Part 10

1.3K 51 1
                                    


×××

Nathan's P.O.V

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil nagising na lang ako sa isang puting silid. May mga nakatusok at nakakabit sa akin.

"Nathan?"

Napalingon ako sa babaeng nakayukyok sa gilid ko na ngayon ay nakatingala na sakin nang maramdaman niya sigurong gumalaw ang kamay kong walang IV needle na siyang nagsilbing unan niya nang nakaidlip ito.

Isang ngiti naman ang isinagot ko dahilan para mahinang sipatin niya ako sa braso.

"Ano bang nangyari sayo?" nakasimangot na sabi niya hanggang sa makita kong may tumulo na lang na luha mula sa mata niya. "Nag-aalala ako sa iyo ta's ngingiti ngiti ka lang diyan?"

"Sinong nagdala sa akin rito?" tanong ko sa kanya nang maalala ko ang nangyari kagabi.

"Sabi ng nurse na nakausap ko kahapon, isang lalaki raw ang nakakita sayo sa may kalsada na nakahandusay at nakita kang walang malay at maraming sugat. Kaya dinala ka niya rito. Sabi niya, baka napagtripan ka raw ng mga lasing o adik. Medyo nagtaka nga ako dahil may isang numero ang nagtext sa phone ko na narito ka raw sa mismong ospital na to kaya agad na rin akong pumunta rito." sagot niya habang pinupunasan ang luha sa mukha niya.

It must be one of them ... and they even hid the truth.

"Ano ba kasing nangyari sayo? Ilang araw kang nawala. Tinetext kita at tinatawagan pero hindi kita makontak."

I didn't answer.

"Teka, may kinalaman ba dito yung dalawang--"

"Sierra, please, wag mo nang banggitin ang--"

"So, tama ako? Sila ang may gawa nito sayo? Sinaktan ka nila?" nagsalubong ang dalawa niyang kilay.

"Hindi."

"Anong hinde? Bakit ba kasi sila aligid ng aligid sayo kung sasaktan ka lang din nila." inis na tanong niya kaya tinitigan ko siya.

"They like me."

"They like ... anong sabi mo?" tila tumigil ang mundo niya sa narinig niya.

"It's about the deadlock."

"Huh?"

"Sierra, tama ba ang ginawa ko?" walang emosyong napatingin ako sa gawi nia.

"Ano? Teka nga, anong pinagsasasabi mo? Hindi kita maintindihan."

I sighed.

I end up telling her everything. Everything that happened in that night. Everything that I knew from their past. Everything. The reasons, why I end up like this.

"Pinatay talaga? Grabe, ibang klase. Ang hirap naman pala na magkagusto sa kanila. It was a fight of love and friendship." hindi rin makapaniwalang sabi niya nang sa huli'y ay naintindihan na rin niya.

"Hindi ko kailangang pumili dahil wala naman akong dapat piliin."

She kept silent.

"Wala din naman akong dahilan para magalit sa kanila dahil hindi naman nila ako kailanman sinaktan. Mabait sila sakin in such a way na kung sino talaga sila. They are fucking perverts but not an evil one. Nagawa lang naman ni Vlad yun sakin dahil sa hindi pagkakasundong tumatak sa kanilang isip simula pa nung una. Kaya naintindihan ko siya--"

"Okay lang sayo kahit na muntikan ka na niyang maipapatay?"

"Hindi naman siguro niya yun ginusto--"

"Seryoso ka Nathan? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Hindi biro ang ginawa niya! Inilagay niya sa kapahamakan ang buhay mo kaya ka narito ngayon sa ospital. Tas sasabihin mong hindi siguro niya ginusto? Nababaliw ka na."

The Deadlock - Short Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon