×××Nathan's P.O.V
'I like you..and so is he. At ramdam ko yun sa kanya. He is always there for you para iligtas ka. Kaya patas na naman ang laban. Hinihintay na lang namin ang hudyat ng magiging desisyon mo, kung sino sa aming dalawa ang pipiliin mo. And once you've finally chosen one of us ...
'then the deadlock will start again ...
'at mukhang dadanak na naman ang dugo dahil mukhang alam ko na rin ang magiging sagot mo.'
Hindi ako pinatulog ng mga salitang yun ni Vladimir.
May mga nabubuo na akong mga kaisipan pero hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi..
dahil kung oo, matagal na niyang ginawa.
Huminga ako ng malalim at napabuga habang nakatitig lang sa kisame. Ayaw pumikit ng mga mata ko. Kahit anong pilit kong makatulog ay hindi ako pinapayagan.
Gabi na. Himala at hindi nagpakita buong araw si Vladimir sakin. Mabuti naman. Nagtino na siguro ang utak niya.
Teka, kung sakaling wala nga talaga siya rito, pwede pala akong makalabas.
I immediately jump off to bed when I realize that escaping this time of night is a good chance. Wala naman sigurong pipigil sa akin. Tsaka, hindi naman siguro ako sasaktan ng mga alagad ni Vladimir na nasa labas dahil siguradong sila ang mapapahamak pag sinaktan nila ako.
Pinihit ko ang seradura sa kwartong kinaroroonan ko at swerte kong hindi naman pala yun naka-lock. Lagi kasing may nagdadala sa akin ng pagkain kaya hindi na rin ako nag-aabala pang buksan yun dahil baka nila-lock rin nila paglabas nila.
Agad akong nagmasid sa paligid nang makalabas na ako sa pinto. Maingat na paglalakad sa may pasilyo ang ginawa ko at sinusubukang hindi makagawa ng kahit ano mang tunog na maririnig nila.
Aba! Ang dami naman palang bahay ng pesteng bampira na yun! Iba kasi to sa unang pinagdalhan niya noon sa akin noong una niya akong dukutin.
Medyo nasanay na rin ako sa ginagawa niyang to. Hindi na rin ata ako nakakaramdam ng takot mula sa kanya. Sino ba siya para katakutan ko? Kahit naman na bampira siya, na deadly blood-suckers na tawag nila ay hindi ako kailanman nakadama ng takot. Noong una, oo, pero habang tumatagal na nakakasama ko siya ay unti unting nabura. Hindi naman kasi niya ako sinasaktan physically- except biting me in the neck ... hmm, sexually and mentally, pwede pa.
Mentally kasi tinatakot niya ako na magiging bampira na rin ako tulad niya pagkatapos niya akong kagatin. And he even told me to be her queen. Like, duh! Ngunit hanggang ngayon, wala pa naman akong nakikitang trace sa pagiging bampira kung totoo ngang nagiging halimaw na rin ako tulad nia. At thankful naman ako dun.
Pero ... napansin kong kahit pala, madalas na niya akong harasin, hindi pa ako nagalit sa kanya. Nainis, oo. Pero kung sa talagang todo na, hindi pa. Magkaaway man kami pero hanggang salitaan lang ng masasama. And he didn't too even care for it. Kaya medyo napaisip ako dun.
Anyways, mas nilakasan ko pa ang mga senses ko. Hindi ako pwedeng manatili rito ng matagal. Dahil baka mas lalo lang akong mapahamak ... at madadamay.
"There's a human in here." rinig kong sabi nang saktong makatapak na ako sa labas ng frontdoor- na ikinatigil ko.
Fuck!
Naalala kong mas malakas pa pala ang senses nila kaysa sa mga tao. Sigurado akong naaamoy na nila ako ngayon.
"That kind of blood scent." saad pa ng isa.
Shit! Kailangan ko na talagang makaalis rito.
Agad akong umatras at naghanap ng ibang pwedeng madadaanan.
BINABASA MO ANG
The Deadlock - Short Story [COMPLETED]
Losowe[INE-EDIT KO PA] 'The deadlock is starting again.' ... I run the risk of meeting two different types of people because of my job, each of whom has lured me into their own hellish traps. In the name of love, hell that starts to reveal the truth about...