×××Nathan's P.O.V
"Boss, nakapag-update na ulit ako ng isa pang article. At ang maganda do'n, meron na akong nailagay na litrato as evidence," natutuwang imporma ko agad nang makarating ako sa opisina ni Boss Noah nang tawagan niya ako kanina.
"Good. Pero anong balita? Hindi ka na ba nila nahuhuli 'pag kumukuha ka ng impormasyon tungkol sa kanila?" Tanong niya na ikinangiwi ko agad.
"Uhm, h-hindi naman, boss. Actually, parang naglalaro na lang kami ng tagu-taguan ngayon. Pero sila ang laging taya. Muntikan pa akong hindi makauwi nung isang gabi pero ayos naman ako, buhay pa rin naman," natatawang saad ko na ikinagulat niya.
"Anong sabi mo?"
Natawa ako sa naging reaksyon niya. "Joke lang, Boss. Huwag kayong mag-alala. Wala pa namang nangyaring masama sa akin .. sa ngayon," pasimpleng bulong ko sa huli.
"Mabuti naman kung gano'n. Pero matanong ko lang, ano yung isang post na nabasa ko? Tungkol sa mga bampira ba iyon?" Tanong niya.
"Ah, iyon ba, boss? Oo, tungkol nga sa mga bampira yung isa ko pang ginawa kagabi," sagot ko. "Naalala ko kase yung bali-balita na kumakalat sa kabilang syudad na may mga namamatay raw at parang mga bampira ang may gawa. Kaya ginawan ko ng article para patunayan na totoo sila at hindi lamang gawa-gawa sa imahinasyon dahil muntik na rin nila akong kagatin. Iyon ay para ma-inform rin sila na delikado ang paglalabas tuwing gabi dahil doon sila umaatake. Bakit mo pala naitanong?"
"Totoo nga ang narinig ko kung gayon. Akala ko nagbibiro ka lang nung sinabi mo sa akin na nakakita ka na. Ang masama pa do'n, ang target raw ng iba ay yung mga bata-bata pa at magagandang babae."
Those damn blood-suckers!
"Nakakalungkot isipin pero totoo talaga iyan, boss. Kaya dapat tayong maging maingat bawat oras ng gabi."
Huwag ko munang banggitin sa kaniya ang tungkol kay Vladimir. Baka sunod na naman nilang pa-imbestigahan sa akin ang tungkol sa kaniya. Dahil kapag nangyari iyan, mas gugustuhin ko pang mahuli ni Lincoln kaysa sa mapunta sa kamay ng Vladimir na iyon.
Damn. Naalala ko na naman ang ginawa sa akin ni Lincoln kagabi. Ang lakas ng loob niyang halikan ako sa labi. Ew. Kaya 'wag na lang pala akong magpapahuli sa kahit na sino sa kanilang dalawa. Mas gugustuhin ko na lang mamatay.
...
Napatampal ako ng noo habang nakatitig sa maliit na cork board sa harap ko kung saan makikita at mababasa ang lahat ng mga litrato't impormasyong nakalap ko mula sa sindikatong grupo nina Lincoln. Hanggang ngayon kase ay wala pa akong naidaragdag doon.
Isang linggo na ang nakalipas mula nang huli ko silang minanmanan o nakita. At iyon yung araw ring nagkairingan sila ni Vladimir.
Mas lalo lang tuloy akong naguluhan ngayon dahil sa mga nangyari. Parang mas nahirapan na ako sa trabaho ko.
Hindi ko lang nagawang banggitin kanina kay Boss pero ang dami-dami na talagang sagabal.
Isa na yung personal na galit ko kay Lincoln mismo. Dahil doon ay hindi na ako nagkakaroon ng excitement sa trabaho. Parang ayoko na siyang makita ulit.
Isa pang problema 'tong bampirang si Vladimir.
'You can run, but I'll always find you. You cannot escape from me, no matter where you try to hide. Nowhere is safe from me,' naalala kong sabi niya noon sa 'kin.
Parang araw-araw na lang na pumapasok ako sa trabaho, may mga matang nakamasid sa 'kin. Hindi na nga ako maka-concentrate, parang lagi pang nasa peligro ang buhay ko.
BINABASA MO ANG
The Deadlock - Short Story [COMPLETED]
Aléatoire[INE-EDIT KO PA] 'The deadlock is starting again.' ... I run the risk of meeting two different types of people because of my job, each of whom has lured me into their own hellish traps. In the name of love, hell that starts to reveal the truth about...