publish na rin sa mga dyaryo at magazine. Malaking tulong rin ang mga ginagawa mong article sa iba't ibang mga sangay na nangangailan ng datos. At ang masaya roon, sigurado na mai-a-acknowledge ka kasi galing nga sa iyo at ikaw mismo ang gumawa," mahabang paliwanag niya na ikinangiti ko hanggang tainga.
"Pinaghirapan ko naman po kasi lahat ng iyon. Dugo't pawis ang puhunan ko na minsan ay muntik ko na ring ikinapahamak. Pero sulit naman po dahil sa mga natatanggap kong positive feedbacks na nagsasabing valid at reliable ang mga informations na inilalagay ko kaysa sa mga bashers ko na gawa gawa ko lamang daw."
Natawa siya sa sinabi ko. "Dahil diyan ay promoted ka na!"
"Si Boss naman, wala yu--- a-ano hong sabi ninyo, Boss? P-Pakiulit nga," parang nabinging tanong ko na ikinangiti niya nang maluwang.
"Dahil sa tapang, galing at talino sa trabaho mo bilang isang photo journalist, promote ka na sa mas mataas na puwesto."
Kuminang ang mga mata ko sa mga sinambit niya. "T-Talaga, Boss? Diosko, salamat po. M-Magkano na po ang sweldo ko ngayon?"
"Loko 'to. Sweldo agad ang tinatanong," sabi niya na ikinatawa ko.
"But kidding aside, Boss, ano na naman po bang susunod kong gagawin?"
"Iyon nga yung sasabihin ko kaya kita pinapunta rito kasama na rin ng pag-promote ko sa iyo."
"Mukhang seryoso tayo boss, ah."
"Actually," sabi niya bago ko nakitang naglabas ng isang brown envelope mula sa drawer ng office table niya. "Ito ang susunod mong target," abot niya sa 'kin nun.
"Ano 'to?"
Binuksan ko iyon at litrato ng isang lalaki ang nakita ko. Kalakip na rin doon lahat ng mga impormasyong nakasulat sa isang papel tungkol sa kaniya.
"Siya si Lincoln. Isang mafia leader. Nakipagtulungan ang ating grupo sa mga private detectives na kinabibilangan ni Senior Detective Marcellus. Matagal na nilang minamanmanan ang lalaking 'yan kaso, masyado silang mabilis, alerto kumbaga kaya malinis ang bawat kilos nila, kaya walang sapat na ebidensya ang nakakalap ng mga awtoridad para mabigyan ng karampatang kaso."
"Ano po bang meron sa lalaking 'to?" Tanong ko ulit.
"Isa siyang multi-billionaire businessman. May malaking kompanya pero nagpapatakbo rin daw ng mga illegal na gawain. Iyon ang sabi ng iba, kaso walang sapat na katibayan para maniwala ang mga kapulisan."
BINABASA MO ANG
The Deadlock - Short Story [COMPLETED]
Random[INE-EDIT KO PA] 'The deadlock is starting again.' ... I run the risk of meeting two different types of people because of my job, each of whom has lured me into their own hellish traps. In the name of love, hell that starts to reveal the truth about...