Part 8

1.4K 55 0
                                    


×××

Nathan's P.O.V

"Who would you choose between us? Is it me or that bastard?"

Laglag ang panga kong napatingin sa kanya dahil sa narinig kong tanong nia.

Wala sa sariling napahawak ako sa noo nia.

"May sakit ka ba?" sarkastikong tanong ko na lalo lang din niyang ikinaseryoso at mahigpit na hinawakan ang kamay kong nakalapat sa noo nia at marahang inilihis iyon para magkaharap kami ulit.

"Seryoso ako, Nathan. Hindi kita pinadala dito para lang magkalokohan tayo."

Ramdam ko ang pomalidad sa boses nia.

Matagal ko nang napapansin pero hindi ko naman kasi talaga sineseryoso ang mga sinasabi nia.

Sino naman ang maniniwala, di ba? Isang lalaking bampira ay may ganung klase ng pagtingin sa isang mortal? Ang malala pa, sa isang lalaki rin katulad nia. Hindi naman sa pag-a-assume pero yun talaga ang nararamdaman ko.

The way he speaks to me, and even having sex ay nagawa na nia sakin. Maliban na lang kung ginagamit lang ako as his sex toy or a sex slave.

At hindi na ko papayag pa don.

Yes, he's as powerful as a monster pero hindi ko nagugustuhan ang mga sinasabi nia. Kaya kung tutuusin parang ayoko siyang paniwalaan sa lahat ng mga pagbabanta nia na kakagatin nia ako at gagawing bampira at maging reyna nia pero hindi ko naman inaasahan na sa ganito na hahantong na pati si Lincoln ay madadamay na rin.

Ano bang kinalaman niya rito? Wala naman siyang gusto sakin at mas lalong wala akong gusto sa isa pang manyak na yon.

"Eh, bakit ka ngayon nagagalit sa akin kung sakaling tatawagin ko nga si Lincoln?"

Kinabahan ako nang makitang umigting bigla ang panga nia habang magkasalubong ang kilay nia.

Teka, may mali ba sa tinanong ko?

"A-aray!" daing ko nang bigla niyang pisilin ng mahigpit ang kamay ko na hawak nia.

"Hindi mo siya pwedeng tawagan. Hindi kailanman dahil hindi ako papayag."

Ngayon ko lang siya nakitang ganito magalit sa harap ko. Ano ba kasing kinakagalit nia ngayon?

Kanina, tinatanong nia ako kung sino sa kanila ni Lincoln ang pipiliin ko tapos ngayong sinabi kong baka sakaling tawagan ko si Lincoln nagagalit siya? Problema ng bampirang to? Paiba iba ng trip o mood tapos nananakit pa.

"Aray! Bakit ba?" inis na tanong ko na humila sa kamay

ko pero hindi nia ako binitiwan, mas lalo lang niyang hinigpitan para mapangiwi ako sa sakit.

"Because I know, he feels something special to you!"

Ha? Sa akin?

"A-ano nama--"

"Eh, sa naiinis ako eh!" sagot nia na pabalyang binitawan ang kamay ko at napalingon sa ibang direksyon.

Naiinis? Teka, anong sabi nia kanina? May feelings sakin si Lincoln? Seryoso? Damn. Napapalibutan na ako ng mga homo na to.

Naalala ko tuloy yung nangyari nung isang gabi nang tangkain akong patayin ng isang bampira at naligtas naman ako ni Lincoln. Nung time na hawakan pa nila ako sa magkabilaang braso. Grabe yung naramdaman kong tensyon sa pagitan nila. Sa paraan pa lang ng tinginan nila, parang ang bigat na ng awayan nila eh.

Tapos ngayon, malaman laman kong may gusto pala silang dalawa sa akin at naiinis si Vladimir kay Lincoln. Ibig bang sabihin nito, ako talaga ang dahilan ng away nila? Kaya ba lagi silang hindi magkasundo?

The Deadlock - Short Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon