Part 4

1.9K 82 6
                                    


×××

Nathan's P.O.V

"Nathan?"

Naramdaman kong parang may tumatapik sa pisngi ko. Hanggang sa balikat ko naman ang sumunod niyang niyugyog.

"Nathan?!"

Ano ba 'yan? Nakakainis. Alam naman niyang natutulog yung tao, eh.

"Nathan!"

Sige. Isa pa. Talagang tatamaan ka na sa akin.

"NATHAAAAANNN!!!"

Fvck. Ang sakit sa tenga. Kulang na lang mabasag ang eardrums ko.

Agad akong napamulat ng mata sa inis at---

"AAAAAHHHHHHHH!!!"

Napabalikwas ako sa gulat nang makita ko mismo sa harapan ko pagbukas ng mata ko ang mukha ng isang halimaw--- ay este--- si Sierra pala.

"Kung makasigaw ka diyan, akala mo naman may nakita ka nang multo. Tingnan mo nga 'yang sarili mo!"

Huh? Napalingon ako sa sarili ko. "Ano bang mali sa sarili ko?"

"Seryoso, Nathan? Anong pumasok sa utak mo at dito ka sa labas natulog?" Taas-kilay niyang tanong sa akin.

Ano?

Napalingon ako sa paligid. Ngayon ko nga lang napansin at na-realize. Teka, bakit nga ba talaga ako narito sa labas? At nakahiga pa mismo sa gilid ng kalsada sa may apartment gate namin. Shit!

Dali dali akong bumangon at tumayo sabay pagpag sa damit ko. Napansin kong pinagtitinginan na rin ako ng ilang mga dumaraan sa kalsada.

Paanong---?

"Halika, sa loob tayo mag usap," mabilis na sabi ko kay Sierra sabay hila sa kamay niya papasok sa kwarto.

"Bakit ka nando'n? Lasing ka pa 'ata. At saka, bakit ngayon ka lang? Anong plano mo sa buhay mo at naisip mo pang---"

"Shhh. Nagkakamali ka," pagpuputol ko sa sinasabi niya. "Hindi ako kusang natulog do'n, okay?"

"Eh, ano? Nahimatay ka na lang bigla?"

"Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko pero kagagawan 'to ng isang bampira!" Seryoso ngunit mahinang saad ko dahilan para titigan niya ako sandali.

Hanggang sa bigla rin siyang napatawa na ikinakunot ng noo ko.

"May tama ka pa 'ata, ah. Itulog mo pa siguro---"

"Sierra, hindi ako lasing, okay? Kagabi lang yun. Yes, nag-inom ako pero wala na akong tama ngayon," pagpuputol ko sa sinasabi niya. "Kinagat nga niya ako, eh, kaso nawalan lang ako ng malay."

"You mean .. kinuha ka ng bampira kagabi ta's ibinalik ka rin rito?" Natatawa pa ring tanong niya.

"Yes! Dinala rin niya ako sa gubat," saad ko na ikinatawa lang ulit niya na napasapo pa ng noo.

"Hay nako, ako 'ata mababaliw sa iyo, eh. Dala lang siguro niyan ng camerang nasira mo. Huwag kang mag-alala, tutulungan kitang maipaayos iyon---"

"Sige, Sierra, pagtawanan mo pa 'ko ngayon. Alam kong totoo ang sinasabi ko. Kapag talaga nakahanap ako ng ebidensyang magpapatunay na may nakahalubilo na akong mga bampira, ipapalunok ko talaga ulit sa iyo lahat ng sinasabi mo ngayon sa akin."

"O, sige," natatawa pa ring sagot niya. "Patunayan mo muna sa akin para maniwala ako. Imposible naman kaseng buhayin ka pa nila kung talagang mga bampira sila."

The Deadlock - Short Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon