Part 11

1.2K 42 0
                                    


×××

Nathan's P.O.V

"Uwi na! Hoy, kayong dalawa! Alis!" sigaw ni Sierra na nagpalingon sa aming tatlo sa kanya. "Ano pang tinatayo tayo niyo diyan? Shoo~ Pinagtatawanan nio ko kaya alis na." pagtataboy nia sa kanila na tinutulak tulak pa palabas ng pinto.

"Teka lang, nandito ako para dalawin si Nathan." pigil ni Lincoln na kumapit sa may doorframe.

"Nakita mo naman diba? Ok na siya. Nakakalakad na. Magaling na magaling na, kaya wala ka nang dapat alalahanin pa sa kanya."

"Pero--"

"Walang pero pero--"

"Shut up! Hindi ikaw ang ipinunta ko rito kaya wala kang karapatan na paalisin ako!"

"Apartment ko rin to kaya may karapatan rin ako!"

*sigh*

"Wag mo kong itulak!" sigaw ni Lincoln nang tangkain siyang itulak ni Sierra gamit ang dalawang kamay at hindi na niya pinansin pa si Vlad.

"Wag mo kong sigawan! Hindi ako bingi!"

"Ang tigas ng ulo mo! Ayoko pang umalis sabi!"

"Mas matigas ang ulo mo! Ang kapal pa ng mukha mo! Umalis ka na nga!"

"Tumigil na nga kayo." natatawang awat ko pero nagmistula lang akong hangin sa tabi nila. Lumayo na rin ng konti si Vlad dahil baka madamay pa siya sa sigawan nilang dalawa.

Teka, sa tingin ko, ngayon lang nagkita ang dalawang to, pero bakit kung mag away sila, parang matagal nang magkakilala. Napapa-face palm na lang ako. Parang 'di ko rin naman maaawat si Sierra. Bungangera yan eh.

"Eh, siya tong hindi tumitigil eh!"

"Mukha mo! Yang bunganga mo ang itigil mo! Ang ingay ingay mo!"

"Aba! Ang kapal talaga ng mukha ng asungot na to." inis na sabi niyang tumingin sa akin. "Saan mo ba nakilala ang bugok na to?"

"Anong sabi mo?" pagsabad ni Lincoln.

"Tama na nga yan." pagtitigil ko ulit sa kanila.

"Eh, tinangka pa nia akong dukutin eh!"

That stops us.

"ANO? Anong pinagsasasabi ng babaeng to?!" kunot- noong tanong ni Lincoln.

Bakit ba inis na inis sila sa isa't isa?

"Tingnan mo to, dinedeny pa. Para sa kaalaman niyo, nilock nia ako sa kotse nia kanina kaya nahuli ako. Mabuti nga eh, nakalabas rin ako sa may bintana. Siguro, nilock nia ako para di ako makalabas at para madukot nia ako at madala sa isang liblib na lugar tapos hahalayin, sasaktan, 'tas papatayin o kung hindi, ibebenta ang mga lamang loob ko tapos itatapon ang bangkay ko sa ilog na nakasilid sa isang sako. Mapapadpad naman ang katawan ko sa may gilid na palutang lutang then matatagpuan ng mga tao, mairereport sa pulis, malalaman ni Nathan, ayun, baka di siya makatulog tapos--"

"Alam mo, may ubo na ata ang utak mo."

"HAHAHAHAAHHAHAHAHA!"

"Nathan!? Bakit ka tumatawa? Hindi ka ba naniniwala sa akin? Ang sama ng tingin sa akin ng lalaking to oh!" turo niya kay Lincoln.

"Sierra, relax!"

"Paano ako magrerelax? Eh, muntik nang mapahamak ang buhay ko!"

"Alam mo, gutom lang yan. Di pa kasi tayo nag agahan dahil ang tagal mong dumating. Tsaka sa susunod, wag ka nang magbasa ng mga fiction thrill stories dahil kung  ano anong hindi maganda na idinudulot sa imahinasyon ng utak mo." sabi ko na pilit pinapakalma ang boses ko para mukhang seryoso dahil baka 'di ko mapigilan eh matawa na naman ako.

The Deadlock - Short Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon